Paki vote and share and mag comment!!!
REJI THE POGI'S POV
Naka dating na ako sa puntod ni tito Rick. May dala din akong foods if ever na magutom ako. Tinabihan ko yung puntod ni tito Rick dahil naka latag yung sapin at yung mga pag kain. Nag sky gazing ako na parang kasama ko si tito tulad dati. Nag kkwento ako sa kanya na as if naririnig niya ako. Pero wala pa rin akong pakielam. Ramdam ko yung agos ng luha ko, naaalala ko nanaman kasi yung oras na binilhan nga ako ng bike nila mom and dad pero di nila ako naturuan dahil busy sila sa business namin na hospital at gravel and sand.
Naalala ko kung paano ako kumbinsihin ni tito Rick na tuturuan niya daw ako at bibilan pa ng ice cream pag natuto agad ako. Kaya noong araw na yun, natuto agad ako dahil sa kanya at binilhan niya rin ako ng paborito kong cookies and cream na ice cream. Kaya tuwang tuwa ako dahil natuto na ako, may ice cream pa ako. Pag tapos nun, naging close na rin kami ni tito Rick sa lahat ng bagay. Sayang nga eh, di ko naikwento sa kanya sa personal si baby bungi. Pero nag papa-salamat naman ako kay tito kasi kung hindi dahil sa kanya, hindi ko makikita o makikilala si baby bungi. Kaya ang laki talaga ng utang na loob ko kay tito Rick kasi marami siyang naiambag sa buhay ko.
Medyo nagutom na rin ako at na bored kaka higa dito. Binuksan ko yung paper bag na may lamang S&R na pizza, large fries ng Mcdo, at chicken spaghetti ng Jollibee. Hinatian ko rin si tito Rick para mapag saluhan namin tong dala dala ko.
Habang kumakain ako, napag isipan kong mag Facebook dahil naalala ko yung babaeng pinag pantasyahan ko kagabi. Balak kong mag stalk sa kanya sa Facebook kasi panigurado mas maraming pictures yun sa Facebook. Dali-dali kong hinanap ang Facebook account niya. Di naman ako gaanong nahirapan at nakita ko agad yung Account niya. Buti nakalagay sa nickname part niya yung Bibien. Dahil kung hindi mahihirapan akong hanapin yung account niya dahil full name ata niya tong nakalagay
Ma. Vivienia Josepina Rodriguez (Bibien)
Napangiti naman ako dahil sa haba ng pangalan niya. Natawa na lang din ako kahit ako lang mag isa rito sa puntod kasi pang matanda yung pangalan niya. Laptrip talaga to mga dre! Parang kiniliti ako ako sa paa kakatawa eh.
Hay pero ang ganda niya talaga.
Naka private yung account niya kaya di ko ma-stalk ng maayos tong Facebook account niya. Di ko tuloy napigilan sarili ko na i-add siya. Baka maging close ko pa diba? Tsaka kailangan ko rin ng katulong para hanapin si baby bungi dito sa Pinas. Kailangan ko nung sanay na dito at alam na yung pasikot-sikot. Boring kasi pag lalaki kasama ko, baka mag inuman lang kami nun sa daan. Pag babae naman madaldal syempre pikunin, pwede kong maasar at mapag tripan.
Habang hinihintay ko yung pag accept niya, napatawag naman si Anne, and I answered.
Anne: Hey Reji, we need to talk seriously... You know what, I find you cold these days. Sorry Rej, but I can't take it anymore. I find already my new love Rej, a month ago. I didn't book a flight going there, because this is my time to say goodbye... Your love is not enough to fulfill the love I've ever wanted. Thank you Rej and Good bye...
She ended the call.
Iniwan ako ni Anne. Ganun ba talaga pag sobrang saya mo? May kapalit na lungkot agad?! "Ang daya naman!!!" Napasigaw ako sa galit ko kahit nandito ako sa puntod ni tito. Isang luha ang pumatak mula sa kanang mata ko. Si Anne ang kauna-unahang girlfriend ko, siya rin ang unang wumasak ng puso ko. Isa lang ang gusto kong puntahan, si Bibien.
Kailangan ko ng makita si baby bungi. Gusto ko na siyang mahanap agad. Gusto ko siya lang ang yumakap saken ngayong nasasaktan ako. Kasi alam kong siya lang ang makakaintindi sakin. Ngayon, gusto ko munang mapag isa dito sa puntod ni tito Rick. Dito muna ako hanggang kinabukasan.
Bakit tuwing December na lang ako nasasaktan? Bakit kailangan ngayon pa? Bakit ngayon pa, kung kelan naka move on na ako kay tito Rick tsaka naman dadagdag yung panibagong sakit? :( ang sakit mga dre pero ang yummy ko pa rin....
Tumingala ako at nag star gazing habang lumuluha. Walang tigil ang iyak ko dahil sa sinabi ni Anne,
"Your love is not enough to fulfill the love I've ever wanted"
"Anne" pag banggit ko ng pangalan niya muli at nakatulog na ako sa sobrang iyak. Ang sakit.
Sa sobrang sakit, yung salitang sakit na lang ang nababanggit ko....
Comment!!!! Vote mga beshiwap!!!
Share niyo sa friends niyo!!
BINABASA MO ANG
I accidentally fell in love with him
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa puro akala. Tunkol to sa pag sugal sa pag ibig. Tungkol sa December life. At tungkol sa pag take ng chances. Posible bang mangyare ito? Ang kwentong ito ay tungkol sa dalawang mag 'pinsan' na matagal nang hindi nag kik...