Chapter 2
Larah Praise
Nandito kami ni Kashina sa kwarto ko. Habang ako e nagkakamot ng ulo at namomroblema sa Filipino assignment ko, siya naman ay pabalik-balik ng lakad na parang baboy na di maanak. Nahihilo na ako sa kanya, mas lalong sumasakit ang ulo ko.
"Ano bang problema mo, Kash?" Tanong ko nang naka-simangot. Hindi ko na talaga napigilan, dumudugo na ang utak ko sa essay na 'to tapos ang gulo-gulo pa niya!
"Eh ikaw, ba't ka naka-simangot?" Balik tanong niya habang palakad-lakad parin.
Ano ba ito. Napatapik ako ng noo dahil sa sakit ng ulo at si Kashina naman ay biglang umupo sa tabi ko. Tapos sabay kaming tumayo ulit at pumunta sa may bintana ng kwarto ko. Sabay kaming sumigaw ng, "Luuuuuuuuke!" "Jaaaaaaaaam!".
Biglang bumukas naman ang bintana sa kabilang bahay at agad naman kaming gumilid ni Kashina para makatalon si Jam papuntang bahay namin. Naka-tshirt siya ng pure black V-neck at naka-pantalon ng maong. Mukhang emo si bestfriend, at mukhang may lakad siya.
Nag-inat siya konti at nagsalita ng naka-ngiti, "Luke Jamil in action! Anong maipagli-lingod ko sa dalawang nagga-gandahang babae sa harapan ko?... O, bakit busangot yang mga mukha niyo?"
Hindi ako sumagot at ganun rin si Kashina. Maya-maya nagtawanan kaming dalawa ng pinsan ko.
"Uhm, ako ba ay niloloko niyo?" Pahayag ni Jam na talaga namang makikita mo sa poker face niyang mukha ang pagtataka.
"Patulong sa Filipino subject!" Sabay naming sabi ni Kashina.
At dahil ako ang bestfriend niya, inuna niya akong tinuruan. Kanina pa siya daldal ng daldal pero kahit pigain ko ang utak ko, wala talaga akong maintindihan.
"Larah, nakikinig ka ba?" A-ano daw? Hala. Mukha bang hindi ako nakikinig? Sabagay, hindi naman talaga. Ang lalalim naman kasi ng mga salita sa essay na'to. Tapos lahat pa yata ng mga sentence may figure of speech. Like seriously, how can I understand this kung sa buong buhay ko sa English ako lumaki?
"Uh, a-ano—"
"Okay. So hindi nga. Don't worry, all questions answered." Ano? Nasagutan na niya lahat ng tanong? Bakit hindi ko napansin na nagsusulat siya? Wow.
"Aaaaaah! Thank you, Jam! Labyu na talaga, my bestfriend!"
Napayakap ako sa kanya sa sobrang saya. As in yakap talaga at sumakay pa ako sa kanya! Yey! Hindi na ako babagsak sa Filipino subject! Wuhooo!
"A-ano ba! D-don't cling on me!"
"Ay, sorry sorry. Pero salamat talaga ng bonggang-bongga!" Bwahaha! Utang ko sa kanya ang Filipino grades ko eh. Lagi nalang kasi akong bagsak sa Filipino subject lalo na sa Literature, lagi nalang dumudugo ang ilong ko sa mga alamat at epiko na yan! At dahil nandiyan si Jam, yipee! Pasado! Mwehehe!
Tumalon-talon ako sa kama sa sobrang ligaya. Syempre, sino ba naman ang hindi gagaan ang pakiramdam 'pag nasagutan ang assignment mo diba? Nakita ko si Jam at Kashina na nag-umpisa na sa kanilang "tutorial session".
"Ano?! Filipino din problema mo?! Aba naman!" O diba? Nasa lahi namin ang kahinaan sa Filipino subject. Lumaki kasi ang parents namin pareho sa abroad kaya nung mga bata pa kami, English kadalasan ang language namin. Natuto nga lang ako mag-tagalog nung nasa Pilipinas na ako. At ayun nga, nasa New Zealand silang lahat, pati si Daddy.
"Pinsan ko yan, wag ka nang magtaka!" Sabat ko sa kanila at isinuot ang earphones ko.
Tawa ako ng tawa habang pinapanuod silang magturuan. Paano naman kasi, kakamot sa ulo si Kashina bilang pahiwatig na hindi niya naintindihan at si Jam naman ay ibabaon ang mukha sa mga palad niya na parang sinasabing, "Kash, pang-sampung beses ko nang nasagot ang tanong na 'yan."
Hahaha! Ayan kasi Kash eh, masyado kang nakikinig. Kung sana tumunganga ka nalang diyan edi nasagutan narin yang assignment mo! Oooops, nabuking ang bad habit ko! Peace po! Hihi!
Nang matapos ang assignment ni Kashina, lumabas siya ng kwarto para kumuha daw ng juice at cookies. Pambayad daw sa pagtuturo sa amin ni Jam. Ang sweet ng pinsan ko 'no, palibhasa kasi crush niya ang bestfriend ko! Sshhh!
