Paki vote, share and mag comment na para mas mabilis yung update!!! DALIII COMMENT NA NG KAHIT ANO!
A/n: Ituloy ang kilig serye!!
BIBIEN HABA NG HAIR'S POV
"Actually we've broke up too, the day before yesterday. He said he need a break at sawa na raw siya. Pero yung damuho na yun kinabukasan meron na agad. Mga lalaki nga naman talaga oh mga haliparot! Mga di makuntento! Mga—" natigilan ako ng sumabat si Reji "Shh!! Excuse me Ms. Di pa naliligo, lalaki rin ako, at wag mong lahatin okay? Naloko rin ako ng mga ka-uri mo Ms. Rodriguez, ang mga babae." Napa rolled eyes pa siya at ang taray niya dun ah! Tong baklang to! Ang gwapo naman!
"Hey! Excuse me din! Ang mga babae kasi kaya ginawa yan, para mahalin! Gets mo? At hoy Mr. uhmm anoo hmm, Mr. Antipatiko, naloko rin ako ng mga ka-uri mo, mga hayop! Mga lakaki! Pwe!" With matching palipad buhok, rolled eyes at walk out.
Pero shet.
Shet talaga eh.
Pak shet.
Hanawakan niya ang braso ko bago ako mag walk out ng tuluyan. Ang lambot ng palad niya, parang bimpo lang na dumampi. Ang lambot mga beshiwap!!! Napaharap ako at napatitigsaglit sa kamay niya na nakahawak sa braso ko at napabalik sa mukha niya.
At nilapit niya ang mukha niya saken, nararamdaman ko tuloy yung hininga niya dahil mga 3 inches na lang yung pagitan ng mga fes namin. Nasukat ko pa sa lagay na yun diba? Tinititigan niya lang ako at akmang hahalikan ako.
Iniiwas ko yung mukha ko pero di ko magalaw ang katawan ko. Parang ayaw gumalaw ng sistema ko, f na f na rin ng sistema ko. Hanggang ang lapit na talaga ng mukha niya saken, naramdaman ko na nakadikit na yung ilong niya, sa ilong ko. Napapikit na lang ako ng dahan dahan at napadasal. Habang nag dadasal ako sa isip ko biglang napa salita siya ng mahinahon at napakalambing na mga parirala na sinabi niya at pangungusap.
"Ang lalaki ay ginawa para mahalin din. God has no favorites. Wag na tayong mag away dahil parehas lang naman tayong naloko at ginago ng mahal natin. Okay ba?" Nag thumbs up pa siya kaya lalo akong nainis. Tikom na rin ako dahil sinama niya si God. Edi siya na tama, tamaan ko siya diyan eh.
Naparolled eyes na lang ako sa sarili ko at tumango sa kanya. "So what's the deal? Paano ka nakapunta dito eh kaka-accept ko pa lang sa Facebook friend request mo at sa IG follow mo? Aber?"
Napangiti siya akala mo naman joke yung sinabi ko! Hoy tanong yun excuse me no. Etong damuho na to, pogi nga la naman utak, pwe! "Hala! Eh shunga ka pala eh, nakalagay kaya yung address mo sa Location mo sa Facebook account mo," na shunga pa ako diba feeling close agad tong damuho na to eh!
"#143 Bulag street, Kamotmata village, Barangay Dimakita, Hanapin City. Oh ano? Ang brainy ko kasi I memorized your address" may pataas taas pa siya ng kilay niya at nakangiti pa.
Oh edi sige namemorize mo hanggaleng mo! "Oh talaga? Ang panget mo, la akong pake kung na memorize mo! Ano nga kasi yung pinunta mo dito?" Napacrossed arms pa ako at nakataas ang isang kilay ko. Napaupo naman siya at sinundan ko ng ulo ko yung pag upo niya. At napansin ko kanina pa pala ako nakatingala. Shet naman ang tangkad kasi netong lokong to, kanina pa pala ako nakatingala dahil kanina pa rin siya naka tayo.
Inayos niya muna yung collar niya at relo niya. Parang bumubwelo muna siya sa sasabihin niya. Sumeryoso ang tingin niya sakin at ang mukha rin niya. He cleared his throat and spoke to me, "I need your help to tour me here in the Philippines," na gulantang naman ako sa sinabi niya, kaya napasagot ako. "Hoy excuse me, di por que 16 years na akong nabubuhay dito sa Pinas, pwede na akong tour guide okay? At isa pa, mukha ba akong may pera para i-tour kita?"
Napakunot yung noo niya, "I'm not done yet okay? So shut your mouth up, ako ang bahala sa gastos and sa transportation natin. I just need to find my first love." Nagulat ako ako sa sinabi niya, first love daw? Sa itsura niya sure ako na babaero to eh, tapos hahanapin niya pa first love niya kung pwede naman siyang mag hanap ng true love niya or bago niyang babae.
Edi ba nga siya yung first love mo? Luh ogag tong innerself ko, sabatera talaga kahit kelan. Napasagot din ako sa kanya na 'Oo siya nga pero di na ngayon, ang lakas nang apog niya no! Imbyerna ako sa kanya' napairap naman yung innerself ko. At sumabat nanaman ako kay Reji,
"Bat mo pa hahanapin yung first love mo? Kung pwede ka naman mag hanap ng iba?" Napa irap pa ako sa kanya. Tapos napakamot siya ng mariin at mukhang nainis. Sarap yamutin netong damuhong to. "Alam mo ba yung kasabihang First love never dies? Totoo yun at kailangan kong mahanap si baby bungi, 8 years na kasi kaming di nag kikita." Napahawak ako sa bibig ko at nag gulat sa sinabi niya.
8 years? Eh 8 years ko din siyang di na kita. OMG Rej, ako ba hinahanap mo? "Uhmm ehhh saan mo ba siya hu..huling na..nakita?" Nauutal kong tanong... kumakabog lang yung puso ko. Walang tigil yung pag kabog nito. Ako ba yung tinutukoy niya? A...ako ba yung first love niya?
Abangan sa susunod na chapter HAHAHHAHA
A/n: Team #BiBe ka ba o Team #BiRej ka? Comment ka naman diyan!!!
Damihan niyo comment para mas mabilis update!!!!! :) And Happy New Year mga Beshiwap!!
BINABASA MO ANG
I accidentally fell in love with him
Ficção AdolescenteAng kwentong ito ay tungkol sa puro akala. Tunkol to sa pag sugal sa pag ibig. Tungkol sa December life. At tungkol sa pag take ng chances. Posible bang mangyare ito? Ang kwentong ito ay tungkol sa dalawang mag 'pinsan' na matagal nang hindi nag kik...