Epilogue

75 2 3
                                    

Epilogue

 

Larah Praise

"Saan ba tayo pupunta? Balak mo yata akong dalhin sa Antarctica e!" Inip na inip na sabi ko kay Jam habang inilalagay niya ang seatbelt ko. Ewan ko dito sa taong ito. Basta nalang ako niyayang sumama sa kanya. Mabuti nalang at pumayag sina Mommy at Daddy na lumayas ako ng bahay dahil dapat e magmo-movie marathon kami.

"Ang cheap naman ng Antarctica. Dadalhin kita sa isang paraiso." Naka-ngiting sagot niya sa akin at in-start na ang engine ng kotse. Sumandal ako sa upuan ko at naglabas ng sketch pad. Ayokong matulog habang nasa biyahe. Gusto ko gising ako hanggang sa makarating kami sa pupuntahan namin. Bago ako mag-sketch ay tinawagan ko muna si Mommy and I assure her that I will be alright.

"Just make sure na iuuwi ka niyan ng buhay kundi, ako na mismo ang babangga sa taong yan," natawa lang ako sa sinabi ni Mommy. Kahit kailan talaga.

"Ang harsh mo naman Mom! Haha! Don't you worry, I won't sleep while on the road," I told her and hang off.

"Sorry," said Jam suddenly.

"For what?"

"For what had happrn. Ayan tuloy, wala nang tiwala sa akin ang parents mo."

"Ah, iyon ba? Sino ba naman kasing hindi mawawalan ng tiwala sa taong nagpahamak sa anak nila, diba? But Mom's just kidding. Okay naman na ako so wala nang dapat problemahin pa. Besides, nakabalik na ako sa dati kong buhay kasama ang totoong bestfriend ko.

Tumahimik lang kami pareho at nag-umpisa na akong mag-sketch ng mga magagandang bagay na nakikita ko sa daan. Ano nang nangyari sa amin? Maraming nangyari bago naging maayos ang lahat. Pinag-awayan at pinag-agawan ako nina Mori at Jam. Kesyo sino daw ba talaga ang bestfriend ko. I thought kaya naging ganun katindi ang away nila is because dati pa man nagseselos na si Jam kay Mori.

Naguluhan ako. Yung parents ko muntik na akong pabalikin sa America dahil sa nangyaring gulo. I felt guilty for having a new bestfriend in States, who came to be Mori, while having someone left behind sa Pilipinas. I didn't know a bit about Jam back then. Hanggang sa nakita ko yung dandelion one rainy day at naalala ko ang lahat ng pinagsamahan namin. Nainis ako noong araw na iyon eh. Nakakita ako ng dandelion pero hindi na namana ko nakapag-wish, at dahil ulit yun kay Jam! Kasi naalala ko siya e, ayan tuloy!

But everything's fine now. Mori understand me na I have to be with Jam kasi siya naman na talaga yung nauna. Si Jam yung totoong bestfriend ko. Sabi ko nalang sa kanya na bestfriend ko parin naman siya, especially pag nagbabakasyon ako sa America tapos tuwing magkikita kami.

It's hard having two male bestfriend na gagawin ang lahat maangkin ka lang. They are both cool and bestfriend material. Unfair man sabihin pero napagtanto kong mahal ko si Jam gaya ng pagmamahal niya sa akin. I already found my emptiness. Nakumpleto ako noong bumalik kami sa dati.

"We're here, Larah."

"Anong oras na," tanong ko. Shet. Lagot ako kay Mommy, nakatulog ako sa daan. Oh, well, wala namang maling nangyari e. Okay lang naman siguro yun.

"It's lunch already, wake up and eat."

Kumain kami sa may labas ng kotse at napaka-ganda ng paligid. Para kaming nasa bundok tapos ang daming ligaw na damo na kung titignan mo ay parang hindi naman damo. Sobrang ganda dito. Tanaw na tanaw ko yung baba at talagang mapapa-nganga ka sa sobrang galing ni Lord. God is awesome. He created this scenery? Wow.

Pagkatapos namin kumain, napansin ko na parang nawala si Jam sa likuran ko. Where is he? Hinanap ko siya sa paligid and no sig of him. Habang papasok ako sa loob ng kotse para kumuha ng tubig ay may naapakan akong malinis na transparent na bote na may lamang naka-rolyong berdeng papel sa loob. Kinuha ko ito at binuksan.

DandelionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon