Chapter 1

124 12 2
                                    

Chapter 1

Larah Praise

8 years later…

“Larah! Bangon na! Magsisimba tayo diba?”

“Inaantok pa ako! Mamaya nalang—Jam, ano ba! ‘Wag mo nga kalabugin yang pinto ko, amg ingay! Hindi ako makatulog!” Sigaw ko pabalik sa bestfriend kong si Luke Jamil habang nagkakamot ng leeg. Oo nga, tama. Ang batang lalaking kinagat ko noon ay matalik na kaibian ko na ngayon. Jam ang tawag ko sa kanya bilang pang-asar. Ayaw niya kasi sa pangalan niyang Jamil, masyado daw matamis, ang bakla pakinggan. Pero sa tingin ko naman ay nakasanayan narin niya. Aba, sa umpisa kaya halos i-sumo wrestling niya ako sa sobrang pikon niya. Syempre, papatalo ba naman ako?

Nakarinig ako ng click mula sa may pintuan at alam kong nauto at nabola na naman niya si Kashina para hiramin ang duplicate key ng kwarto ko.

Niyugyog niya ako at pilit na ginigising pero nag-false snore lang ako, “Larah naman eh! May usapan tayo diba? Gising na kasi!”

“Hhhhmmn… mamaya na!” Aga-aga pa eh!

“Ano ba! Kailangan nating abutan ang first mass! Huy, tsaka bat mo ba ni-lock yung bintana mo? Hindi tuloy ko makapasok!” Hinila niya ang mabulaklak na kumot na bumabalot sakin pero dumapa lang ako at ibinaon ang mukha sa unan ko.

“Larah Praise!” Ano ba yan! Sumigaw siya gamit ang megaphone at talagang itinapat pa niya sa tenga ko! OO! MAY DALA SIYANG MEGAPHONE! Ready talaga ang bestfriend ko.

“You’re always ruining my dreams!” Sigaw ko bigla at binato siya ng unan! Eto ang sayo! Hinampas rin niya ako at biglang kiniliti.

“HAHAHA! TAMA NA! Ahahaha… a-ayoko na! HAHA STOP!”

“Magtagalog ka nga! You’re not a seven-year-old anymore! Eto pa!”

“Hoho, HAHAHA! Stop! Maliligo na ako!”

Tumigil siya sa pagkiliti sakin at tumayo na ako ng kama para maligo. Narinig ko pa siyang nagsalita bago ako tuluyang makapasok ng banyo, “Good,” sabi niya.

Hay. It’s been eight years. Eight years of having a bestfriend like him. Hindi nga ako makapaniwala eh. Yung asungot na taong sumira sa dandelion wish ko ay bestfriend ko na ngayon.

Si Daddy nga pala ay nasa New Zealand na. Ewan ko sa mga magulang ko, lagi nalang akong iniiwan. Mga magulang pa ba ang tawag sa kanila? After kasi nung party ko nung seven ako, iniwan niya ako sa pangangalaga ng Tamondong family, na bagong kapit-bahay lang namin noon. Mas lalo tuloy akong naasar sa birthday ko. Hindi ba niya naisip na, paano kaya kung mga werewolves pala ang pamilya nila Jam? Edi patay na ako, wala na siyang anak. Tsk. Tapos iiwanan na nga niya ako, yung araw pa na kinamumuhian ko.

Kaya rin kami naging close ni Jam eh, dahil yung mga bahay namin magkatabi lang. Pero dati talaga, halos isumpa namin ang isa’t-isa. Sabi niya, “Bakit kasi samin ka iniwan ng Daddy mo?!” at sasagot naman ako ng, “Bakit sa inyo ako iniwan ng Daddy ko?! Bakit, ginusto ko ba?!”. Paano kasi, ang yabang niya. Tapos ang sungit ko daw. Pero nung nagtagal, naging okay din naman. Idagdag pa na yung bintana ng kwarto ko, ‘pag binuksan mo, bintana ng kwarto niya ang katapat kaya everytime na tinotopak siya, pwedeng-pwede siyang tumalon papuntang bahay namin. At dahil mabait akong bestfriend, ni-lock ko yung bintana ko kagabi dahil alam kong maaga niya akong bubulabugin ngayon. O diba? Sunday kasi eh, bestfriends’ day out namin ngayon.

Naku, eto na naman sa morning rituals portion. Parang… ayaw ko ata maligo. Hehe! Kasi naman, nababagabag ang kailaliman ng utak ko sa pag-iisip ng mga bagay-bagay. Pakiramdam ko kasi nagiging pabigat na ako kina Tita Ersena at Tito Braux, parents ni Jam na kinikilala ko narin bilang mga magulang ko. They are like my family. They always check on me, making sure I eat well and look fine. Mabuti silang tao, lalo na sa side ko na completely naiwanan na talaga, but can you blame me if sometimes I feel awkward? Aaaaargh! Kasumpa-sumpa talaga ang kaarawan ko! Pero… maswerte parin naman ako dahil kasama ko si Kashina, ang aking one and only long lost cousin na nakilala ko lang 3 years ago. Nag-click kami agad dahil magka-edad naman kami at gaya ko, wala rin ang parents niya dito. Nakakatuwa lang na mas pinili niya ako kesa ang mga magulang niyang araw-araw nag-aaway. Maybe, we’re not both lucky in having a complete and perfect family, but we’re very lucky to have each other. Tsaka nandiyan si Jam, masasabi kong napaka-suwerte ko na talaga.

DandelionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon