Chapitre Treize

4 0 0
                                    

Chapitre Treize
Tomber amoureux

I was trying my hardest just to calm myself down. Hindi pa rin humihinto sa pagwawala yung puso ko, hindi ko na maintindihan.

Okay pa ba ako? Normal pa ba 'to?

6 o'clock na ng gabi pero wala parin atang balak umuwi si Charles, sabagay mas gusto ko din na dito muna kami. Far from all the judgemental people, the unending rumors and the city. Yung totoo, pinoproseso parin hanggang ngayon ng sistema ko yung nangyari kanina. Parang hindi totoo, parang nananaginip lang ako. And if I was, I don't even want to wake up. I'll stay here forever.

"Hey..." lumingon ako sakanya, lumapit siya sakin, inabot niya yung kamay ko para makatayo, "Let's go, let's eat..." naglakad kami pabalik doon sa balcony. Nasa lamesa yung mga pagkain, umupo na kami doon.

Tinanaw kong muli yung burol, makikita mo yung buong syudad doon sa baba. Sobrang daming ilaw, sobrang gandang tignan. I smiled, "What are you smiling at?" I heard him asked, magkaharap kaming dalawa, nilalagay niya yung ketchup sa platito.

"The city lights," I looked at him, "And you..."

Huminto siya sa ginagawa niya, tumingin siya sakin, he smiled at me, nilingon ko yung pagkain namin. Doon ko lang napasin na ang dami pala non.

"Hala! Bakit ang dami? Tayo lang naman kakain, diba?" ang dami kasing fries doon, may burgers, may nuggets tapos may ice cream pa.

"Hala," ginaya niya yung reaction ko, "Kunyari ka pa, mauubos mo naman yan lahat...." he said, laughing.

Inirapan ko siya, "Ulol! Pakyu, wag ka hihingi! Kainis 'to..." I rolled my eyes at him, tapos hinampas ko siya ng free hand ko, tawa naman siya ng tawa.

Aba'y ulol talaga 'to. Tuwang tuwa na inaasar ako!

"Do you want to drink?" he asked, lumingon ako sakanya, "A bit will do..." I answered, kumakain parin kami nung may tinawagan siya sa phone.

Someone arrived after a few minutes, may dala iyong bucket na may lamang beer, bumati ito samin, ngumiti naman ako. Nagusap sila saglit, pagkatapos, umalis din iyon.

"Bakit tayo magiinom?" I asked him, hindi siya sumagot, nagpatuloy lang siya kumain. I looked at him, "Ay, hala, sige. Wala akong kausap? Para akong tanga?" pagtataray ko pa.

Natawa nanaman siya, iniling niya yung ulo niya, "Nothing, just some celebration..."

Convincing but I did not believe him, try harder, Cha... Medyo tahimik siyang kumakain. I looked at him, I know he's thinking... Ano kayang iniisip niya? Kinakabahan din kaya siya? Nagwawala din ba yung sistema niya? Hindi din ba niya alam yung sasabihin niya?

"Bakit?" doon ko lang napansin na matagal na pala ako nakatingin sakanya.

I breathed deep, "Matagal na kitang kilala..." Sabi ko, heart beating fast, uminom ako ng softdrinks.

Lumingon siya sakin, his forehead creased, "Ha? What do you mean?"

Lumakas nanaman lalo yung kalabog ng puso ko, pero alam ko namang wala ng bawian kasi nasabi ko na sakanya.

Its now or never...

"Yung sa restaurant? Kilala na kita doon, pati si Chase," I took a deep breath, we are both looking at each other, hindi siya nagsalita.

"Hey, talk... Are you mad?" I asked him, iniling niya yung ulo niya. "No, just tell me how it happened..." uminom din siya sa inumin niya.

He lightly smiled, ang gwapo, kainis.

L' amour De Ma Vie (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon