Chapter 15

16 4 2
                                    

PAKI VOTE, SHARE AND MAG COMMENT PARA DI BITIN HAHAHHAHAHA

A/n: HAHAHHA SORRY NA AGAD

BIBIEN NA MAHABA ANG HAIR'S POV

Nag tanong na ako kay Reji dahil di ko na mapigilan yung kaba ko, "Saan mo ba hu...ling nakita si.. siyaa?" Umaasa ako na ako yun. Sana sa sementeryo. Sana lang please Reji ako na lang. Ako na lang ulit... ECHOS. Di nag tagal sumagot si Reji "Sa mata ko siya huling nakita" nag taka ako, teka? May lugar bang mata? Nag tanong ako sa kanya. "Saan yung lugar na yun? May ganon ba sa Pilipinas?"

Nag tatakang tanong ko. "I thought Top 1 ka sa class niyo at consistent honor student? And walang line of 8 and lowest grade ay 96? Pero bakit ganyan ka ka-bobo?"

Nagulantang ako sa sinabi niya, ay mata pala, eyes. Bobo naman Bien. Pero kasi parang shunga, tinatanong ng maayos eh. "Maka-bobo ka diyan, bakit close ba tayo? Tinatanong ka kasi ng maayos diba? Malay ko bang anak ka pala ni Pilosopo Tasyo." Napairap ako sa kanya at tumalikod at nag babadyang mag walk out pero sumabat agad naman siya kaya natigilan ako.

"Hoy, anak ni Sisa! Have some manners, kausap mo pa ako tatalikod ka kagad? Okay, Sa Sementeryo ko siya huling na kita"

Sementeryo...



Tangina ang daming sementeryo GAGO!!!

Pero kinakabahan pa rin ako, sobra. Bakit ganito yung dating sakin parang iba. Ayokong mag-feeling na ako agad yun. Pero parang ang saya ko, parang ang saya ng pakiramdam ko. Everyone deserves to be happy naman diba? Dahil siguro puro sakit na tong nararamdaman ko kaya happiness naman yung binibigay sakin nung tadhana.

"Give me 3 wishes, and ang kapalit naman nun, sasamahan mo kong mag hanap sa first love ko" natataranta na ako at na patanong sa taka, "Bakit ako? Bakit ako ang pinili mo sa dami rami ng tao sa Pilipinas?!" saad ko na may tonong hindi maganda.

"I saw something in your eyes, parang you're finding something or someone. At parang may gumalaw sa sistema ko nung nakita ko picture mo sa IG. Hindi yung naka swimsuit ka, pero yung naka harap ka sa camera,

 Hindi yung naka swimsuit ka, pero yung naka harap ka sa camera,

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I know you're not an ordinary girl. Halatang amazona ka at walang sinusukuan. I will grant all of your 3 wishes, just please help me?" Nag mamakaawa siya na parang batang nang hihingi nang laruan. Nag pa-puppy eyes pa siya para maawa talaga ako. Napabuntong hininga na lang ako sa kanya. "Pag nahanap na ba natin yung first love mo, di mo na guguluhin ang buhay ko?" Singhal ko sa kanya at napa ngiti naman siya at napatango siya agad agad.

"Fine, I'll help you. Papagisipan ko muna yung 3 wishes ko," sagot sa kanya at inalok siyang kumain. "Kumain ka na? Nag luto ako dito kanina at ngayon pa lang kasi ako kakain kasi kakagising ko lang. Sabayan mo ko kumain?" Napa-oo naman siya agad mukhang gutom na siya.

Tuyo, itlog na sunny side up, sinangag na kanin at may sawsawan na kamatis at sibuyas na may toyo at suka ang hinanda ko. Nag taka muna ako bago ako mag hain sa hapag. Alam kong anak mayaman siya at di pinalaki na spoiled. Pero kumakain ba siya nito? Natawa ako sa sarili ko at sinabing "Bahala siya kung ayaw niya, ang arte niya akala mo naman ang gwapo." Bulong ko sa sarili ko. Hinain ko sa harap niya yung mga pagkain na inihanda ko para sakin dapat.

Nagulat ako sa reaksyon niya, "Wow my Favorite!," napahawak pa ang dalawa niyang kamay sa pisngi niya na parang gulat na gulat at galak na galak sa mga nakita niya. Parang nag ning ning ang mga mata niya dahil sa mga nakita niya. Parang ang tagal niyang di nakita ito. Sumingit ako sa pag kasabik niyang kumain, "Bakit sabik na sabik ka kumain diyan? Tapos favorite mo pa?" Tanong ko sa kanya at sumagot naman siya, "Hindi por que lumaki akong mayaman, bawal na ako kumain niya. Tsaka ilang taon din kami sa America, at namimiss ko na tong Pinoy food na to." Sinasabi niya to habang nilalantakan niya na yung pag kain at nag kakamay pa siya.

At home na at home talaga siya eh nakataas pa ang paa. "Manners, Manners din Mr. Salivañes" sinabi ko ito at tumataas taas pa ang kilay ko. Binaba naman niya ang kanyang paa at nag patuloy kumain at parang ayaw mag pa istorbo. Naubos din niya ang halos kalahating kaldero nang sinangag na niluto ko, limang tuyo rin ang nilantakan niya, naka dalawang itlog siya at sinimot din niya yung sawsawan na ginawa ko. At ang loko, dumighay pa ng malakas at tumawa. Bastos talaga netong damuhong to, yamot eh.

Niligpit ko na ang mga pinag kainan namin at nilagay sa lababo. Habang nag pupunas ako ng lamesa. Na-shookt naman ako sa ginawa niya, akala ko nag hugas ng kamay, pero nag hugas siya nang mga hugasin pati yung mga kaldero hinugasan niya rin. Siguro dishwasher ang trabaho niya kasi wala pang sampung minuto tapos niya na agad yung hugasin eh. At habang nag huhugas siya ng plato, naliligo na rin ako, kaya pag labas ko ng banyo, kakatapos niya lang rin mag hugas ng mga hugasin.

Halatang pinag pawisan siya sa ginawa niya kaya napatanggal siya nang polo niya at nag hubad sa bahay. Aba damuhong to talagang feel at home talaga ang ginawa eh no. Agad ko siyang sinita dahil baka may dumungaw sa bintana at maka kita sa kanya. "Hoy! Bakit ka nakahubad ha? Wala ka sa sarili mong bahay okay? Mag damit ka na at baka dumating pa yung pamilya ko madatnan ka pang nakaganyan. Hype ka!"

Natawa siya at nag polo na pero nag salita pa siya habang nag p-polo, "Na-attract ka lang sa katawan ko eh ;)" dinaan pa ako sa kindat netong hype na to. Wag niya talaga akong asarin talagang di ko siya tutulungan kahit siya pa si Reji, ang first love ko. "Attract your face! Ulol ka ba? Di kita tulungan diyan eh" napa madali naman siya at parang natakot. Kaya natawa naman ako sa loob loob ko.

Punyeta ka talaga Reji, kung di lang talaga kita First love, babayagan na kita. Pero kailangan ko munang itago kung sino ko baka kasi ako yung hinahanap niyang first love niya. Feeler na kung feeler pero malakas talaga ang kutob ko na ako yun eh. '8 years' tapos 'sementeryo pa.'  Ako na kaya yun Rej? Sana...





COMMENT MGA BESHIWAP SORRY LATE UPDATE ANG SAYA KASI NG NEW YEAR!!!! COMMENT NAMAN KAYO KUNG ANO GINAWA NIYO NUNG NEW YEAR!!!

I accidentally fell in love with him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon