Paki vote, share and mag comment para mabilis ang update mga ka beshiwap!!!
REJI THE POGI'S POV
Pag gising ko, ang gwapo ko pa rin. Chos. Pag gising ko, naisipan kong mag Instagram muna. When I was in America, puro ako post sa IG. I'm a fan of aesthetic feed and feed goals. Sa ibang bansa kasi, pagandahan ng feed sa IG. Nahawa na ng onti yung Pinas sa ganung style pero dito sa Pinas mas lamang pa rin yung padamihan ng post sa IG. Yung tipong maganda yung place, "Uy! Pang IG to, pa-pic naman." Ganyang ganyan ang pinoy eh.
Nag scroll muna ako sa explore ng IG kung saan may makikita kang random posts, kung saan ang lalabas yung mga post doon base on what I liked. Aba syempre puro sexy na babae yung lumalabas dito dahil halos ganun yung na-lilike ko. Pero di porket puro sexy ang gusto ko, babaero na ako. Hindi lahat ng lalaki, manloloko. May mga babae lang na sadyang di marunong makuntento. Tsaka sadyang gwapo lang ako. Faithful ako sa taong mahal ko. At siya lang ang gusto kong pag laanan ng pag mamahal ko.
Scroll lang ako ng scroll kasi puro white Americans yung nakikita ko. "Wala bang pinay diyan?" Sabi ko as if na may nakakarinig saken. Scroll ako ng scroll hanggang may nakita akong sexy na naka floating sa pool. Ang sexy niya sa bathing suit niya at sumasabay pa yung hotness niya sa init ng araw. Summer pa yung post niya, pero ngayon ko lang nakita. Pero ang sexy niya talaga. Mukhang mag kasing age lang kami. Pero halos matunaw na yung picture niya kakatitig ko. I was captivated by her beauty. Ganun na ganun din yung nangyari sakin kay baby bungi. First girlfriend ko si Anne kaya mahal na mahal ko siya. Pero kailangan ko talagang hanapin si baby bungi.
Agad kong finollow at nag stalk sa account ni @_bibienrod, siya yung babaeng nilike ko yung picture kanina. In fairness, malakas ang dating niya. Lalo na yung sex appeal niya. Agad din naman niya akong fin-ollow back. Siguro nagwapuhan saken, ang yummy pa naman ng profile picture ko dun.
Kung ano kasi yung Profile Pic ko sa Facebook, ganun din yung sa IG. Ang yummy ko talaga sa picture na yun. Pati lalaki, nag lalaway pag nakita yun eh. Nakakainlove talaga yung ngiti ko, nakakainis. Kung babae lang ako, na inlove na ako sa mukha ko pa lang nakakamatay na. Paano pa kaya kung sa katawan na? Syempra pag sa baba, nakakabuhay yun. Syempre nakakabuo yun ng tao/baby eh, (diba readers?)
May napansin ako nung nakita ko yung picture nyang naka ngiti, her eyes and her cheeks and her smile... She seems so familiar...
Kinabahan ako bigla pero di ko alam kung bakit kasi nakatingin lang naman ako sa mukha niya. Pero kasi parang may kamukha siya. Pero shet mga dre,
Her beauty has stunned my whole being.
Ang ganda niya, lalo na yung wavy na hair niya, her looks, tapos yung braces niya dumagdag sa appeal niya. She looks perfectly beautiful, damn. Di ko maiwasang mamangha sa ganda niya. Ang daming magagandang Amerikana, pero nabihag niya ako sa ganda niya. Halos mapunit na ang labi ko sa laki ng ngiti ko habang nakatitig ako sa kanya. Nasa dulo na talaga ng dila ko yung kamukha niya. Di ko lang makuha at ma imagine kung sino. Paki tulungan naman ako mga dre kung sino ba to? Comment nyo nga.
Aalis pala muna ako ngayon para pumunta sa puntod ni Tito Rick para dumalaw. Syempre nag babaka sakali na rin ako na makita si baby bungi. Nag breakfast muna ako at nag paalam kay mommy. Agad naman siyang pumayag, at naligo na rin ako para naman presko. Pero kahit di naman ako maligo, mukha naman akong mabango, at masarap pa din. Ganun ako ka yummy mga repa! After ko maligo umakyat na agad ako sa kwarto ko dahil nga wala akong sariling bathroom. Tanging tuwalya lang ang nakalagay sa bewang ko pag akyat ko. Pag dating ko sa kwarto, tinanggal ko na ang towel sa bewang ko. Nagulat ako dahil napansin kong humahaba na pala...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
ang buhok ko! Tsk kailangan ko nanamang mag pagupit. Buti mura lang ang haircut dito sa Pinas. Jusme sa Amerika kasi, akala mo ginto yung gunting nila sa sobrang mahal. Nag bihis muna ako ng white na polo shirt na fit na arms ko at naka black na pants with belt. Nag paalam na ako kila mom and dad na dadaan muna ako sa Barber shop para mag pagupit. Habang nag ddrive ako, pinatugtog ko ang favorite kong song na pinatugtog nung ililibing na si Tito Rick, memorable kasi saken yun, dahil habang napatingin ako kay baby bungi nun biglang pinatugtog yung chorus nun, kaya parang nag slow-mo lahat ng nakapaligid sakin at parang siya lang yung gustong makita ng mga mata ko.Sundo version to ni Moira Dela Torre. Napapasabay talaga ako sa tugtog nito na may matching pa pikit-pikit pa, dahil f na f ko talaga yung pag kanta nito. Hanggang sa makadating ako sa Barber shop malapit sa executive na libingan ni tito Rick. Pag pasok ko halatang gulat na gulat sila, akala mo ngayon lang nakakita ng gwapo. Tsk, ang yummy ko talaga. I just smirked sa harap nila. Dahil lahat sila nakanganga. Natatawa na lang ako sa isip ko dahil sa mga itsura nila. Hanggang sa nakalapit na ako sa cashier at sinabing, "Haircut with blow dry only" napanganga siya lalo dahil sa nangyare dahil ang fluent ko pa rin sa English kahit wala na kami sa America. The woman just nodded with her mouth open. At biglang sumigaw na, "Mga bakla, haircut with blow dry daw si papshie." Agad naman nila akong inalalayan umupo at nagulat ako na lahat pala sila ang gagawa saken. Talagang ingat na ingat sila sa buhok ko at seryosong seryoso sila gumawa. Natapos na rin ang haircut and blow dry. Lalo silang napanganga sa gwapo ko. "Hay ang gwapo mo talaga, Reji" bulong ko sa sarili ko. Mag babayad na sana ako ng pigilan ako ng manager nila, umiling iling pa siya, na parang sinasabi na wag na akong mag bayad. Pero dedma, ayokong mag palibre no. I place the 100 pesos on her hand and say "keep the change ;)" at umalis na. Halos mahimatay sila sa gwapo ko.
Nag papicture din pala ako sa isa sa staff nila dun para sa new look ko, dahil mas mukha akong matured ngayon kahit 4th year high school pa lang ako. Kaka-17 ko pa nga lang eh.
A/n: Ang papi ni Reji dibaa!!!! Comment and vote na mga beshiwap!! Share niyo rin sa ibaa
BINABASA MO ANG
I accidentally fell in love with him
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa puro akala. Tunkol to sa pag sugal sa pag ibig. Tungkol sa December life. At tungkol sa pag take ng chances. Posible bang mangyare ito? Ang kwentong ito ay tungkol sa dalawang mag 'pinsan' na matagal nang hindi nag kik...