A/N: Pagpasensyahan na. Eto lang kinaya ko. (-__-")
.
*THIRD PERSON'S POV*
.
Pagkababa nila France sa eroplano ay agad silang sumakay sa isang van na pagmamay-ari nang kanilang pamilya. May nakasunod na mga sasakyan sa likuran nila France upang masiguro ang kaligtasan nang kanilang PRINSESA.
.
Tumanaw ni France sa bintana at nakita na napakaliwanag nang mga kalsada. Napangiti siya dahil sa labas, nakikita niya ang mga tao na kahit madaling araw na, gising padin at talagang hinihintay nilang dumaan sa harapan ng kanya-kanya nilang mga bahay ang sinasakyan ni France. Ganyan nila kamahal ang Prinsesa.
.
"Welcome back, Princess Paris." banggit ni Sasha na hindi maikakaila ang bakas ng saya sa kanyang muka. Ganun din ang Mama Jean ni France, masaya para sa kanyang itinuring na anak.
.
Napangiti nanaman si France. Eto ang kaharian na balang araw ay pamumunuan niya. Ang JINX KINGDOM. At masayang-masaya siya dahil sa wakas, nakabalik na siya.
.
Ngunit ang mas lalong nagpalawak nang kanyang ngiti ay ang makita ang dalawang taong nakatayo sa harapan nang isang malaking pinto.
.
Ang kanyang mga magulang.
.
Magkahawak kamay at hinihintay siya.
.
Huminto ang sasakyan sa harapan ng palasyo.
.
Lumapit ang isang commander at binuksan ang pinto nang sasakyan.
.
Lumabas si Princess Paris France, at parang naging slow motion ang lahat.
.
Unti-unting humakbang paakyat nang hagdan si Princess Paris, kasabay nito ang pagtulo ng luha nang bawat matang nakakasaksi sa pangyayari. LAHAT sila, hindi maiwasang maluha. Ang mga katulong na naging malapit sa mabait na Prinsesa. Ang mga gwardiya nang palasyo, na laging hinihila ni France upang makipag-laro. Si Buttler Chang, na laging nagbubuhat kay Princess Paris nung siya'y bata pa. At higit sa lahat, ang kanyang mga magulang na lubos na mahal siya, at nangulila sa loob ng limang taon.
.
"M-mommy.... D-daddy..." pagkasabing-pagkasabi niya nun, tumalon siya upang yakapin ang kanyang mga magulang.
.
"Paris, mahal kong anak. *cries* akala ko h-hindi n-na tayo m-magkikita.." sambit ng kanyang ina.
.
"Prinsesa ko, *cries* S-salamat, n-nabuhay k-ka.." sambit nang kanyang ama.
.
"N-namiss k-ko po k-kayo. *ajuju*" sabi naman ni Princess Paris. "P-pero... n-nagugutom na p-po a-ako, *sniffs*" nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ng Prinsesa.
.
"Kahit kailan, hindi ka padin nagbago, mahal na Prinsesa." masayang sabi ni Buttler Chang.
.
"Mr. Chang!" sigaw niya at niyakap ito. Napangiti ang matanda dahil dito.
.
"Welcome back, Your Highness.." sabi naman ng mga katulong.
.
"Waaah! NAMISS KO KAYO! Tara dito!" lumapit naman sila sa Prinsesa at agad nila itong niyakap. Napailing at napatawa nalang ang lahat.
.
"UWAAAH! IMISSYOU FRIEEEEEND!" biglang sigaw ni----- Sasha. (-__-)
.
Tumalon siya at niyakap si Princess Paris.
.
Walangyang Sasha. Akala mong limang taon silang hindi nagkita. (/__-)
.
"Ah? Sasha? Bakit ka yumayakap?" nagtatakang tanong nang Prinsesa,
.
"Nakiki-uso lang Friend! (^__^)" sagot naman niya.
.
*facepalm* SILANG LAHAT
.
Masaya silang pumasok sa loob nang kaharian. Umupo na sila sa hapag kainan, pero dahil mabait ang Prinsesa, tinawag niya ang lahat ng katulong upang sumabay sa kanya. Imagine niyo nalang kung gano karami ang katulong ng isang malaking palasyo. Hindi nagreklamo ang hari at reyna, dahil noon palang, ganyan na si Princess Paris sa mga tao. Mabait.
.
*meeeooww*
.
Napatingin ang Prinsesa sa kanyang paanan at....
.
"PINKYYYYYYYYY!!!!" binuhat niya ang kanyang pusa na kulay pink saka hinalik halikan. Di niyo masisisi, long time no see sila nang pusa niya. (-__-)
.
Sobrang saya nang lahat.
.
"Mahal na Hari, Mahal na Reyna. Maaari ko po ba kayong makausap?" nakayukong tanong ni Ms. Jean. Tumango ang mag-asawa at saka sila nagpuntang tatlo sa isa pang table na malayo sa dinning area. Nagpaliwanag na siya at nag-sorry sa lahat ng nagawa niya. Umiyak pa ito at lumuhod sa harapan nang Hari at Reyna. Pero, likas na ata ang pagiging mabait nila. Kaya kahit masakit, naintindihan nila ang nangyari. Sinabi pa ni Ms. Jean na para makabawi, hindi na siya manggugulo at babalik nalang sa Pilipinas.
.
"Dito sa aming kaharian, bukas kami sa mga taong nangangailangan. Hindi mo kailangang umalis upang makabawi. Dahil ang pag-alaga at pagbuhay mo sa aming anak ay ang pinakamalaking sakripisyo na natanggap namin mula sa isang taong kagaya mo." sabi nang Reyna sakanya. Dahil dito, napangiti si Ms. Jean.
.
"Ang sabi mo wala kanang pamilya? Bakit hindi ka magsimula dito at ituring kaming pamilya?" nakangiting dugtong ng Hari. Napangiti na siya sa sobrang saya na kanyang nararamdaman.
.
Habang sa isang sulok nang palasyo...
.
"Your Back." sambit nang isang babaeng nasa edad 30 pataas habang nakatitig kay Paris na tumatawa kasama ang kanyang mga kaibigan.
.
"Nakaligtas ka. Sa susunod, hindi na." dugtong niya at tuluyan nang umalis ng palasyo.
.
-----
A/N: Hala ka? Sino ang echos na yan. Lagoooot.
Anyway. Keep on supporting! Atsaka keep on voting! Kinikilig ako sa mga comments niyo. (^__^)
-Strawbelle
BINABASA MO ANG
The Lost Princess (Luke Hemmings FF)
RandomShe Love FAIRYTALES. She want a HAPPY ENDING. But, everything, is just a stupid DREAM.