Paki vote, comment and share na rin!!
Play: Stay by Daryl Ong habang nag babasa nito.
BIBIEN'S POV
Walang gustong gumalaw sa katawan ko, nakatakukbong lang akong kumot dahil sobrang maga ng mga mata ko. Dahil maghapon akong umiyak kahapon at ngayon.
Kakain, iiyak. Maliligo, iiyak. Matutulog, iiyak. Gigising, iiyak. Sobrang sakit talaga ng buong katawan ko lalo na ng puso ko. Akala ko kaartehan lang yung pag iyak iyak nila sa lalake. Pero pag naranasan mo pala yun, kakaiba pala yung pakiramdam. Pag minahal mo kasi ng totoo, totoo ka ring masasaktan.
Pag sobra sobra kasi binibigay mo at pag mamahal mo, sobra sobra din ang sakit. Di ko lubos isipin na mangyayare sakin to. Kasi alam kong iba si Benedict, iba siya sa mga lalaking kilala ko at mga nakasalamuha ko. Dahil iba sya mag mahal at mag alaga sa isang tulad ko.
Alas nuebe pa ang oras ng pasok ko dahil tapos na naman uung exam, puro practice lang naman yun para sa gaganapin sa Christmas party. Nag ayos na ako ng gamit ko, tinamad na rin ako maligo dahil wala talaga akong gana. Di rin ako kumain dahil wala na ako gana, kahapon pa. Nag pahatid na ako kay tito Toni. Tahimik sila at nag bubulungan kung bat ganun ang mata ko.
Hay Benedict, I miss you as soon as I wake up, I miss you when I'm about to sleep, I wish you never left me. Naka hood akong pumasok sa school. Nakita ko si Benedict, nakikipag tawanan sa tropa niya na parang walang nangyari kahapon. Parang di siya nasaktan sa nangyari kasi nawala ako sa buhay niya.
I'm Tired of crying.
Tired of being broken.
Tired of pleasing everyone.
Tired of caring.
Tired of one-sided love.
Tired of pretending.
Tired of faking a smile.
Tired of hoping.
Tired of everything.Gusto kong bumalik na siya saken. Di ko maiwasang maluha habang nakatitig sa kanya, hanggang sa mag tama ang mata naming dalawa. Nauna na siyang umiwas ng tingin at tumawa ulit kasama ang mga tropa niya. Benedict wag naman ganto, di ko na kaya eh. Di ko kayang ganto tayo. "Nothing hurts more than being disappointed by the person you thought would never hurt you." Sabat ng innerself ko. I just smiled bitterly.
I love you, Benedict. Even when it hurts. Sobra kitang miss Ben. You're my baby, you're my headache, you're my love, you're my enemy, you're my best friend, you're my smile, you're my frown, you're my wrong, you're my right, you're my pain, you're my happiness, you're my everything.
Dumiretso na ako sa room at nagulat sila sa itsura ko. "Oy Bi mukha ka nanamang chinese!" Saad ni Gali. Nag tawanan sila at tahimik lang akong dumiresto sa upuan ko, nag rest na lang ako ng ulo aa desk dahil di naman ako kasali sa mga mag peperform. Di naman kasi ako singer or dancer.
Kaya bahala na sila. Kinwento ko kay Gali ang nangyari dahil ang kulit niya eh umiiyak na rin siya labas pa uhog netong baboy na to. Naiyak ako lalo kasi di ko naimagine na magiging ganto kami ni Benedict. Sobrang sakit, tuwing makikita ko siya I always fake my laugh and smile pag nakikita niya ako. Pero after nun, umiiyak din ako kasi di ko kinakaya. I'm surprised how my heart is so strong to handle all this pain. Di ko inaasahang kakayanin ko to.
Nilakasan ko ang loob ko na kausapin si Benedict dahil siya lang mag isa sa room nila. Pag bukas ko hawak niya yung phone niya at biglang tinago agad nung nakita niya ako. "Anong ginagawa mo dito Bien? Sabi ko tapos na tayo at wala ng dapat pag usapan diba ilang ulit ko bang sasabihin at ipapaliwanag sayo yan!" Galit na galit niyang sinabi sakin. "Ben, please let me fight for us, let me fight for you. Lahat gagawin ko para lang bumalik ka, Ben. Bakit Ben? May iba ka na ba? Kaya mo ba ako iniwan kasi may nag papasaya na sayo?" Umiiyak ako sa harap niya at nakaluhod. "Ben, please balikan mo na ako kasi di ko na kaya. Naiinggit ako sayo kasi ang bilis mong maka move on. Di ko nakitang umiyak ka dahil wala na tayo. Minahal mo ba talaga ako?" Tinulak niya ako palayo kasi hinihila ko siya habang nakaluhod ako. Napalakas ang tulak niya kaya natumba ako sa sahig at nauntog.
Alam kong nawalan ako ng malay dahil dun. Naririnig ko yung mga kaklase niyang lalaki na dadalin daw ako sa clinic para ma-check kung ano yung kalagayan ko. Sobrang tagal ko sigurong naka tulog. Dahil pansin kong hapon na at nasa clinic pa ako. Eh tanghali yung uwian namin kaya napangon ako bigla.
Pero agad akong natumba dahil sa hilo talaga. Sobrang sakit ng ulo ko at may benda pa to kaya napahawak ako dito at dahan dahang tumayo. Wala yung nag babantay dito kaya umalis na ako. Mukha tuloy akong galing mental dahil sa ulo ko. Pero kiber, wapakels sa mga nakakasalubong. Dumiresto ako sa room at kinuha ang gamit ko. Lumabas na ako ng campus para mag commute pa uwi. Di ko inaasahang makakasalubong ko si Ben sa at kasama ang isang babae. Alam nyo na ba agad ang iniisip ko?
Totoo yang iniisip niyo, dahil nakita ko sila mag ka-holding hands, at papunta sa gawi ko. Matindi to ipapagpalit pa ako sa mas bata pa jusme. Gusto niya pala ng bata edi sana bi-naby niya ako diba.Kaya natigilan sila at napatitig sakin. Lahat na ng mura nasa isip ko.
Gusto kong pag mumurahin sila ngayon pero di ko magawa. Gigil na gigil na ako sa kinakatayuan ko. Kaya pala di siya nag siseen sa chats ko or nag rereply. I smiled bitterly and said to myself; Ignoring my messages? Don't worry, you won't receive one of it someday. Nag lakad ako at habang nakatitig sa kanila. Yung titig na nakakamatay, yung titignna sa tingin ko pa lang pinapatay ko na silang dalawa. Parang tinutusok ng ilang beses yung puso ko. Taas noo akong nakatingin sa kanila, pero tunakbo papalapit saken si Benedict at ang loko, napaka defensive. Wala pa nga akong sinasabi kung ano ano agad ang sinasabi. "Let me explain, Bien. It's not what you think. Di ko siya uhm.... wala talaga Bien. Wala yun okay?" Tuloy tuloy niyang saad.
Kahit nasaktan man ako, dinedma ko ito at sinabing "Do I know you? I'm not familiar with you either. How did you know me? Sorry, if you mind aalis na ako kasi marami pa akong gagawin." Napansin niya na nanggigilid yung luha ko, at nakita yung benda sa ulo ko. Hinawakan niya ito at na pa-aray naman ako. "Are you in pain?" Sabi niya. Abay loko pala tong damuhong to. Tanungin ba naman ako ng ganto eh kitang kita naman. "Yes, but I'm going to be okay." Saad ko habang nag punas ng luha. At nag lakad na patungong sakayan syempre lintik habang umiiyak.
Comment!!!! Team #BiBe pa rin ba? Simula na ba ang kwento nila #BiRej vote naman dyan para mabilis mag update si Bianca HAHA
BINABASA MO ANG
I accidentally fell in love with him
Teen FictionAng kwentong ito ay tungkol sa puro akala. Tunkol to sa pag sugal sa pag ibig. Tungkol sa December life. At tungkol sa pag take ng chances. Posible bang mangyare ito? Ang kwentong ito ay tungkol sa dalawang mag 'pinsan' na matagal nang hindi nag kik...