Chapitre Douze

1 0 0
                                    

Chapitre Douze
Te me plais

I opened my eyes as soon as I felt the car stopped, nakatulog pala ako sa byahe. I looked over the window and saw that we are now infront of a huge gate. I guess, we're here. I glanced at my wrist watch and its 8 o'clock in the morning. I was about to ask Charles what are we still doing outside when the gate opened, he started driving again. Medyo malayo yung bahay sa mismong gate, he parked at the parking space and got out, he opened my car door for me.

I went out and looked around, "You own this?"

I looked at him.

Wow, just wow. Ano pa ba yung hindi ko alam sayo, Cha?

Once again, I can't help but to be left with so much amazement in my whole being. The house was huge, it was more of a mansion. It a has a very spacious parking space and a garden. The whole outside was full of trees and different flowers, some of them were hanging. It also has benches, some swings, and a fountain.

Tumango siya, he smiled, "Not literally... This is our family's resthouse, I come here everytime I want an escape from the city..."

Nagsimula na siya maglakad paakyat sa three steeps na stairs papunta sa main door. It was a double black door. Nakasunod naman ako sakanya. Pagbukas non, may mga maid na bumati saamin. Iginala ko ulit yung mga mata ko sa buong bahay, and just the same as how it looks outside, I was left amazed by the beauty of it. Malaki yung buong bahay, may mga malalaking picture frames doon, maybe their family tree? There were pictures of them too. The whole house looks so elegant, with all the furnitures and the black, gray and white colors as its interior colors.

"Good Morning po, Sir Charles..." bati ng mga ito, ngumiti naman ito sakin, I smiled at them too.

"Si Nanay Leonora?"

"Ay, nasa kusina po, Sir..." sagot naman nung isa, tumango naman siya dito.

Nilingon ako ni Charles, hinila niya yung kamay ko papuntang kusina. Hindi pa rin maalis yung tingin ko sa buong bahay, iginala ko parin iyon sa bawat nilakaran namin.

"Nanay!" tawag ni Charles sa babaeng nakatalikod sa may kitchen counter, humarap ito ng may ngiti sakanyang mga labi.

Iginala ko ulit yung mga mata ko sa kusina, malaki rin iyon.

"Charles, anak!" lumapit iyon at yumakap, hinalikan naman ito ni Charles sa noo,"Bakit ngayon ka nalang ulit nagpunta dito? Isang buwan na din iyong huli..."

Ngumiti si Charles dito tapos lumapit siya sakin, "Sorry po, Nay... Medyo busy sa school." iginaya niya ako paharap sa matanda, "Si Aira nga po pala..." pakilala niya sakin, inabot ko naman yung kamay nito at nagmano.

"Good morning po..." I smiled.

"Ito na ba ang nobya mo, anak? Naku! Ang gandang dalaga, bagay na bagay kayo!" natutuwang sabi nito habang haplos ang buhok ko.

Hindi yon sinagot ni Charles pero nakangiti siyang nakatingin sakin, natawa naman ako. "Ay nako... Hindi po, magkaibigan lang po kami ni Cha, nay..."

Nakakunot naman ang noo nitong nagpalipat lipat ang tingin saamin, "Ha? Ang sabi saakin nitong alaga ko, pupunta siya kasama ang nobya niya..."

Nagtaka naman ako sa sinabi ni Nanay Leonora, baka plano nila ni Angeline iyon? Nilingon ko si Charles, nakayuko ito, nakangiting nakahawak sa batok niya, iniling ko nalang yung ulo ko. Binalewa yung unang naisip ko. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot, bumalik ako sa realidad nung magsalita si Charles.

"Ah... Nay, aakyat muna kami ha? Para makapagpahinga..." paalam niya dito.

"Nagumagahan na ba kayong dalawa?"

L' amour De Ma Vie (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon