Chapter 7
Larah Praise
"To my dearest baby Larah,
First of all, I want to apologize dor not being a father to you. I know that saying sorry isn't enough but I want you to know that I love you so much. I don't deserve to have a dad to an understanding, kind and open-minded daughter like you. You don't deserve me as your Daddy. I don't deserve to be a father.
It was a great mistake that I left you alone... I am a big failure. It was just... okay. I'll tell you. Eversince I married your Mom, problems and hindrances are coming on the way. We don't even love each other at first that's why she left us exactly on your fourth birthday. But please, Larah, believe me, your mother loves you. It was too late when I realized the spark so I followed her on states and entrusted you to the Tamondong family. I'm afraid of doing it, but still, I trust them and I didn't regret it, am I?
As a father, it hurts knowing that your daughter is facing challenges and problems and I'm not there to court you. It hurts knowing that you miss me and you think that I never loved you. But a real father will do everything fo his child. And to be a real father, I'll come back home... we will... I promised.
Love,
Dad"
Isinara at ibinalik ko sa sobre ang sulat na galing sa daddy ko. Naabutan ko kasi sa mailbox kanina pagka-uwi galing sa salon, nagpagupit na ako ng buhok-Dora style na walang bangs. Pinunasan ko ang ilang patak ng luha mula sa mga mata ko. I miss my dad, but I am not going to believe in broken promises...again. Ang sakit eh. Nakaka-durog ng puso yung mga ginawa nila sakin ng nanay ko. Kaya siguro ganito nalang kabigat yung nararamdaman ko. Kasi walang tumtulong sakin eh. Wala akong superhero na tutulong sakin para bawasan yung sakit na nararamdaman ko. Kaya pala ganito...kasi may kulang.
Tama lang pala na nagpa-gupit ako. Diba nasabi ko na dati na nakabase sa emotions ko yung hairstyle ko? Ngayon ko nalaman na hindi lang pala ito dahil sa nangyari sa amin ni Jam...pati rin pala sa amin ng tatay ko. Bakit ba hindi pwedeng maging bato nalang yung puso ko? Sana manhid nalang ako. Para hindi ko maramdaman ang lahat. Para sana kahit papano, kaya kong magpanggap na okay ako...na masaya ako. Kaso, hindi eh. Totoo ako sa sarili ko.
"Waaaaaaaaaaaaahh! Bakit ka nagpagupit teh?! Ang pangit mo!!!" Si Kashina po yan. Napaka-straight forward na pinsan noh? Hindi man lang naisipang bolahin ako.
"Emotions teh. Bagong buhay." Sagot ko naman at dumiretso papunta sa kusina ng lukot ang mukha.
"Ang drama mo naman. E kung kausapin mo na kaya si Luke? Edi sana maganda ka parin hanggang ngayon."
"Maganda na talaga ako kahit kalbo pa ako sa paningin mo."
Hindi naman sa gusto kong patayin tong pinsan ko e noh? Pwede pahirit ng isang batok?
PAK!
"Argh! Larah naman e!"
"Bungol ka kasi!"
Ang sweet namin noh? Oo. Sweet nga kami. Ganito kami mag-lambingan ng pinsan ko. Ang saya diba? Ang sarap sa pakiramdam na kaya kong maging masaya kahit na ang totoo e basag na basag na ako. Durog na durog na ako.
"Bakit ka nagpa-gupit?" Nagulat ako sa seryosong pananalita ni...si Jam. Nandito na pala siya sa loob ng bahay, hindi ko pa alam. Kung holdaper o magnanakaw lang siya, malamang napatay na niya ako sa sobrang unobservant ko.
Napa-tulala lang ako sa sinabi niya. Suddenly, I felt guilty. Ang buhok ko kasi ang nagsisilbing "symbol" ng friendship namin. Pag nagpagupit ako, ibig sabihin galit na talaga ako sa kanya at putol narin ang pagkakaibigan namin. Nung sinabi niya sa akin iyon, tingin ko biruan lang ang lahat. I took what he said that time as a joke. Isipin mo naman, saan ka makakakita nang taong mag-bestfriend tapos ang basehan lang ay ang buhok ko? Psh. Kalokohan.

BINABASA MO ANG
Dandelions
Romance"Isang araw, nakakita ako ng himulmol ng dandelions na lumilipad kasabay ng hangin. Hinabol ko ito at pilit na inaabot ngunit ng malapit ko na itong makuha, bumangga ako sa isang batang lalaking naging dahilan para hindi ko makuha ang pinaka-mimithi...