Lumapit sa akin si Jam ay niyakap ako mula sa likuran. Nabigla ako sa ginawa niya kasi... ginagawa ba ito ng normal na mag-bestfriend? Nakakailang! Ramdam kong inaamoy niya ang buhok ko at tsaka siya bumulong, "I love you, Larah."
Inalis ko ang pagkaka-yakap niya sa kin at sinabing, "J-jam—were bestfriends—"
"I need to go. May importante akong inaasikaso."
Hinalikan niya ako sa pisngi at tuluyang lumabas ng kwarto. At sa paglabas niya, nakita ko si Kashina na naka-nga-nga sa pinto tulad ko. Nakita niya...
"Kash, it's not what you think. H-hindi ko ala—" I tried to explain. Ayokong masaktan ang pinsan ko, she's the only one I have. Ayokong pati siya, mawala narin sakin.
"It's okay, cousin dear. Diniretso na niya ako, ayaw niya sa akin. Ano, kelan mo sasagutin?!" Excited at humihiyaw pa na sabi niya. Sasagutin? Saan galing yun?
"Sira! Lumabas ka na nga! Walang ibig sabihin yung kanina!"
"Meron! Kinikilig ako eh!" Argh! Lumabas ka na! Naguguluhan ako!
"Halika nga dito, pengeng cookies." Sabi ko. Teka, ba't yun ang nasabi ko?
Nanood nalang kami ng movie. Naku, jusko! Ang daldal po ni Kash, spoiler pa!
"Alam ko na yan eh! Tapos makikilala ni Dao Ming Si si Ye Sha. At dun lalabas ang pagka-seryoso ng F3 except Hua Ze Lei dahil seryoso na siya noon pa man. Alam mo ba, mahal na mahal nila si Shan Cai. Kaso yung bruhildang nanay ni Dao Ming Si ipapakasal siya kay Ye Sha dahil sa pera at dun niya maaalala si Shan Cai tapos—"
"Kashina Marie, stop! O sige, 'wag na tayong manood! Pakinggan ko nalang yang kwento mo!"
Nanonood kasi kami ng Meteor Garden, isang romantic comedy drama. Feel na feel ko na yung kwento eh, malapit na nga mag-ending tapos yung isa dito kwento ng kwento. Argh! Hindi na tuloy nakaka-excite! Para saan pa at pinanood namin kung kabisado naman na pala niya ang takbo ng istorya? Tumahimik nalang sana siya.
"Sa tingin mo, ano kayang pinagkaka-abalahan ni Luke?" Maya-maya ay tanong niya.
Sumimangot ako at sumagot, "Malay mo yung kasal niyo." Sarkastiko kong sabi. Aba malay ko naman 'no! Hindi porket mag-bestfriends kami alam ko ang lahat ng ginagawa niya.
"Yie! Sana nga, Luke! Ako nalang, paliligayahin kita!"
Hhhmn. I get it. Kinikilig ang bruha. Habang nag-tititili siya diyan e lumuluha naman ako. Nakaka-iyak ang ending. Pinatunayan ni Dao Ming Si at Shan Cai na mawala man ang alaala mo at lahat, hindi parin nakakalimot ang puso. O sige, akin nalang si Hua Ze Lei, kawawa naman siya eh. Bwahaha! Landi!
"Lars, labas lang ako ah." Himala yata. Dapat na ba akong magpa-fiesta? Si Kashina, lalabas?
"Ano kamo?" Tanong ko kahit malinaw pa sa tubig ang pagkakarinig ko sa sinabi niya. Biglang nag-ring ang cellphone niya at siyempre naman ay sinagot niya.
"Ah. Okay. Sige sige. On the way na me, wait lang u."
Pfffft. Wala man lang clue sa mga sinabi niya kug sino ang kausap niya. Nonsense.
"Sino yu—"
"Bye, Larah! Makikipag-date ako diyan sa may kanto! Wag kang papa-kidnap ha? Ingat!"
Psh. Makikipag-date naka-pambahay? Shorts at t-shirt. Hindi ako naniniwala, dahil hindi naman kasi kapani-paniwala. Tapos sa kanto? Ang cheap naman ng date na 'yun. E hindi nga niya nakikita ang outside world e. Homebody kasi siya, madalang lumabas. Baka nga maligaw pa 'yun. Kulang nalang kasi ikulong ko na talaga siya ng tuluyan dito. Err. Sorry sa panlalait. Bitter ako. Wala akong ka-date. Bwahahaha! Madapa sana si Kashina! Hihi!
Okay. I hate this feeling. Home alone ako in this big house. Sumigaw nalang ako ng, "Aaaah! Sana makakita na akong dandelion, kahit isa lang please! Mag-aaral na talaga ako, hindi ko na ibabagsak ang Filipino subject, hindi ko na pipikunin si Jam, magda-diet na ako, hindi ko na isasara ang bintana, gigising na ako ng maaga...!". Nage-echo lang ang mga sinasabi ko and it's creeping me out, kaya itinulog ko nalang.

BINABASA MO ANG
Dandelions
Storie d'amore"Isang araw, nakakita ako ng himulmol ng dandelions na lumilipad kasabay ng hangin. Hinabol ko ito at pilit na inaabot ngunit ng malapit ko na itong makuha, bumangga ako sa isang batang lalaking naging dahilan para hindi ko makuha ang pinaka-mimithi...