A/N: Kung may naguguluhan, Paris France Clariton ang totoong pangalan ni France. Key? ❤
Chapter 18: Reason
*PARIS FRANCE CLARITON*
Nandito ako ngayon sa bahay. Habang si mama, nasa harap namin ni Sasha. Naka-tali sa upuan, habang may ilaw--- Dejoke. (-__-")v Oo, nagtatampo ako kay mama. Pero bago ako maglabas nang kahit na anong emosyon, syempre gusto ko munang marinig yung side niya. Yung REASON kung bakit niya hindi sinabi sakin yun.
.
*deep sigh*
.
"Itinuring kitang ina. Ngayon, gusto ko lang naman pong malaman ang dahilan kung bakit nilihim niyo sakin." sabi ko sakanya, naiiyak na siya. Magkaharap kaming tatlo. Hindi naman dapat kasama si Sasha, eh kaso, chismosa ang loka kaya ayan. (>__>)
.
"5 years ago, nagtra-trabaho ako sa England. Isa akong OFW. 10years na akong nagsisilbi sa pamilya nang mga Mercado. *sniffs* Pero, hindi ganun kaganda ang pakikitungo nang mga amo ko sakin. M-masyado silang malupit." napaluha siya dahil siguro sa naalala niya ang nakaraan niya. "Kaya napag-isipan kong tumakas mula sa malulupit nilang kamay. N-nung gabing yun, habang natutulog sila, tumakas ako. Hindi ko dala yung passport ko dahil nasa kanila ito. Pero kahit g-ganun, tumakas padin ako."
.
Kawawa naman si mama.
.
"Sa kaka-takbo ko, napadpad ako sa tabing dagat ng City of Jinx. Doon, may nakita akong barko, napag-isipan ko na pwede akong magtago at doon na sumakay. P-pero bago mangyari yun, isang malakas na pagsabog ang narinig ko sa hindi kalayuan." umiyak si mama, "H-hindi ko alam kung bakit, p-pero, agad kong tinakbo ang pinanggalingan nang pagsabog. P-pagdating ko, n-nakita kita, nakahandusay." hayyy, naaalala ko nanaman ang nangyari nung gabing yun bago kami maaksidente.
.
"Tatawag palang ako nang tulong, nang biglang tumunog ang barko, senyales na aalis na ito. Sa sobrang taranta ko, b-binuhat kita *sniffs* hindi ka naman ganun kabigat dahil sa mapayat ka." tinignan niya ako sa mata "Binuhat kita, dahil pakiramdam ko, kakailanganin mo ang tulong nang isang katulong na kagaya ko. Isinakay kita, habang dinudugo ang ulo mo, sinubukan kong patigilin ang pagdugo. Umabot nang dalawang araw ang byahe, at dun ko nalaman, na swerte ako, dahil barko pauwing Pilipinas ang nasakyan ko." hinawakan ako ni mama sa kamay,
.
"Namalimos ako, para magkaroon nang pera upang maiuwi kita dito sa probinsiya ko. Madami naman ang tumulong at naging sapat yun para makauwi tayo. Iniuwi kita, umabot nang isa pang araw bago ka magising. Pero paggising mo, wala kang matandaan kahit na ano." itinakip ni mama ang palad niya sa kanyang muka,
.
"Tita Jean? Paano niyo po nalaman ang pangalan ni France?" tanong ni Sasha sakanya, oo nga noh?
.
"S-sa bag na nakasabit sa katawan niya, m-may nakalagay na regalo, ang nakasabi 'Bestfriend France' tapos may heart. H-hindi ko alam kung sino yung France pero, yun na ang ipinangalanan ko sayo." r-regalo? Y-yun yung galing kay Luke, "Itinago ko ang pagkakaroon mo nang amnesia, kasi hindi ko alam kung paano sasabihin sayo. A-anak, patawarin mo ako" (O__O) I was shocked nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko,
BINABASA MO ANG
The Lost Princess (Luke Hemmings FF)
RandomShe Love FAIRYTALES. She want a HAPPY ENDING. But, everything, is just a stupid DREAM.