Chapter 5

25 3 0
                                    

Paki share, vote and comment na rin!!

BIBIEN'S POV

Kinabukasan medyo late nanaman ako nagising. Kasi naman diba parang tatlong subject na rin nareview ko kahapon dahil sa na loka ako sa pag like ni Reji sa IG picture ko. So ayun, nag madali nanaman ako, muntik nanamang malate. Yung ligo ko na imbis na 15 mins, 5 mins na lang. Balak ko nga atang ibeat yung sa Guinness book of world record na Fastest human that took a bath. Panis siguro yun if ever na sumali ako. Kahit walang warm up, puyat pa nga ako eh. Pag dating ko sa school nag text sakin sa Benedict.

Love: Hi love good morning, natulugan mo na ata ako kagabi habang nag rereview ka, btw na sa room na ako, hindi na kita na hintay mukhang mali-late ka nako! Masama yang puyat ng puyat ha? Medyo chill ng onti okay? Good luck sa exam, I love you!

Ako: Hi love kakapasok ko lang, muntik na malate nanaman. Galingan mo rin sa exams mo! I love you too.

Exam days din nila Benedict. Sabay sabay kasi ang buong school mag exam kahit 1st year college na si Benedict sa course na Culinary. Binulsa ko na yung phone ko at sinilent dahil mag rereview pa ako sa room. At natawa ako sa pag bukas ko ng pinto ng room, nababaliw na si Gali kaka review at kaka high light sa book kasi wala siyang reviewer at late pa ako. Ayan gala pa Gali, jowa pa more teh! Laptrip!!

Haype din tong innerself ko nakikitawa at asar din kay Gali eh. Yung kulot na buhok ni Gali na medyo magulo, mas lalong nagulo dahil sa pag kabaliw niya sa binabasa niya. Kalerky talaga tong bff ko eh. Naawa na ako sa kanya at lumapit na at natawa ulit pag harap niya saken. "Ang tagal mo bi! Muntik na nanamang ma-late jusme anong oras na oh sabi ko sayo agahan mo" iginiit ni Gali habang nag pupunas ng malamig niyang pawis.

"Gaga ka kasi eh, gala ka ng gala alam mong may exam kinabukasan, todo awra pa kayo ng jowa mo sa mall. Aral aral din bong sayang top." Minumungkahi ko habang natatawa dahil sa itsura niya.

Hinablot niya na lang yung reviewer ko na hawak ko at inirapan ako. At ako naman natawa lalo sa ginawa niya kasi lalo siyang pumangit sa ginawa niya. Inilapag ko muna yung bag ko at tumabi na sa kanya para sabay kami mag review.

Pumasok ang proctor namin at nag simula na kami sa Filipino exam namin at sa Literature exam. After nun, nag lunch ulit kami nila Benedict at Gali at sabay sabay na rin umuwi dahil dalawa lang yung exam namin ngayong araw.

Tsaka excited akong umuwi para mag wifi at naisip ko rin kanina na hanapin yung Facebook ni Reji. Wala kasi akong pang Mobile data, hinulog ko na sa alkansya ko. Nag iipon kasi ako para sa laptop ko, kasi malapit na ako mag college, mas kailangan ko na yun pag tungtong konng college. Nag iipon ako para hati kami ni inay sa pambili ng laptop.

Pag uwi ko, kumain kami ng sabay ni kuya John. Bumwelo ako para sabihin at ikwento yung nangyari kahapon sa pag like ni Reji sa picture ko sa IG na naka pink na bathing suit na naka floating sa pool. Habang kumakain, nanonood kami ng John and Marcia/Home along da riles.

Kaya good mood si kuya. "Kuya alam mo ba nakita ko na si Reji pero sa internet. Grabe mas pogi na siya ngayon lalo." Nakangiti kong kwento sa kanya. "Oh talaga? Paano mo naman nahanap eh mga bata pa tayo noon at di natin alam yung buong pangalan niya." Sabi ni kuya. "Eh kuya nagulat nga rin ako kung paano nya ako nakilala" ;habang ngumunguya ako nga kanin na may ulam na fried chicken "nilike niya kasi yung IG pic ko yung naka bathing suit ako tapos naka float sa pool"

Muntik ng mabulunan si kuya John sa sinabi ko. Pero may lumabas na tubig at kanin sa ilong niya kaya halos mamatay ako kakatawa sa nangyari sa kanya, dahil kitang kita ko yung nangyare kay kuya John. Halos mapahiga na ako kakatawa sa kanya habang naka hawak sa tiyan dahil sa sobrang tawa ko. Bentang benta yung nangyari talaga kay kuya John eh.

Nabatukan niya man ako, at least ang sarap niyang pag tawanan. Pag tapos namin kumain, hinugasan niya na ang pinag kainan naming dalawa. At ako naman nag linis ng hapag kainan. Pag tapos yun, umakyat na ako para mag review ng maayso.

Natandaan ko na dalawa nanaman yung exam namin bukas at last na yung dalawa na iyon kaya, mag iistalk muna ako kay Reji syempre feeling ko may Facebook yun. Aba lahat na ata ng tao ngayon nay Facebook diba. Pag tapos ng malupit naming batukan ni kuya John, umakyat na ako para mag simula mag review reviewhan. Balak ko kasing iistalk muna for ilang hour si Reji. Syempre iba na siya ngayon, onti lang kasi yung pictures niya sa IG eh kaya di ko gaanong na kuntento.

Pere I have doubted kung siya ba yun pero bumilis tibok ng puso ko nung nabasa ko pangalan niya eh. Di ko kasi alam yung surname niya nung bata pa kami. Syempre bata pa, ang alam puro nicknames lang at kung ano itawag sa kanya yun lang gagayahin namin ni kuya John.

Sana nga makita ko Facebook niya agad. Ewan ko bat kinakabahan ako at nanginginig ako. Syempre baka kasama niya sa profile pic niya yung girlfriend niya. Or baka naman cover niya or ewan. Hala bat ako nag ooverthink eh hindi naman kami.

Nakakaloka talaga tong si Reji. Kaya napag desisyonan kong wag muna mag stalk. Lately kasi, di ko trip mag Facebook kasi review days ko nga at examination week na. Kaya ayon, sabog notifs ko sa Facebook naka 99+ na nga yung nakalagay sa app.

Kaya nag YouTube na lang ako habang nag rereview, nanood muna ako kay Michelle Dy. Syempre Make Up Guru yon, sa kanya din ako natutong mag ayos. Naging mukhang dalaga na rin ako dahil sa beauty tips niya sa videos niya.

Naaalala pa kaya ako ni Reji kahit...

Gumanda na ako?

ECHOS HHAHAHA.

Kahit malaki na kami?

'Walang kayo, ikaw at siya lang' sagot ng innerself ko. Napa rolled eyes na lang ako sa sarili ko habang nag susulat at naka bukas yung iPad ko sa harap ko.

Bukas na lang ako mag sstalk pag tapos ng exam, para exciting.

Comment mga tropapips!!! Reveal na ba agad???

I accidentally fell in love with him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon