Chapter 13

26 2 0
                                    

Paki vote, share and mag comment!!!

A/n: Handa na ba kayong kiligin? Eto naaaaaaa wahhhhh!!!

BIBIEN'S POV

Masaya akong gumising dahil sa pag add sakin ni Reji. Di ko maiwasang kumanta habang naliligo. May pasayaw sayaw pa nga ako sa banyo at patalon-talon pang nalalaman. Pag tapos din kumain ako na rin ang naghugas ng plato dahil sa ligalig ko. Ganun daw talaga pag inspired ka. Ang dami talagang nagagawang maganda satin ng love.

"Love agad?" Sabat ng innerself ko habang nag momoment ako at nag huhugas ng pinggan. "Di naman gaano, slight lang" hikhik. Na patawa na lang ako sa sagot ko, aba first love ko ata si Reji no. Kaya walang makakapigil sakin, chos. Lakas maka pabebe girl talaga nung line na yun.

"Bien! Alis na ako ha ikaw na bahala sa bahay, wag kang mag papapasok ng hindi mo kilala ha? I-double lock mo yung gate. Mamayang gabi pa uwi naming lahat. Bye!" Tumango na lang ako sa kanila at nag paalam na sila kuya John at nag patuloy ng umalis at sinarado ang mga pinto.

Nag patugtog muna ako parang malibang dahil mag g-general cleaning ako ngayong araw. Nag sando lang ako at shorts dahil maiintan lang ako at maaalikabukan. Hindi na rin muna ako naligo dahil sayang din kung madudumihan lang ako.

Malapit na ako matapos sa aking general cleaning habang sumasayaw at kumakanta. F na f ko pa yung kanta ko ng biglang may nag,

"Ehem"

Natigilan ako sa pag sasayaw at pag kanta ng titibo-tibo by Moira. Dahan dahan kong dinungaw ang pinto at ako ay nagitla sa nakita ko. Halos mahimatay ako sa natanaw ko kung sinong nanonood sa pintuan habang feel na feel kong kumanta at sumayaw na may hawak pang walis at dustpan. Napainom muna akong tubig dahil baka matuluyan akong himatayin sa nakita ko. Totoo ba talaga yun o nananaginip lang ako? Pero alam kong hindi ng ulitin niya yung

"Eh-ehem"

Lumapit na ako sa pintuan at hinarap kung sino yung tao. "Hi Good day, Ms Rodriguez! I'm here to ask for your help. I need you to be my investigator and my tourist guide as well. Reminder, only here in the Philippines." Tuloy-tuloy niyang salita sakin at napansin kong nakanganga ako habang nakatitig sa mukha niya. Si...

Reji...

Paano niya ako natagpuan? Hahanapin ko pa lang siya eh. In-add at finollow niya pa lang ako, alam niya na agad bahay ko? Pero paano?

"Yuhoo? *snaped to my face to wake up my soul* Do you want me to translate it for you?" Nag gising ang diwa ko at dahan-dahang nag salita. "Ahh ehh, Hi? Sino ka nga pala? Tsaka di naman ako imbestigadora  at hindi porque gala ako, tourist guide agad ako."
Napangiti siya at parang kuminang ang mga mata niya. Ayokong sabihin na kilala ko na siya, kinakabahan kasi ako kahit na excited ako sa kanya dahil nag kita na ulit kami after 8 years.

"Hi, I'm Rejingwald Salivañes. You can call me Rej or Reji for short. You're Ms. Ma. Vivienia Josepina Rodriguez, Right?" Saad niya, hindi na ako nag pakilala dahil mukhang kilalang kilala niya naman na ako dahil talagang full name ang binanggit niya. "Bibien na lang or Bien," 'dahil matagal na naman tayong mag makilala' pahabol at bulong ko. "What did you say Bien?" Nag tatakang sagot niya, "Ahh wala, ano bang maitutulong ko sayo?" Napakamot ako dahil nakakaloka tong si Reji walang pasabi at hindi man lang ako nakapag ayos. "Dito talaga tayo mag uusap at mag aareglo? Dito sa pinto?" Nahiya ako bigla kasi kanina pa pala kaming nakatayo sa pinto.

"Ay pasensya na, sige pasok ka, kabilin bilinan kasi ni kuya Joh— kuya Jo na wag mag papapasok ng hindi ko kakilala" napatigil ako agad kasi alam kong kilala niya si kuya John, "tsaka di pa kasi ako nakakapag ayos ng itsura ko at di pa din ako nakaka-uhmm... nakakaligo" napalayo ako ng onti sa kanya habang nasa sala siya. Tinaob ko na rin muna yung mga picture frames namin lalo na nung mga bata kami. Baka kasi bigla niya akong ipapulis pag nalaman niyang ako yung babaeng tumatawa sa kanya habang sumusuka siya. "Okay lang yan, hindi naman halata na hindi ka na ligo eh, maganda ka pa rin."

Maganda ka pa rin...

OHHHHH SHEEEEEET LORD PWEDE NYO NA PO AKONG KUNIN NGAYONNNN!!! READY NA PO AKO!!! Ramdam kong na mula yung mukha ko dahil sa sinabi ni Reji, at talagang sa kanya pa nanggaling yun? Hay totoo pa ba to? "Hey Bien! Sineryoso mo naman, joker kaya ako." Napatawa siya ng sobra at halata sa kanya na tawang tawa talaga siya kasi nauto niya ako. Napanguso na lang ako pero lalo siyang gumwapo sa tawa niya.

At ang gwapo niya lalo sa personal. Ganun pa rin yung kulay niya, maputi na mamula-mula. Napaka mestizo talaga ni Reji. At ang ganda pa ng gupit niya mukha tuloy siyang bente anyos sa ayos niya ngayong naka white na polo shirt na sagad sa leeg niya at naka tuck in sa black pants at black belt. Naka Dr. Martens din siyang combat shoes na white, mukha na talaga siyang asensado sa buhay. Napatulala nanaman ako sa hotness niya at sa tawa niyang nakakamatay. "Bien, I need you to help me find my first love, I need to find her as soon as possible." Nagulat ako sa sinabi niya, first love daw? Eh may jowa nga siya eh. Matanong nga, wait lang mga beshiwap exciting kayo eh HAHAHA.

"Teka, sino yung nasa media mo? Yung naka-akap ka pa nga sa kanya?" Saad ko, at sumagot naman siya agad. "She's my ex-girlfriend, we just broke up yesterday. Di daw kasi sapat yung pag mamahal ko para sa pagmamahal na kailangan niya. Tsaka naka hanap na rin daw siya agad." Nagulat ako, at sabay kaming nag salita na "WALA MAN LANG 3 MONTH RULE!" Nag katinginan kami at natawa ng sabay. "Diba may boyfriend ka rin? Yung naka kiss pa nga siya sa noo mo?" Naks natanong niya pa yun ah, selos ka ba baby ko? HAHAHA napangiti talaga ako sa tanong niya eh.

 "Diba may boyfriend ka rin? Yung naka kiss pa nga siya sa noo mo?" Naks natanong niya pa yun ah, selos ka ba baby ko? HAHAHA napangiti talaga ako sa tanong niya eh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.




OOPSS PABITIN MUNA AHHAHAHAHA!!!
COMMENT!! AND VOTE PLEASE!! SHARE NIYO RIN SA IBA ;)

I accidentally fell in love with him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon