Chapter 6

62 11 1
                                    

Chapter 6

Larah Praise

"Bakit ka nandito?" Masungit na pagtatanong ko kay Jam. Ang tanga ko kasi eh, nakalimutan kong i-lock yung bintana ko. Nasanay na kasi akong lagi iyong naka-bukas.

"Magpapatulong lang sana." Kaswal na sagot niya. Obvious naman eh, may dala-dala siyang makapal na sketch pad at mga gamit pang-kulay. Doon palang alam ko na na panahon na para isalba ko rin ang grades niya sa Art class.

I knew it. Kung gaano ako ka-palpak sa Filipino, ganun din ka-sablay si Jam sa arts. Ako ang tagapagpa-taas ng grades niya sa Arts at ganun din naman siya sa Filipino ko.

"Topic?" tanong ko nang hindi siya tinitignan at kinuha ang sketch pad.

"Frienship." P*ny*ta. Nang-aasar ba siya? I-friendship ko mukha niya. Sa dinami-dami ba naman, yun pa?!

Na-drawing nalang ako ng tahimik at nagkulay. Nang matapos ko na ang pinagagawa niya, ni-lock ko na ang bintana ko at sinabing, "Sa harap ka nalang dumaan."

Iaabot ko palang sana pabalik sa kanya ang sketch pad niya ng may narinig akong sigaw, "Aaaaaahhh! Zombie!!!!!"

Wait. Si Kash yun ah. Tili pa lang niya kabisado ko na. Ano namang problema ng babaitang iyon?

"AAAAAHH!" Palakas ng palakas ang tili niya at bigla siyang pumasok sa kuwarto ko. Para siyang natatawa na takot na takot na ewan at bigla niya akong itinulak.

Natumba ako sa impact ng pagtulak ni Kashina sa akin at nakita ko nalang ang sarili kong nakapatong sa bestfriend ko... magkadikit ang mga labi at... nanlalaki ang mga mata...

Agad akong tumayo at hinarap si Kashina. Hindi ko pinansin ang nangyari at ganun din naman yata si Jam. Lumabas nalang siya ng kwarto ko at nagpasalamat. Shet! Ano iyon?! Walangya ka, Kashina Marie!!! Mabuti nalang at busy siya sa pag-sigaw kaya hindi niya nakita iyong nangyari.

"Sino ba yang kahabulan mo, sigaw ka ng sigaw!"

Ano ba ito? Para akong kinakabahan na hindi maka-hinga. Naninikip ang dibdib ko dahil sa nangyari at pakiramdam ko tumigil sa pagtibok ang puso ko.

"Kyaaaah! May zombie sa baba!"

Zombie? Kelan pa nagka-zombie sa bahay na ito? Bumaba ako para tignan ang sinasabi niyang zombie. Pero pagbaba ko sa sala, ang kauna-unahang bagay na ginawa ko ay ang batukan si Kashina. Sira eh. Pinaglolo-loko niya ako. "Kalog! Si Gaile yan! Kaibigan ko." Nag-peace sign lang ang pinsan ko at tatawa-tawa pa bago pumanhik sa taas. Ang kulit niya talaga!

"O Gaile, bakit mukha ka yatang zombie ngayon?" Hehe. Aaminin ko na, mukha nga talaga siyang zombie dahil nangingitim ang ilalim ng mga mata niya at ang lulusog ng mga eye bags niya. Para siyang namatayan ng daga at umiyak ng one week-straight.

"H-hi, L-larah... n-nakaka-istorbo ba ako?" Bati niya.

"Hindi naman. Mukha yatang may problema ka?"

"N-ag-break kasi kami ni R-renard..." Oh? Straight to the point? Wala man lang paligo-ligoy pasakalye effect? Nakakabigla naman yung pambungad na yun. Hay. Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Maiinlove-inlove sa bestfriend tapos pag nag-hiwalay nga-nga. Asus. Paano yan ngayon? Ipahigop ko sa kalawakan ang mga male bestfriend para walang inlove-an, ganun?

"Ah, teka lang. magpapalit lang ako ng damit, ha?" Pagpapaalam ko at umakyat ulit sa taas. May plano ako. *gorgeous smile*

Pinuntahan ko si Kashina sa kwarto niya para sana magpaalam na aalis ako kaya lang e tulog siya. Tignan mo'to, kakaakyat lang tulog agad. Gigisingin ko ba siya o hindi? Ay alam ko na. nag-iwan ako ng note sa tabi ng alarm clock niya tsaka lumabas ng kwarto niya. Matino akong tao noh, saan ka ba naman makakakita ng taong mag-iiwan ng note sa banyo? Si Kashina lang yun!

"Gaile, okay lang ba kung umuwi muna tayo sa inyo?"

"Bakit? Teka, andami mo naman atang dala? Saan ba tayo pupunta?" Sunod-sunod na tanong niya.

"Ipagpapaalam kita sa parents mo. Mgre-refresh tayo sa Refresh Land!"

Umuwi nga muna kami ni Gaile sa bahay nila para ipagpaalm siya sa half kalokohan half kaweirduhan na anaisip ko at para kumuha narin siya ng ilang gamit. Papagaanin ko ang loob niya, atleast man lang makatulong ako sa bigat ng dinadala niya. Kaibigan ko siya, dapat lang na mag-karamay kami sa kahit na anong problema, kahit na ang totoo e, pati ako problemado.

---

"Wow! How did you know this place? It's fantastic!" Tuwang-tuwang bulalas ni Gaile pag-landing ng eroplano habang naka-dungaw sa bintana. Dito palang kasi ay kitang-kita mo na ang view ng buong lugar.

"My dad brought me here years ago." Sagot ko naman at naka-ngiting umikot-ikot habang naglalakad kami pababa ng plane.

Nadito kami sa Jelly Island. Dinala ko siya sa lugar na tinatawag kong Refresh Land at dito nga iyon. Una akong nakapunta dito nung umalis si Mommy at nag-refresh kami ni Dad para makapag-simula ulit. Tahimik dito, maganda ang lugar, sariwa ang hangin at makakapag-isip ka t alaga ng mabuti lalo na kung lapitin ka ng problema.

Hinila ko na siya papunta sa terminal ng bus para makapag-biyahe patung sa sentro ng Jelly Island. Siguro aabutin din ng mga two hours yun at makakarating kami ng three o'clock ng hapon.

"You said you first came here when you were five years old. Then why you still remember this place?" Tanong ni Gaile nang mag-umpisa nang umandar ang bus.

"I researched about it. May plano na kasi akong pumunta rito next week. Napa-aga lang dahil...alam mo na...yung nangyari sa iyo. I want to share this refreshing Refresh Land to you." Hindi man sinasadya ay parang pinaalala ko kay Gaile ang break-up nila ni Renard. Lumukot ang mukha niya at automatically ay niyakap ko siya. Nakaka-lungkot ang kinahinatnan nila ni Renard, pero wala akong magagawa at wala rin akong pwedeng sisihin sa sakit na nararamdam ng kaibigan ko.

Actually, I already heard the side of Renard. Nakausap ko na siya bago pa ako puntahan ni Gaile sa bahay. Wala akong ideya kung bakit ako ang taong nilapitan nang lalaking yun. Nandiyan naman yung mga taong mas ka-close niya. Nandiyan si Hana, si Lavinia o kaya si Miyo at Jam. Siguro, it's because all of them suffered a lot already. Ako nalang ang natatanging, sa tingin niya, ay ang kaibigang matatag at wais. Dahil siguro hindi ko minahal ang bestfriend ko sa paraang inaasahan nila? Hindi ko alam.

Nang makarating kami sa dalampasigan, kasi nga isla ito, tahimik kaming umupo ni Gaile sa mga limestone rocks at pinapanood ang bawat hampas ng alon kasabay ng pagaspas ng hangin. Hapon na at papa-lubog na ang haring araw. Nakatitig lang kami pareho sa maputlang langit na malapit nang balutin ng dilim...malalim na nag-iisip.

Naalala ko si Jam, ang bestfriend ko.

I can feel it. A love that is full of regrets. A love that I know, is more than a bestfriend. I thought, what should I do? Do I need to entertain his feelings for me, or I must accept that we are destined to remain best of friends?

May naisip ako.

Kumuha ako ng dalawang bote ng wine galing sa resort na tinutuluyan namin tsaka bumalik sa kinaroroonan ni Gaile. Umupo ako ulit doon sa parteng binakante ko kanina at inabutan si Gaile ng isang malinis na coupon bond at ballpen. Sana makatulong ito sa kanya... pati narin sakin.

Nagsulat kami ng mga bagay na hindi namin kayang sabihin sa iba. Para bang ang papel ang naging sandalan namin pareho. Nang matapos kaming magsulat, sabay naming itinapon pahagis ang mga bote na may lamang halo-halong emosyon. Sa sulat na kaakibat ng mga boteng iyon, sana sumagot ang dagat sa bawat katanungan na gumugulo sa utak ko...

"Gaile, ano nang plano mo pagbalik natin sa Manila?" Baling ko sa kaibigan ko.

Ngumiti siya at hinawi ang lumilipad niyang buhok saka sumagot, "Pipilitin kong ibalik ang lahat sa dati. Hindi madali, pero alam kong kaya ko..."

"Good."... sana ako rin.

DandelionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon