Chapter 4

88 12 1
                                    

Chapter 4

Larah Praise

After 8 hours ng biyahe, nilakad namin ang apat na kilometrong bundok. Nakaka-pagod pero at last, nandito na kami sa mismong spot ng pagtataniman namin ng mga puno. Three days kami dito at bukas pa ang tree planting activity namin kaya nagpatayo na kami ng mga tents. Hapon narin kasi at malapit nang magdilim.

Nang tuluyan nang balutin ng dilim ang kalangitan, gumawa kami ng apoy sa gitna na nagmistulang bonfire at umupo sa gilid palibot rito. Naka-upo kaming lahat at tumayo si Kuya Nexus para i-meeting kami. Dini-discuss na niya ang mga dapat naming gawin bukas para prepared ang lahat sa oras ng pagtatanim. Target kasi namin ang makapag-tanim ng 500 Mahogany and Narra trees hanggang sa paglubog ng araw. So, bale tigf-50 ang bawat isa sa amin. Kaya? Kayang-kaya!

“So, Larah and Luke, welcome to TNW family! Mabuhay kayong dalawa!” Ey. Ang corny.

Naglabas si Kuya Nexus ng green na papel, mukhang listahan yata. “The boys, Mori, Renard, Miyo, Luke and me, tayo ang bababa ng bundok para kunin ang mga halaman. Then, girls, Hanney, Lavinia, Gaile, Larah and Tara, kayo ang mag-aayos ng tools na gagamitin natin.”

Tumingin siya sa amin at tumango naman kami, tsaka siya nagpatuloy, “Kahit hindi pa tayo kumpleto, as long as may mga halaman nang naiakyat dito, girls, umpisahan niyo na ang magtanim. Remember, five hundred trees. Understand?”

Maaga kaming natulog dahil sa pagod at para may energy kami bukas. Well, akala ko lang pala dahil kinukuyog ako ng mga girl campmates ko dito. Hinatak kasi nila ako para makipag-kuwentuhan at ganun din si Jam sa side ng mga boys.

Kung kilatisin naman ako ng mga ito para akong drug lord sa paningin nila. Yun bang kulang nalang e hingian nila ako ng birth certificate.

“Eh si Luke, boyfriend mo?” Nagulat ako sa tanong ni Tara. Masyado naman sila mag-isip. Ang advanced.

“Naku, bestfriend o lang siya. Bakit may duda ba?”

Napansin kong parang disappointed si Hanney sa sagot ko, pero ngumiti parin siya, “Kasi girl, bagay kayo!”

“Bestfriend ko din si Renard dati, pero tignan mo ngayon, kami na.” Kinikilig na sabat naman ni Gaile.

Si Lavinia naman e naga-apply ng mosquito repellent. Halata naman na maalaga siya sa katawan, makinis at maputi eh. Kaya lang parang sobrang tahimik niya. Nakakatakot, baka maligno ang isang ito. Hehe! Joke lang po. Tumingin siya sa akin ng seryosong-seryoso at nginitian ko siya, pero itinuloy lang niya ang paglalagay ng lotion sa balat niya. Ni hindi man lang siya umimik.

Lumapit sa akin si Hanney at may ibinulong, “Kaka-break lang kasi nila ni Miyo. Dati rin silang mag-bestfriend kaya ganyan.”

Tumango lang ako at inisip ko nalang na siguro nanghihinayang si Lavinia sa nangyari. Bestfriend na kasi yun tapos naging couple. Masyadong kumplikadong level ng relationship. Sana huwag mangyari sa amin yan ni Jam. At sana rin, mas maging matatag pa sina Renard at Gaile. Mga kaibigan ko narin sila, at ayokong may nagkaka-sakitan sa amin. 

“Guys, tulog na tayo. Goodnight and sweet dreams!”

Bago ko tuluyang ipikit ang mga mata ko at tuluyang makatulog, may isang katotohanan ang pumasok sa utak ko.

Falling in love with your bestfriend is a big decision. ‘Pag hindi kayo nag-work as a couple, 99.9% hindi mo na maibabalik yung dating kayo. It’s like asking for a better relationship without knowing that you already have the very best relationship that the world can give. Para ka lang ni-regaluhan ng laptop, pero ipinagpalit mo sa cellphone. As simple as that.

DandelionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon