Author's Note

62 1 0
                                    

Author's Note

Hello! You see, hindi po ako mahilig magsingit ng Author's Note sa bawat update ko dahil ayoko po ng ganun. Parang nakaka-istorbo kasi sa pagbabasa. So dahil hindi ako mahilig sa atuhor's note na naka-singit sa bawat chapter, ito nalang. Minsanan ang pagpapasalamat.

Anyway, salamat po ng maraming-marami sa mga nagbasa nitong Dandelions. Sa mga hindi po natuwa o na-satisfy sa ending, sorry but I don't regret having a "hindi-nagkatuluyan" ending. Huwag niyo po akong ipa-kidnap!

May ish-share lang akong kwento kung bakit at paano ko naisulat ang kwento nina Larah at Jam. Isa akong malaking fan ng dandelions kaya nakagawa ako ng ganitong istorya. Pangarap ko ring makapag-wish sa isang wishing dandelions at umihip ng isang bugkos nito. Unfortunately, sa buong buhay ko e once palang akong nakaka-kita ng wishing  dandelion at hindi ako nakapag-wish. Bata palang ako nun, tilad ni Larah. Pero walang Jam na dumating sa buhay ko kaya 'wag niyong isiping na true story ito. Hahaha.

Sa lahat ng nangangarap umihip ng at makakita ng Garden of Dandelions, darating rin tayo dyan. Tiwala lang.

Salamat kay Kambal (@sereynameryaya) na tumulong sa akin para mabuo ang kwentong ito. Sa totoo lang kasi, pareho naming gusto ang makakita ng isang lumilipad na dandelion at mag-wish. Pero sa tingin ko matatagalan pa bago mangyari iyon dahil sa syudad kami isinilang at lumaki. Lalim. Haha.

Thank you rin sa kaibigan kong si Crizia Quinto na inaabangan ang bawat update ko. Gusto niya sanang magkatuluyan si Larah at Jam. Pero ayaw ko. Haha. Kahit nga nagkaklase kami pinagtataluhan namin 'yun.

Gusto ko kasing maging realistic ang kwento na ito na a bestfriend will be forever a bestfriend. Ganun naman talaga sa realidad diba? Madalang ang mag-bestfriend na nagkaka-tuluyan kasi kahit saang anggulo mo tignan, ang bestfriend ay bestfriend. Nothing more and nothing less.

Salamat ng maraming-marami sa lahat ng readers ng Dandelions. Sulit ang ilang oras kong pagpupuyat para maigapang ang simple at light na story na ito. Lahat iyon ay dahil sa inyo. Kaya thank you ng sobra.

Nagsusulat,

Star

DandelionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon