Chapter 8

75 3 0
                                    

Chapter 8

Larah Praise

Anong pakulo na naman ito? Lagi nalang akong napagti-tripan ng pinsan ko. Nagmumukha na akong uto-uto. Pero kahit konti, natutuwa ako sa ginagawa namin.

"Tapos ito isuot mo para mukha ka na talagang prinsesa!" Sabi niya at isinuot sa ulo ko ang isang tiara. I remembered him. Si Jam. Dahil sa punyemas na tiara na'to kaya ko siya nakilala at naging bestfriend. Pero bakit ganito? Hindi naman masaya. Nakakalungkot.

"Why the sad face? Tara na! Punta tayo sa labas!" Excited niyang sabi at hinila ako. Hindi ako sumama syempre. Naka-long gown ako ng red na may kumikinang-kinang pa, may make-up ako, naka-tiara, naka-heels-anong gagawin namin sa labas at gabing-gabi na? Wala naman siguro siyang kalokohan naiisip noh? Well, kalokohan naman na ang mag-ganito kami kahit gabi na.

"Huy, ano ba! Baka pagtawanan tayo sa labas! Kita mong naka-ganito tayo oh!" Naka-gown rin kasi siya ng pink, pero hanggang tuhod lang. Tapos antaray ng nail art ng pinsan ko! May ribbon!

Hinila niya ako palabas kahit ano pang pagpipigil ko sa kanya. Ano bang meron? Saan kami pupunta?

"Saan tayo pupunta? Magpa-party?" Tanong ko.

"Oo! May party! Party nung isa sa mga mahal ko sa buhay!" Sagot naman niya at pinara ang isa sa mga sasakyan na dumaan. Mahal sa buhay? Baka bestfriend niya.

Sumakay kami doon sa sasakyan na ewan ko kung bakit ang weird weird niyang sasakyan. Kotse siya na kulay maroon tapos may mga nakadikit na pictures ng dandelion. Ginawang mosaic ang kotse? Yung totoo? Anong nangyayari?

"Kashina, saan tayo pupunta? Seryoso ako." Tanong ko sa kanya ng makasakay kami at naupo.

"Sa party nga sabi e. Seryoso din ako." Okay. Napaka-walang sense niyang kausap. Nahihiya ako sa hitsura namin, mukha kaming pakawala sa kaharian ng mga baliw at naka-korona-korona pa ako.

Nang makarating kami sa isang restaurant, nagtaka na talaga ako. Restaurant? Mukha namang ang tahimik dito e! Nasaan yung party?

"Kashina... sa-" Nasaan na yung bruhang iyon?! Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid at pilit na hinanap si Kash. Kaya lang e mukha na akong tanga dito dahil iniwan niya ako. Mabuti na lang talaga at walang tao. Walangyang pinsan iyon. Iwanan ba naman daw ako? Wala akong dalang cellphone. Wala akong dalang pera. So dito nalang ako forever?

Umupo ako sa may maliit na hagdan ng harap ng restaurant. May mga kumakain na iilang tao sa loob. And I can say na nagugutom na ako. Ugh! Thirty seconds na ata akong naka-upo dito. Ang sakit na ng pwet ko, ka-laki-laki naman kasi nitong suot kong gown. Kung pwede langh hubarin dito e. Sumandal ako sa may hawakan nung hagdan nang biglang may nahulog na pulang papel sa harap ko. Pinulot ko ito at binasa.

"A lucky party is waiting for you at the back of this resto." Sabi ng sulat in a type-written cursive form.

Nagdalawang-isip ako kung pupunta ba ako at susundin ang nakasulat dahil malay niyo naman, baka hindi pala ako invited sa party ng bestfriend ni Kash tapos pupunta ako, pahiya alert overload yun! Pero isasama ba ako ni Kashina kung hindi ako invited? Baka pwedeng magdala ng family or friend. Tapos sa sobrang excited ng pinsan ko iniwanan na niya ako dito. Bongga. Naglakad ako papuntang likod ng resto. Wow. Ang ganda naman ng garden nila, parang bawat bagay na nandito kumikislap sa sobrang ganda.

Naglakad ako ng mabagal at talagang ninamnam ang ganda ng lugar. Nawala nga yung gutom ko dahil sa mga nakikita ko e. Mga ilang segundo ang nakalipas, biglang namatay ang mga ilaw at sobrang dilim talaga. Wala akong makita. Dala ko sana yung phone ko nang may flashlight ako. Kashina kasi e! Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Baka kasi matapilok o madapa pa ako pag pinilit kong maglakad. So ano ng gagawin ko? Bakit ba kasi sumama-sama ako kay Kash. Ugh! Ayan tuloy!

DandelionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon