Prologue
Larah Praise
"Daddy, diba po pag nag-wish ka sa dandelions matutupad yung wish mo?"
Umuulan ng napakalakas. Nakalagay ang dalawang palad ko sa magkabilang tenga ko habang nakapikit ng mariin kasabay ng pagkulog at pagkidlat. Rinig na rinig ko parin ang pagaspas ng hangin kaya yumakap ako sa Daddy ko.
"That's true, baby."
Iminulat ko ang mga mata ko at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Para bang nawala ang lahat ng takot ko sa madagundong na kulog at kidlat dahil sa isinagot ni Daddy. Hindi niya ako binigo, totoo ang mga dandelions na ikinikwento niya sakin.
"It's bed time, Sweetie. Go to sleep. Tapos na ang bagyo. Tomorrow is your day, aren't you excited?"
Hinalikan niya ako sa noo at kinumutan. Pero bago siya tuluyang makalabas ng kwarto ko, humabol pa ako ng isang katanungan.
"Dad! One last question please. Is there any dandelion here in the Philippines?"
He smiled and said, "They are rare in tropical areas, but yes there are."
—-
"Happy seventh birthday, Larah! Good morning!" Nagising ako sa ingay ng torotot at sigaw ni Daddy. It's my birthday. But I'm not excited unlike other usual birthday celebrants.
Nagpunas ako ng mga mata at sinalubong sa pinto ang daddy ko. May dala-dala siyang kahon na may magandang balot at malaking ribbon. Kinuha ko ito at binuksan. Dyaraaan! Isang nagniningning na story book na may title na "Wish". Niyakap ko si Daddy at nag-thank you.
"Magbihis ka na, baby. Your party is waiting."
I look like a princess. Dressed in a pink long gown with a tiara embellished with rhinestones in my head. My cake was layered in three and has a "Happy 7th Birthday Larah!" in it. There are balloons everywhere. There are two funny clowns doing some magic tricks while the other children are having fun licking their sweet lips because of candies. They look happy. Mukhang mas excited sila kesa sakin.
Nakihalubilo ako sa ibang mga bata, nakipag-kwentuhan at nakipaglaro. Pilit kong nililibang ang sarili ko sa mga makukulay at maiingay na bagay sa paligid ko.
Naglakad-lakad ako sa garden namin palayo sa mga kalaro ko. Iniwan ko ang party ko para makapag-isip. Seven na ako. It's been three years since I saw my mom leaving me in my 4th birthday party. Mula noon, hindi ko na siya nakita pa.
Napatingala ako sa langit. May rainbow. Napakaganda at para bang nagdadala ito ng pag-asa sa mga tao. Napakaliwanag ng paligid na para bang walang dumaang ulan kagabi. Biglang humangin ng malakas at isinayaw nito ang mahaba at itim na itim kong buhok. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin sa mukha ko nang bigla akong nakakita ng lumilipad na himulmol ng dandelion.
This is my chance. Hinabol ko ang dandelion at pilit inabot ito habang lumilipad. Tumalon-talon ako pero hindi ko talaga makuha. Hey, it's my birthday! Can you please give yourself as a gift to me? Halika dito! Ugh! Oh, c'mon! Nang malapit ko nang makuha at maabot ang dandelion, may bumangga saking batang lalaki kaya napa-upo kami pareho sa damuhan. Naka-t-shirt siya ng blue. Maputi. Mga kasing-edad ko. At parang bisita ko siya sa party ko.
"Ouch! You, pesky boy!"
"I'm sorry, okay? I just want to give you this. I think it's yours?" tanong niya sakin habang nagpa-pagpag at iniaabot sakin ang tiara na kanina lang ay suot ko. Nahulog siguro nung humangin ng malakas.
Hindi ko siya pinansin at tumingin ako sa nakatiklop kong palad. Hoping that I catch the dandelion. Dahan-dahan kong ibinukas ang kamay ko. Nanlumo ako ng walang dandelion ang nagpakita sakin. Sa sobrang inis ko, sinugod ko ang batang lalaking dahilan ng lahat ng ito. Kinuha ko ang tiara ko mula sa kamay niya at saka ko ito pinutol tapos kinagat ko siya ng may panggigigil.
"Aray! Hoy ano ba?! Masakit!" Halos naiiyak na sabi niya habang hawak-hawak ang parte ng braso niya na kinagat ko ng sobrang diin.
"You ruined everything! Hindi tuloy ako nakapag-wish! You didn't give me the chance to catch the very first dandelion I saw! Ugh! My wish—It's gone!"
"Dandelion? Walang dandelion dito sa Pilipinas, batang may birthday." Meron! I just saw one!
"My name's Larah! Sino ka ba? Ba't ka invited sa party ko e hindi naman kita kilala?"
"Ako si Luke. Bago niyong kapit-bahay. Your dad invited me, so pumunta ako. Bakit bawal ba? Kakalipat lang namin dito sa Yellowstone Village tapos kinagat mo na agad ako. In fact, masakit."
"Kasalanan mo!" pabalang na sagot ko sa kanya at umirap.
"I'm just trying to give back your tiara. Besides, it's only a... dandelion? O baka damong ligaw lang yun."
"It's not just a dandelion!" Nakakaasar ang batang ito. Bagong lipat lang pala iniinis na ako.
"Birthday mo naman eh. You can have a birthday wish, instead."
"I don't believe in birthday wishes. I hate birthdays. I hate parties." Hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Iniwan ko nalang siya at nagsimulang maglakad patungo sa langit. De joke lang. Patungo sa children's park malapit lang dito sa bahay namin. I just turned seven, hindi naman na siguro ako mawawala o maliligaw 'no?
Umupo ako sa swing at yumuko. I miss my Mommy. I started to cry. Tutal wala namang makakakita sakin dito.
Nagulat ako ng may nagsalita sa tabi ko, "Are you crying?" Rinig kong sabi ng batang lalaki na kanina lang ay kinagat ko, si Luke.
"Bakit mo ako sinundan?" Tanong ko rin sa kanya.
"Ikaw ang tinatanong ko tapos sasagutin mo ako ng tanong rin?" Inis na sabi niya kaya napilitan akong sabihin ang naramdaman ko.
"Fourth birthday ko noon nung umalis si Mommy at iniwan niya ako kay Daddy. Umalis siya nung mismong party ko dala-dala ang isang malaking bag. She just said, "Happy birthday, Larah!" and then she just leave. Wala man lang regalo o kahit kiss man lang galing sa kanya. Until this day, wala na. Ayoko na ng parties." Umiiyak na kwento ko kay Luke habang inaalala ang lahat ng memories namin ng Mommy ko. Parang gumaan ang loob ko kahit naiinis ako sa nangyari kanina.
He hugged me and said, "'Wag ka nang umiyak. Hayaan mo, ihahanap nalang kita ng bagong dandelion. Yung marami tapos may tangkay pa para ikaw mismo ang umihip."
"Eh paano ka naman hahanap nun? They are rare—"
"—but they do exist."
BINABASA MO ANG
Dandelions
Romance"Isang araw, nakakita ako ng himulmol ng dandelions na lumilipad kasabay ng hangin. Hinabol ko ito at pilit na inaabot ngunit ng malapit ko na itong makuha, bumangga ako sa isang batang lalaking naging dahilan para hindi ko makuha ang pinaka-mimithi...