Paki share, vote and comment na rin!!
BIBIEN'S POV
Kakagising ko lang at mahilo-hilo pa dahil sa puyat ko kagabi kakagawa ng mga kailangan para sa aming defense sa school. May naitulong naman yung mga ka-grupo ko pero as usual pag leader ka halos ikaw ang gagawa. Syempre medyo heavy na ang gawain dahil mag papasko na at malapit na ang Sembreak or Christmas break. Tambak nanaman ang gawain ko pero never akong na-late mag pasa dahil nga parang college na rin ang turing samin dahil seniors at graduating na kami.
Ako nga pala si Ma. Vivienia Josepina Rodriguez. Mas kilala ako sa amin bilang si Bibien dahil mahaba naman kasi masyado yung Vivienia. Yung nanay ko kasi masyadong gusto yung mga classic na pangalan. Kaya ayan, parang matanda tuloy pangalan ko. Isa pala akong 4th year high school student sa isang exclusive school. Ang Christiniana Champagnat Intergrated School. Kahit unica hija lang ako, di pa rin ako tinipid ni inay sa pag aaral. Dahil kahit 3rd year college lang ang natapos niya, gusto niya na mas mapabuti ang aking pag aaral. At dahil din dun nag hiwalay sila ni itay. Dahil sa pera at sa pag aasawa ng iba ni itay.
Kaya bata pa lang ako ang Tita Badet ko na ang nag alaga sakin kasama ng kanyang unico hijo at soon ti be mag kakaroon ng kambal si tita. Wala kaming sariling tahanan kaya nakatira pa rin kami ni inay sa kanyang nanay.
Nagising ako sa sakit ng ulo, buti na lang at nagising agad ako dahil mali-late na pala ako sa school. 7am kasi ang pasok ko pero 6:25 na ng magising ako. Dali dali akong kumain ng almusal kasama ang pinsan ko na parang kuya ko na rin na si Kuya John. Siya yung anak ni tita Badet, kahit panganay si inay at pangalawa si tita Badet, mas matanda pa rin saken si kuya John.
Nauna na ako maligo pag tapos ko kumain dahil mahuhuli na ako. Pag tapos ko mag bihis tinawag ko na si Tito Toni, bunsong kapatid nila inay, para ihatid ako sa school. "Tito! Pahatid na ako, mali-late na ako!" Sigaw ko sa kanya habang nakatingala dahil nasa baba ako ng hagdan namin. "Pababa na, mag ayos ka na." sagot naman nito.
Nag ayos na ako nang gamit ko sa school. Di naman ako palaayos ng istura dahil medyo lalaki ang asta ko kahit na may nobyo na ako.
Pag dating ko sa school, hinanap ko agad sa school grounds si Benedict. Ang boy-friend ko since grade 9. Nang mag tama ang mga mata namin, agad niya akong nilapitan at sinalubong ng yakap at beso. "Good morning love!" bati niya sakin ng naka ngiti at sumilay naman sakin ang kanyang malalim na dimples at naningkit din ang kanyang mga mata habang nakatitig sakin na parang tutunawin ako. "Good morning din love! Pasok na pala ako at marami pa akong gagawin para sa defense at mag papasa na ako ng projects para walang masabi ang mga teachers ko." Top 1 kasi ako since 1st quarter at ngayong 3rd quarter na, sinisigurado ko na nasa top 1 pa rin ako. Pag naka graduate kasi ako na na maintain ko yung average ko, may medal ako. At pag naka Bronze ako, may 10% discount ako namatatanggap para sa enrollment fee ko. Pag silver naman, 20%. Pag Gold, 30%.
Syempre gagawin ko ang lahat hindi para sa fame, kundi para sa pamilya ko at lalo na kay inay. Para makatulong ako at maka menos sa gastos sa bahay. Dahil siya na yung bread winner ng aming pamilya.
Pag pasok ko sa room, nandun na yung tropapips kong si Gali. New student siya pero dahil makapal talaga mukha ko, naging close kami lalo. Nag kakilala rin pala kami sa isang Volleyball Team na sasabak sa Division Meet at Palarong Pambansa. Kaya may mga pag kakaparehas kami kaya siguro nag click din kami.
"Hoy bi! Bat ngayon ka lang muntik ka pang na late ah. Di ko na rin naisip na aabsent ka. Pucha, kahit may sakit ka pumapasok ka eh." Bati ni Gali saken pag pasok ko pa lang ng pinto. Halatang tuwang tuwa siya lagi pag nakikita niya ako. Di pa kasi ako nag sasalita tatawa ka na. Malakas din masi yung Sense of humor ko kaya kahit pangit ako, tiklop ang mga fafa saken. Char! "Uy ang aga mo naman, bong! Taray naunahan mo ko ngayon ah, sama rin kasi ng gising ko dahil sa napuyat ako sa mga projects natin" Halos lahat talaga ng subject nag bigay na ng project kasi next week na yung exam days kaya todo hapit na. "Bukas na ako mag papasa, tinatamad nanaman ako. Bi hawaan mo ko ng onting sipag, ang hirap talagang mag maintain ng grades no? Lalo na pag may jowa"
may lab layp din kasi tong si Gali, pero top 3 siya ng section namin. Natigil yung usapan namin ng biglang pumasok yung Philosophy teacher namin. Bumati kami at nag sulat para kunwari nakikinig.
Hay medyo tinatamad ako makinig ngayon at kahit anong sulat ko wala rin naman akong maintindihan. Nakielam nanaman ang innerself ko sa pag aaral ko.
1st week ng December kasi yung review days at next week na yung exams. As usual, tatlong araw lagi yung exams namin. Pag tapos ng tatlong oras, break na namin. Sakto sinundo ako ni Benefict para sabay kumain. At dahil kasama ko si Gali, parang third wheel na rin siya kasi wala dito yung jowa niya. Nasa mas magandang school yun. May onting kwentuhan kung ano ganap sa sembreak, kung mangangaroling ba para may extrang pera, o mag gagala. Napaisip ako December nanaman. December na. December...
BINABASA MO ANG
I accidentally fell in love with him
Подростковая литератураAng kwentong ito ay tungkol sa puro akala. Tunkol to sa pag sugal sa pag ibig. Tungkol sa December life. At tungkol sa pag take ng chances. Posible bang mangyare ito? Ang kwentong ito ay tungkol sa dalawang mag 'pinsan' na matagal nang hindi nag kik...