Chapter 6

32 3 0
                                    

Paki share, vote and comment na rin!!

A/n: Mag handa ng pang singa sa uhog at pamunas sa luha.

BIBIEN'S POV

Hayahay nanaman ang buhay dahil tapos na ang walangyang hell week sa CCIS. Sana nga matataas ang nakuha ko para naman worth it yung pag pupuyat ko tuwing nag rereview ako.

As usual we always celebrate after exams ni Benedict, sinama na rin namin si Gali at ang jowa niyang si Joseph para double date na rin. Madalas din manlibre yung jowa ni Gali eh. Kahit saan man kami kumain, bigla bigla niyang binabayaran yung kinakain namin.

Mahilig pa naman ako sa libre. Kaya ayan pumapalakpak tenga ko pag nakakarinig ng libre. Dahil makapal mukha ko, ako na mismo nag sabi na ilibre kami para di na kami na bibigla. Oh diba ansaya saya.

Niyaya ko sila sa bagong bukas na buffet restaurant malapit dito sa school namin. Sa sobrang kapal ng mukha ko sa buffet ko niyaya sila Gali para sulit diba. Syempre mahiya naman si Gali nangongopya minsan saken yun eh. Lalo na kaningang nag exam kami, dahil nag gala nanaman ang mag jowa jusme.

Hayaan na para maka bawi naman si Gali saken. Nang makarating kami sa buffet restaurant, agad akong lumapit sa desk info para mag sabi na hindi kami nag pa reserve, walk in lang. Pinaupo agad kami sa pang 4 persons na table. Agad akong tumayo para kumuha ng pagkain. Nag kwentuhan lang tungkol sa nangyari sa exam at sa mga lab layp namin.

Pag katapos nun, dahil makapal nga mukha ko, pinabayaran ko kayla Joseph yung kinain namin. Wala na lang siyang imik basta kasama niya yung bebe niya, masaya na siya. Ganun naman talaga pag nag mamahal ka diba? Lahat gagawin mo, mapasaya lang yung mahal mo at yung mga nakapaligid sa kanya. Lalo na pag sobrang mahal na mahal na mahal mo talaga yung tao na lahat gagawin mo, para lang sa kanya.

Lahat naman ng taong matalino, nagiging tanga dahil sa pag ibig. Lintik na pag ibig yan. Lagi na lang kinababaliwan ng lahat. Lalo na yung mga babaeng laging pinapaasa sa mga mabubulaklak na salita. Ganun din ako kay Benedict noon. Ang dali kong nahulog sa kanya at naging kami after 7 months na ligawan.

Kasi noon marami akong problema sa pag ka babae ko. Isa sa mga problema ko was that no one ever needed me as much as I needed them. Kaya maraming break ups sa buhay ko ang nangyari lalo na masakit yun kasi friendship break ups yun.

Nang matapos lahat nangyari sa restaurant, at nabayaran na ang bills, sumibat na kami agad ni Benedict para tumambay sa bahay namin. Pag dating namin, nag mano siya kay Lola Florrie at kay Tita Badet. Umupo na kami sa sala para mag movie marathon para maka relax relax dahil sa examinations kanina. Nakayakap lang ako sa kanya at inaamoy amoy yung paborito kong amoy niya na pag naamoy ko yun, maaalala ko talaga siya at siya talaga ang unang nasa isip ko.

Matamlay talaga siya at parang ayaw niya akong makita. Nag usap kami ng masinsinan kung ano ba talaga ang problema niya. "Love anong problema ba? Bakita ba parang sa tuwing kasama mo ko, hindi ka na yung tulad dati na masaya na kahit nasa bahay tayo, masaya na basta kasama o katabi mo ko, pero bat ngayon ganyan ka?" Saad ko. "Love, I just want... to rest." Sabi niya.

"Oh love wait ka lang kukuha lang akong unan—"
Di na niya pinatapos ang sinasabi ko at ramdam kong iba na to. Iniiwasan kong wag maiyak, kasi ayaw na ayaw kong umiiyak sa kanya kasi pag umiiyak ako nag mumukha talaga akong kawawa. Yung iyak na sobrang sakit na talagang galing sa puso na pag narinig mo yung hagulgol ko, alam mong na sasaktan talaga ng totoo. Iba yung pakiramdam ko pero iniiba ko yung isip ko para malibang ako. "Love, hindi literal na rest. Kailangan na muna nating mag pahinga. I need space.."

I need space

Space....

Parang um-echo yung boses niya sa utak ko at pumasok sa puso ko, gusto kong isipin na biro lang to gutom lang niya yan. Pero nabusog naman siya sa buffet kanina. Nag pipigil ako ng iyak at iniisip ko na panaginip lang ang lahat ng to, na hindi ito totoo at gusto ko ng magising. Gusto kong isipin na natutulog lang ako.

Umuronh akong ako at sinabing "Ayan love oh space, di mo sinabi na nasisikipan ka pala. Ha ha ha"
I faked my laugh dahil kung hindi, iiyak na talaga ako agad. Pero di siya natawa. Hinawakan niya ang mag kabila kong pisngi, nag simula ng uminit ang tenga ko at ramdam ko ang pag init ng mukha ko. Hindi dahil kinikilig ako, kundi maiiyak na ako.

Yung iyak na hindi ko pa nararanasan kahit kailan. Dahil kahit kelan di pa ako nasasaktan ng boyfriend ko, kasi unang boyfriend ko nga siya. Ngayon lang ako iniwan. Grabe talaga to, di ko mapigilan talaga.

Pag hawak niya sa mukha ko, ramdam ko yung hininga niya dahil malapit na lang siya sa mukha ko. Nakatitig lang ako sa kanya, yung titig na nag sasabing wag mo kong iwan, ayokong mawala ka sa paningin ko. Please stay, stay with my arms.

"Bien," nagulat ako sa pag banggit niya sa pangalan ko. Bakit hindi love? Di niya na ba ako mahal? Natigilan ang pag tatanong ko sa isip ko nang mag salita siya

"I'm sorry, I didn't mean to hurt your feelings but I'm really tired. I need space sa lahat ng pangyayari. Di ko na maranasan yung pagiging binata ko dahil lagi kitang kasama. I can't chill with my friends kasi alam kong magagalit ka. Bien, nag sasawa na ako! I need a break, Bien!"

I need a break Bien.

I need a break

Break?

Tumaas yung boses niya at binitawan nya yung mukha ko. At nag babantang umalis pero hinawakan ko siya, at nag salita. Di ki na napigilan yung iyak ko, hinayaan ko lang tumulo yung luha ko sa pisngi ko, tumutulo lang to habang magkatitigan kami. Nakita ko na parang nanlumo siya akala ko babawiin niya yung sinabi pero napailing siya. Pero bago siya umalis hindi ko hahayaang di siya ipag laban.

"Love, Ben ko. Bakit? Team BiBe tayo diba? Ang dami agad tanong sa isip ko kung bakit kailangan mo akong iwan? Anong kulang mahal ko? Kulang na ba ako ng oras? Lagi naman akong pumapayag kung saan ka pumunta. Kulang na ba yung pag mamahal na binibigay ko? Love, pumapangit na ba ako?" Tuloy tuloy kong sabi hanggang sa naputol ito dahil sa bigla niya akong yinakap. At lalo akong naiyak. Yung iyak na parang wala ng bukas, di ko mapigilan dahil ang sakit sakit. Ang tangi ko lang nasasabi ay masakit dahil totoo yung sakiy, kasi totoo ko siyang mahal.

Bumulong siya sa tenga ko at sinabing "Bien, kailangan ko to. Di na ako masaya, di ko na maramdaman na mahal mo ko, puro aral na lang inaatupag mo. I should have done this a long time ago pero ngayon lang ako nag karoon ng lakas ng loob, Bien tama na. Wag mo na akong ipag laban, sana wag mong isipin na may iba ako dahil talagang nag sawa lang ako. Mahal pa rin kita pero nag sawa na ako" biglang bumitaw siya at hinalikan ako sa noo ng dahan dahan, ganun din sa mag kabilang pisngi, sa ilong, sa baba, at sa labi ko, dahan dahan niya akong hinahalikan, at dahan dahan din niyang inalis ang pag lapat ng labi niya habang naka pikit ako dahil di ko na mapigilan ang pag iyak ko.

"Huling yakap at huling halik na yan, Bien. Salamat sa lahat ng masasayang alaala, at sa pag mamahal na alam kong binuhos mo ang lahat pero di talaga sapat. It's not you, it's me" sabay umalis at di na nag paalam kila lola at tita.

Iniwan niya ako...

It's not you it's me?

Di ko na alam kung para saan pa ang mabuhay kung iniwan din pala ako ni Benedict.

Comment naman sa team #BiBe diyan!! Paki vote thank youu!! Team #BiRej naman kaya ang sunod??

I accidentally fell in love with him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon