Paki share, comment, and vote!!
A/n: Di gaanong heavy drama, puro kilig kilig lang
BIBIEN'S POV
Nakatulog na ako sa sobrang iyak ko kagabi. Parang sinapak nga yung dalawang mata ko sa sobrang maga eh. Di ko tuloy nakita kagabi kung sino ba yung nag add saken. Mamaya ko na lang din ito titignan kasi kakain ka ako mahigit dalawang araw na rin kasi akong di kumakain. Puro tubig lang ako. Parang ayaw tumanggap ng pagkain ang sistema ko.
Nagulat agad si kuya John ng makita niya ang itsura ko. "Ano ba yan? Sinapak ba yan o inihian ng ipis" etong si kuya John talaga, ke aga-aga ang lakas mambuwisit. Dinedma ko na lang siya at dahan dahang bumaba. Kasi sa sobrang maga ng mata ko, nakapikit na lang ako sa bigat nito habang nag lalakad pababa para kumain.
Habang kumakain, walang nag sasalita at umiimik sa amin. Parang halata nila na wala na kami ni Ben. I'm always open to my family even if I have plenty of problem. Pero sa ngayon, parang ayoko muna i-open. Kada bubuka kasi ang bibig ko at mag kkwento ako, hindi lang maiintindihan dahil maiiyak lang ako. Ako yung unang na tapos kumain kaya nagulat sila. May sinabi sila pero dinedma ko na lang at umakyat sa taas.
Dahil naalala kong may nag add pala sakin kagabi. Agad kong kinuha ang phone ko, pero bat parang kinakabahan ako?
Pag bukas ko ng phone, dumiresto agad ako sa Facebook app. Pag click ko syempre di agad bumukas kasi pesteng phone to laggers na!
After 5 minutes, dumambad sakin ang di ko inaasahan.
Benedict Jhon Nanet is now in a relationship to Aliyah Kim Coach
Nag pantig ang tenga ko, at as usual naiyak nanaman ako. "Wala man lang 3 month rule?!" Sigaw ko, sabay binalibag yung unan. Nakakayamot talaga eh, nag react ako sa post ni Ben ng love react. Tapos nung isshare ko na biglang, this post does not exist. Nag taka ako, kaya kin-lick ko yung profile ni Ben at nakalagay, user not found.
Aba shuta ka beshiwap! Blocked agad? Tinry ko siya i-search pero alaws talaga mga beshiwap, nga nga na si ateng. Grabe kaya pala kating kati yung damuho makipagbreak. May iba na pala. Kaya simula ngayon may natutunan ako eh.
Hindi titigil ang pag mamahal mo sa isang tao, hangga't di ka nakakahanap ng iba.
'Yan talaga ang totoo. Aba? Siyempre hangga't walang iba, mas pipiliin mo yung taong unang minahal mo. Pero kiber, wapakels na lang. Tinuon ko na lang ang pansin ko sa pag tingin ng notifs ko. Pag tapos ay tumungonsa mga friend request, may limang nag add saken na lalaki. Puro taga school ito pero pag scroll ko nung pang lima. Oh, shet.
Rejingwald Salivañes
5 mutual friendsNapabuhay yung diwa ko dahil dito. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Friend din pala siya nila lola, tita, tito at kuya John. Shemay tong si kuya John, bat di niya sinabi na friend niya pala sa Facebook si Reji? Napairap na lang ako dahil minsan aanga-anga yun si kuya John eh. Sarap niyang kurutin ng nail cutter ngayon, kaso tinatamad ako kaya next year na lang para dalawa. Hikhik
Buti na lang in-add niya ako dahil kung hindi, hindi ko talaga mahahanap yung account niya dahil iba yung pangalan niya. Hay diyos ng mga beshiwap thiz iz it!
Pinindot ko yung profile picture niya bago ko siya in-add. Just to make sure na siya talaga yun. At siya nga talaga si Reji. Tinignan ko yung profile pictures niya. Ang gwapo niya talaga.
Habang nag sscroll ako ng nakita ko yung baby pictures niyang iba. Lakas maka throwback Thursday eh. Makikita mo dito na kahit mayaman sila, hindi siya spoiled baby.
Hay Reji, ang sarap talaga kagatin ng pisngi mo lalo na nung bata ka. Ngayon kasi pumayat ka na tapos lalo pang gumwapo. Halos mahimatay-himatay ako sa mga pictures mo. Pero pag scroll ko sa ibang media mo, may isang picture ka doon na nasa gitna pa talaga tapos may kasama kang babae, nakayakap pa ang bisig mo sa kanta at naka mirror shot pa kayo.
Napanguso na lang ako kasi ang lakas ng kutob ko na girlfriend niya yun. Hindi naman mukhang ate niya or kapatid niya. Pag kumukutob kasi ako, madalas tama at totoo. Malakas daw kasi kutob ng mga babae. Tulad na lang nung kay Ben, na kapatid ni Lucifer, diba?
Di nag tagal, in-accept ko ang friend request ni Reji.
A/n: Ano kaya ang susunod na mangyayare? Comment at vote mga beshiwap!!!! Share niyo na rin!!!
BINABASA MO ANG
I accidentally fell in love with him
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa puro akala. Tunkol to sa pag sugal sa pag ibig. Tungkol sa December life. At tungkol sa pag take ng chances. Posible bang mangyare ito? Ang kwentong ito ay tungkol sa dalawang mag 'pinsan' na matagal nang hindi nag kik...