Chapter 2

40 5 2
                                    

Paki share, comment and vote!!

BIBIEN'S POV

Di ko alam bat tuwing December gumagalaw ang sistemang di dapat paganahin. Nakakaloka talaga pag sasapit ang buwan ng pasko at pag bibigayan. Dahil bumibigay ako at nahihibang tuwing sasapit ito at maaalala ko ang lahat bago mag pasko. Naiiba ang takbo ng isip ko tuwing maaalala ko nung bata pa ako. Gulong-gulo yung isip ko tuwing maaalala ko o sasapit ang buwan ng Diseymbre. Lalo na ang puso ko... Di maaari to.

Alam ko sa sarili ko na sobrang Mahal ko si Benedict, mahal na mahal na mahal. Siya ang nag pabago saken at nag paramdam sakin ng ganun. Siya kasi ang unang boyfriend ko, pero naka apat na girlfriend na ako since titibo-tibo nga ako noon. Pero sabi nga nila pag mag kamukha daw, meant to be daw talaga. Yun daw talaga yung mag kakatuluyan. Totoo ba?

Pero talagang kusang titibok ng malakas ang puso ko, at sisingkit ang mga mata ko sa sobrang laki ng ngiti ko tuwing maaalala ko yung nangyare nung bata pa ako at una kaming mag kita ni Reji.

Sa isang libing yun sa sementeryo, family friend namin yung namatay. At family friend din nila Reji dahil nga mag kababayan ang pamilya namin. Taga Marinduque ang pamilya namin. Pero mas mayaman sila. Nung ibinabaon na sa hukay yung mga labi nung naki libing kami, umiiyak si Reji habang naka yakap sa poste nung tolda. Close din sila ni kuya John noon, kaya mag kakatabi kami nung mga oras na yun.

Walang humpay yung pag iyak ni Reji. Nanay niya ba yung namatay? Tatay niya ba? Ate? Kuya? Lola? Lolo? Pero Di ko alam kung ka-ano ano ba niya yung namatay. Dahil grabe talaga yung pag tangis niya at at pag hagulgol nung mga oras na iyun, walang makakapigil sa kanya umiyak. Pero sa isip isip ko.

Ang cute niya, kahit umiiyak siya. Ang porselana niyang balat ay namumula dahil sa kakaiyak niya. Yung mga tenga niya ay pulang pula na rin, yung mga mata niya namumugtu na kakaiyak at pulang pula na rin, yung ilong niya ay may tumutulong onting sipon pero di nabawasan ang ka-cutean at ka pogian niya. Mukha siyang anak ng mga kano dahil sa kulay ng balat niya at kulay ng buhok niya. May bahid ng brown kasi ang buhok niya. At medyo matangkad siya sa akin ng onti.

Sa sobrang iyak niya, di namin inaasahan ni kuya John ang susunod na nangyari. Sa sobrang hagulgol niya at sumisigaw na siya kakaiyak, bigla siyang nag suka. Nagulat kaming dalawa ni kuya John sa nangyari kay Reji. Napatakbo si kuya John; "Bibien, bantayan mo si Reji, kukuha lang ako ng juice ha?" Mungkahibni kuya sakin, at napa tango na lang ako. Lumapit ako kay Reji, at ramdam ko ang pag init ng mukha ko. Kahit bata pa lang ako nun, alam ko na na crush ko siya.

Sobrang lapit na namin sa isat isa, nag tama ang aming mga balikat habang naka yuko siya at tinatapos ang pag suka niya. Dahan dahan kong inaangat ang kamay ko papunta sa likod niya para himasin at tapikin para mahimasmasan ang pakiramdam niya. Lumapat ang aking kanang kamay sa likod niya ng hindi nya napapansin. Dahan dahan kong hinawi ang likod niya na medyo natatawa kasi ang weird ng tunog ng pag suka nya.

"Okay ka lang ba?" Natatawa ko tanong at sumilay sa kanya ang bungi bungi kong ngipin. Napakunot ang noo nya at nag salubong ang kilay niya. Lalo akong napangiti sa nangyari. "Bat ka tumatawa, nasuka na nga ako oh" nagulat ako ng magsalita siya kahit may tumutulong suka pa sa sa bibig niya. Nakakdiring tignan pero kinikilig at natatawa ako sa itsura niya. Kaya pag kasabi niya nun, umalis siya at tumakbo.

Di niya alam na tinatanaw ko pa rin siya hanggang nakita ko na nag kasalubong sila ni kuya John habang may bitbit si kuya John na Zesto na Juice. Pinainom niya si Reji at kitang kita sa mukha niya na nagustuhan niya at nahimasmasan siya nito. Inapiran niya pa si kuya John at nag pasalamat din.

Pag tapos nung libing, di ko na siya nahagilap dahil nasa kotse na yung iba. Habang kami nasa tricyle namin. Lumaki kasi kami na hindi nakaranas ng kotse. Dahil bukod sa onti naman kami at kasya sa tricycle, wala kaming perang makakabili ng isang sasakyan.

Dun nag simula ang pag kilig ko sa tuwing makikita ko si Reji. Hay Reji asan ka ba? Maraming bumabagabag sakin tuwing naaalala ko yung mga panahong iyon. Talagang tuwang-tuwa yung sistema ko sa payatot na yon. Tuwing maaalala ko yung pag suka niya, na parang ilalabas niya na yung bituka at utak nya sa pag duwal niya, talagang mapapaupo ako kakatawa sa kanya.

Sana naaalala mo pa rin ako, dahil tumatak ka na sa isip ko. Kahit di man ako gandahan at ka-cutean nung bata pa ako. Mukha man akong batang kalye o lansangan dahil sa kulay ko na parang laging naliligo sa sinag ng araw, sana maalala mo man lang ako. Nakakagulo man dahil nililito mo nanaman yung isip at puso ko tuwing maaalala kita.

First love never dies? Or True love buries it alive? Ano ba talaga yung totoo? Sagot!! Sagot mga readers!! Comment lang!!

A/n: ang pogi ni Sicario Santos owwSIC

I accidentally fell in love with him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon