Paki share, vote and comment na rin!!
BIBIEN'S POV
Shet December na...
December...
Shookt December na. Exam days na namin at alam kong mabigat ang mga bigay ng teachers. Kasi mag sesembreak at start ng third quartely examination. Eto na yung week na puro review kami, at todo pasa ng project at for defense namin. Sinasanay na kasi kaming seniors para sa college level.
Dala-dala ko ang mga books ko hanggang mag lunch kami nila Benedict at Gali sa malapit sa canteen. Habang hinihintay ko sila Benedict at Gali bumili ng lunch nila, nag basa muna ako ng Stupidly in love again ni owwSIC . Jusme nandito rin si MJ at Ross Valentin ng Lesbi in love ni owwsic din.
Join forces ang mga characters talaga. Lodi ko talaga si Sicario dahil sa mga malupit na plot twist eh. May baon din pala akong pag kain kaya natitipid kasi ako para sa Laptop ko. Hati kasi kami ni inay if ever na MacBook ang bilin.
Sabay sabay kaming kumakain nila Gali at Benedict. Syempre kwentuhan about sa ittake namin na exam para bukas. Tatlo kasi yon sa isang araw, pero yung sumunod na dalawang araw, tag-dalawang subject na lang yun. Kaya todo gawa ng reviewers ulit at memorize lalo na bukas kasi dalawang major subject ang magkasabay bukas at isang minor.
Nag bonding muna kami ni Benedict dahil ramdam ko yung pagiging cold nya these days. Parang wala siya sa sarili, ayaw niyang mag pahiram ng phone, di na siya nakakapag update sakin kung anong ginagawa niya. Kaya nanlulumo naman ako.
Kumain kami sa isang Milktea shop na favorite namin kainan at tambayan dahil masarap yung twister fries don, halatang di nila tinitipid yung mga bibili lalo na if barbecue flavored yung fries nakakapanglaway tuloy (diba readers?)
Pag tapos namin mag bonding, hinatid niya na ako sa bahay at hinalikan sa pisngi. Nag taka ako kaya bigla ko siyang hinawakan sa braso, natigilan siya sa pag alis. "Love, bakit tuwing hahalikan mo ko, sa noo at pisngi na lang? Ramdam ko na parang cold ka na at parang wala sa sarili? Anong problema love?" Hinalikan niya ako sa labi at sinabing "okay lang ako love, pagod lang sa bahay lagi, review well okay? Ikaw lang promise."
Hinagkan ko siya at tuluyang umalis na. Nakakaproblema talaga pag ganito kami. Di naman kami ganto eh, ngayon lang nagkaganto di ko alam kung bakit. Hay ayun nag simula na ako ng gagawin ko, niready ko na yung mga gamit ko para bukas at yung mga rereviewhin ko rin. Mahirap din mag maintain ng grade kahit I'm in the top of the class.
Kailangan mag sikap ng todo todo para lang makamit ko yung medal. Todo review ako para bukas, di na rin ako nakapag dinner puro papak ako ng mga chips at juice. Kahit kain ako ng kain, di ako tumataba dahil nag ttraining naman kami. Pero dahil tapos na yung tournament, ayun tambay nanaman ako sa bahay.
Puro basa na lang ako ng libro sa wattpad sa sobrang bored. Nanonood din ako ng YouTube videos, sa sobrang tamad ko, wala pa akong nadadagdag sa channel ko. Nag patuloy na akong mag sulat ng reviewer, tapos na ako sa Statistics dahil keri ko na yun kahit walang review. Nag recap lang ako para ma freshen up ako.
Patapos na rin ako sa Physics dahil halos given naman yung formula dun sa exam sabi ng prof namin dahil pasko na daw. It's the season of giving. Pasko. December. Season of giving. Season to be jolly. Pag naalala ko talaga yung pasko isang tao pumapasok sa isip ko. Si Reji.
8 years ago na pasko ko siya nakilala. After namin mamasko sa compund namin ni kuya John, pumupunta kami sa bahay nila tuwing Christmas at nakiki lunch sa kanila. Pero never siyang bumaba ng kwarto niya everytime na pumupunta kami dun, di ko siya nakikita hanggang sa tumigil kami sa pag punta namin dun nang di ko alam ang dahilan nito.
Mula noon, di na kami nag kita ni Reji. Umaasa ako na isang araw makikita ko siya ulit kahit di niya ako matandaan. Pero hinihiling ko na sana matandaan niya ako.
Yung batang bungi na tumapik sa likod niya habang sumusuka siya at natatawa ako na kinililig. Di ko maiwasang maalala talaga yung panahong iyon. Napapangiti talaga ako ng kusa lalo na pag naaalala ko yung istura niya nung sumusuka siya. Natatawa na lang talaga ako.
Reji, kelan ba kita makikita. Mag paramdam ka naman sana naalaala mo pa ako. Kahit saan basta masulyapan ko lang ang maamo mong mukha at magaganda mong ngiti.
Nakakamiss ka kasi. Ang sarap mong pag masdan lalo na habang umiiyak. Namumula ka kasi, para kang amerikano. Ang cute mo rin sobraaa
Orayttt paki vote at comment para mabilis mag update hehehehe
A/n: pa share sa friendss niyooo
BINABASA MO ANG
I accidentally fell in love with him
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa puro akala. Tunkol to sa pag sugal sa pag ibig. Tungkol sa December life. At tungkol sa pag take ng chances. Posible bang mangyare ito? Ang kwentong ito ay tungkol sa dalawang mag 'pinsan' na matagal nang hindi nag kik...