Chapter 8

34 2 0
                                    

Paki vote, comment and share!!

A/n: Mata nga pala yan ni Bibien hanggang ngayon kakaiyak. Nakaka hurt hurt mga beshiwap.

BIBIEN'S POV

Play: Dahan by Jireh lim in this chapter.

Hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na wala na sa piling ko si Ben. He promised me na pag iiwan niya ako, he will let go of me, slowly. Dahil yun yung gusto ko. Dahan- Dahan. Kaso he broke many of his promises. At isa na dun yung iniwan niya ako with his nonsense reasons. Masyadong unreasonable yung mga sinasabi niya sakin pero kahit ganun, nasaktan pa rin ako ng sobra.

"Ben" pag banggit ko habang nakahiga ako at nag babadyang tumulo yung luha ko. Naka tulala lang ako sa kisame. Naaalala ko yung mga alaala namin na mag kasama. Bawat kanto ata dito sa bahay na puntahan na namin. Kaya bawat sulok naaalala ko siya. Naaalala ko yung mukha niya. I smiled bitterly. "Siguro hindi totoo yung mga tawa mo kasama ako. Dahil kung napasaya kita, sapat na ako para lang maging kuntento ka." Saad ko habang nag mumukmok at nakatingala lang at hinahayaang tumulo sa pisngi ko yung mga luha ko. Nag papatugtog rin ako ng Dahan by Jireh Lim para mas dama ko yung sakit at para lumabas lahat nung sakit.

Kasi puro sakit na lang yung nasasabi at nararamdaman ko. Kasi di ko pa nararansan masaktan ng ganito. At maiwan ng ganito. Ay correction pala, matagal ko ng di naranasan at naramdaman tong sakit na to dahil matagal ko ng binaon sa limot yung pag iwan samin ng itay at yung pag loko niya samin ni inay. Ako na naman yung iniwan, Ako na naman yung nagmukhang tanga, Ako na naman yung nagmukhang kawawa. "Gigising ako dahil kailangan kong maging masaya, iindahin na lang muna yung sakit ng katotohanang wala kana." Habang tumugtog yung chorus ng Dahan.

🎶 Dahan dahan mong binitawan, puso ko'y di ma kalaban. Dahil minsan mong iniwan, labis na nahihirapan. 🎶

Kahit mag pakamartyr ako gagawin ko para sa kanya. Basta bumalik lang siya sa bisig ko. Nag backread ako ng mga old conversations natin sa Facebook messenger, bigla kong namiss yung dating tayo. Ginugulo nanaman yung sistema ko kasi si Ben pa rin yung sinisigaw ng puso ko. Ilang luha na rin ang natuyo dahil sa mga nangyari.

Nakakalungkot pag na basag ang iyong puso. Pero alam mo ba kung ano yung mas nakakalungkot? Hindi ka naman masasaktan kung hindi mo mahal ng totoo yung tao eh. Sumingit nanaman ang innerself ko. Pag ang innerself ko talaga ang nag salita, halos lahat tagos tagos sa puso at utak eh. Pero bakit kasi ang talino ko, tapos di ko man lang to magamit pag dating sa pag ibig. Ang tanging pangaral sakin ni itay Josepino na kailan man hindi ko makakalimutan ay

"Anak, alam mo ba kung bakit nasa itaas ang ulo? Dahil ito dapat ang mas nauuna kaysa sa puso. Lamang ang utak sa puso dahil ang utak, mas nakakapagisip kesa sa puso. Kaya tayo nagiging tanga sa pag ibig kasi puro puso ang pinapagana na natin at hindi ang isip. Dapat maging prakrikal tayo dahil wala tayo sa isang palabas sa sinehan o isang kwento sa libro. Live your life to the fullest. Gampanan mo ng tama ang pwesto mo dito sa mundo."

Minsan lang mangaral sa akin si itay nung bata ako dahil maaaga niya kaming iniwan. Dahil sumakabilang bahay siya. Pero talagang tatatak sa isip ko yung mga pangaral niya. Pag naaalala ko talag si Ben, lalong sumasakit yung ulo ko. Ginagalit niya yung mga organs ko eh. Sa isip mo, galit ka. Pero sa puso mo, hindi mo kayang mawala siya. Sumabat nanaman ang innerself ko, pero as usual may point nanaman talaga tong kolokay na 'to.

Gusto ko siyang ipag laban dahil mahal ko siya. Pero ngayon wala akong kailangang gawin. Dahil pag mahal mo ang isang tao, lahat ng desisyon, lahat ng rason mo, at lahat ng ginagawa niya sa buhay susuportahan mo. Hindi dahil hindi ko siya mahal, kundi sadyang mahal ko lang siya. Mahirap naman sa part ko na i-let go siya hindi dahil gusto niya, sapagkat yun ang kailangan niya.

One day, maaappreciate din niya ang lahat ng ginagawa ko para buhayin pa ang relasyon namin. Yung mga pangarap naming, ako na lang ang tutupad mag isa. Yung mga plano naming, ako na lang ang gagawa mag isa. At yung mga pangako naming, nagadlangan na ng malaking problema at napako niya na agad dahil lang sa nag sawa siya at sa pagod na siya sa pitong buwan niyang panliligaw at walong buwan naming pag sasama.

Kung mahal niya naman talaga ako, di siya mapapagod intindihin ang mga kaartehan ko sa buhay. Kung gusto niya pala maging binata ulit edi mag patuli ulit siya, sasamahan ko pa siya. Hindi yung iiwan niya ako at itatapon niya na agad lahat ng pinag samahan namin ng ganun-ganun lang. Sana sinubukam mo munang ayusin, bago mo sukuan.

Gustong-gusto ko kitang iwan noon, gustong-gusto pero di ko kayang gawin. Kasi nangako ako sa sarili ko na kahit gaano ka kahirap mahalin, mamahalin pa rin kita. Mahal na mahal kita kahit ang sakit sakit na, Benedict.

Siguro nga dito na natatapos ang kwento natin Benedict. Maybe I didn't deserve you kaya tayo nag tapos. Ngumingiti man ako sa harap mo pero, umiiyak ako pag ako lang ang mag isa. Sana mamiss mo na ako. Kasi ako, sabik na sabik na akong mahagkan ka muli. Sabi nga nila, pag nawala doon lang mamimiss. Aasa ako na balang araw babalik ka at mag sisimula tayo ng bagong yugto ng buhay nating dalawa. Bakit kasi ang hirap mong kalimutan, Ben.

Huminga na ako ng bahagya at kinuha yung phone dahil may nag notif sa phone ko.

Facebook
Someone added you . 5m ago

Added me? Kaya pala sabog notifs nanaman ako. Sino nanaman kaya tong nabihag sa ganda ko sa profile pic. Chos. Sana bagong pagebeg para makalimot agad.

Comment mga Team BiBe! AHAHA

I accidentally fell in love with him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon