Chapitre Huit

0 0 0
                                    

Chapitre Huit
Confrontation

Two weeks have passed since I went out with Charles and Chase. I didn't ask Charles anything about the phone call, but I told Aika about it. Sabi niya, confirmed na daw iyon, ako daw yung gusto ni Charles. Iniisip ko din yon honestly, but I don't want to assume things unless its stated, yung siya mismo yung magsasabi sakin.

Everthing's the same, though. Wala namang nagbago. Kasabay padin namin si Charles ni Aika every lunch, sobrang close na nga naming tatlo. We are still the talk of our department, but I'm trying my best to ignore it and somehow, it works. Hindi na ata titigil iyon.

"Bakit ba laging ang lalim ng iniisip mo?" tanong ni Charles sakin, napatingin ako sakanya.

Eh, gago. Ikaw may kasalanan nito eh, tangina mo.

"Eh ano naman?" pagtataray kong sagot sakanya.

"Ako siguro iniisip mo..." asar niya sakin.

Paano niya nalaman? Oh, my gosh.

"Asa! Bakit ba andito ka? Diba may class ka?"

Natawa siya, "Oo nga. Eh papunta na dapat ako dun, nakita kita dito kaya dumaan muna ako," sabi niya. "Asan si Aika?"

"Papunta na yon dito, bibili lang daw ng pagkain niya," sagot ko naman. "Sige na, Soriano. Malalate ka na niyan!"

"Pagkain niya ba talaga o pagkain mo?" he was laughing while saying it.

Hinampas ko naman siya, "Ulol, gago. Bwisit 'to, umalis kana nga!" inis kong sabi sakanya, pero tumatawa na din ako.

"Oo na, aalis na. Taray. May dalaw ka ba?" asar pa niya ulit, lumalumakad na siya palayo.

Maya-maya lang din dumating na si Aika, dala yung mga pagkain naming dalawa, parehas kami ng class ngayon, mamaya pa naman iyon kaya kakain muna kami.

"Besfran, ano na?" tanong niya sakin, kunot noong lumingon naman ako sakanya.

"Anong ano na?" nagtatakang tanong ko.

"Ay, gaga. Hindi mo parin ba itatanong kay Charles?"

"Hindi, ayoko nga. Bahala siya kung sasabihin niya kung sino yung gusto niya...."

"Hindi mo ba gusto malaman?"

Tinignan ko siya, syempre gusto kong malaman. Ilang beses ko nang gustong itanong, pinipigilan ko lang yung sarili ko kasi kung gusto niyang malaman ko, sasabihin niya sakin ng hindi ako nagtatanong.

"Gusto. Pero kasi besfran, hayaan na natin yung tao. Magsasabi naman yon kung gusto niya na sabihin satin." sabay subo ng pagkain ko.

"Okay, fine. Sige, ikaw bahala. Ayaw mo ng lovelife ha!" natatawang pampaguilty'ng sagot niya.

Akala niya siguro, naguguilty ako. Hindi naman effective.... Hindi kaya...

Ten minutes before our class, umakyat na kami ni Aika. Three hours yung class namin ngayon, magkaiba yung class namin ni Charles pero sabay lang din kami ng oras matatapos. Sabay kami uumuwi pag parehas yung mga oras ng schedules namin, exactly 6 o'clock nung nagdismiss yung prof namin. Nakalabas na kami ni Aika non, sa field na kami aantayin ni Charles. Naglalakad na kami papunta sa field nung may lumapit samin ni Aika.

L' amour De Ma Vie (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon