Chapter 5

91 9 3
                                    

Chapter 5

Larah Praise

Isang linggo na mula nung umuwi kami after the camp. Nakaka-trauma ang camp na yun, first time na first time namin ni Jam sa TNW tapos ganun pa yung nangyari.

Galit parin ako sa kanya. As in galit na galit talaga. Halos umusok na nga ang mga butas ng ilong ko, pati tenga at mata ko pwede naring umusok. Akalain niyo yun, sa isang linggo na yun, ngayon lang niya ako pinuntahan para makipag-usap? Isang linggo, for Pete’s sake! He’s my bestfriend but he didn’t do anything to win back my sympathy! Ugh!

Nakakalungkot lang kasi eh. Siya na naman ang dahilan kung bakit hindi ako nakapag-wish sa dandelion. Sinuntok niya si Mori ng walang dahilan. Tapos in one week, wala siyang ginawa. Nakikipag-matigasan siya? Kainin niya pride niya, baka mabusog pa siya!

Nakaka-sama ng loob! Ang rami niyang kasalanan na mas nagpapa-init ng ulo ko!

“Larah, wala ka bang balak kausapin si Luke?” Tawag pansin sakin ni Kashina.

Kanina pa kasi sila dito sa kwarto ko. Magso-sorry daw si Jam e wala namang ginagawa. Nakaka-peste. Kapal ng mukha pumunta dito, sarap sipain pabalik ng bintana niya.

“Don’t talk to me, I’m busy.” Pagtataray ko.

“Larah—”

“I said I’m busy.”

Sa sobrang pagtataboy ko kay Kashina, umupo nalang siya sa couch katabi si Jam. Wala yatang balak umuwi si Jam kahit gabi na. Well, pakialam ko ba? Kaya lang kasi… nandito sila sa kwarto ko. Inaangkin nila ang bawat space ng silid ko. Hay. Hindi ako makaka-tulog hangga’t narito sila pareho dahil ang iingay nila. Alam mo yun, close sila eh. Parang hindi sila nauubusan ng kwento sa isa’t-isa, may bulungan effect pa. Nakakaasar!

Napansin kong lumapit si Jam sa mga DVD piles ko na nasa baba ng TV at nag-salang siya ng isang pelikula. Ano namang papanuorin niyan eh napanood na namin pareho ang lahat ng movies na makikita mo sa silid na’to? Nakita ko naman si Kashina na isinuot ang earphones niya at hawak ang Ipod niya. Sige, mag-kampihan kayo. Ipakita niyo sa akin na ako ang mali, tutal, lagi naman eh.

Umupo ako sa study table ko at naglabas ng canvas at oil pastels. Pumikit ako ng mariin at unti-unti kong inalala at inisip ang hitsura ng dandelion na nakita ko sa Mount Sembrano. Habang napi-picture out ko yung dandelion, ipinipinta ko ito sa canvas. Nang matapos ko na, inilagay ko ito sa tabi ng bulletin board at isinabit. Meron kasi akong vision board dito sa loob ng kwarto ko na puro dandelions lang naman ang nakadikit. Punung-puno ito ng mga sketch, painting at drawing ng mga dandelions sa iba’t-ibang size, itsura at angle. Siguro, ito na talga ang buhay ko. Ito lang gusto kong gawin. Dandelions nalang ang tanging makakapag-pasaya sa akin.

Mag-aalas-dose na ng hatinggabi at inaantok na ako. Kaya lang e, yung dalawang damuho dito, feeling sila ang may-ari ng kwarto ko. May kwarto naman si Kashina, sana doon nalang siya natulog. At meron din naman kaming guest room, pwede doon si Jam o kaya sana ay umuwi nalang siya. Tatalon lang naman siya sa bintana. Kaso hindi eh, si Kashina, ayun naka-handusay na sa kama ko freely. Si Jam naman naghihilik na sa may sofa at hawak parin ang remote. Naka-bukas parin ang DVD player at may nilalangam pang chichiriya. Jusko, ang mga taong ‘to.

Binuksan ko nalang ang laptop ko at nag-facebook. Online si Daddy. Onga pala, my father’s name is Cef Gaiman, he’s Fil-Am. Si Mommy naman, Sethiel Gaiman, pure Filipina.

Nag-message ako kay Daddy, telling him I wan’t to talk to him.

To: Cef Gaiman

Dad. Skype tayo.

From: Cef Gaiman

DandelionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon