Chapter 3

98 13 1
                                    

Chapter 3

Larah Praise

*Ding dong*

Oh. Door bell. Lumabas ako ng bahay para tignan kung sino ang “unexpected” visitor ko pero wala namang tao sa labas ng gate. Lumingon-lingon ko to the left and right to the front and back pero mukhang wala talagang tao. Ugh, kung sino ka mang nilalang ka, ‘wag mo na akong takutin. Nakaka-kilabot po.

Papasok na sana ako sa loob dahil baka sindikato pa yan na balak akong kidnapin at ibenta ang laman loob ko sa mga foreigners nang lumabas mula sa loob ng bahay si Jam. Hmp. Ginamit na naman yung bintana ko.

“Larah!”

Tumakbo siya palapit sakin at may dala-dala siyang green na sobre. Bigla niya akong binuhat at inikot-ikot habang sumisigaw.

“Hoy, bitawan mo nga ako! Anong ka-OA-han yan at ang saya-saya mo ata ngayon?” Pagpu-pumiglas ko at binitawan nga niya ako.

Aaaaagh! Jusko! Muntik na akong tumilapon sa may gate. Ibababa na nga niya ako hindi pa sa maayos na paraan. Hoo!

Pumunta siya sa may lawn ng garden namin at malayang humiga sa may damuhan nang naka-ngiti. O, ang saya ata ng araw niya? Dalhin ko na kaya ‘to sa Mental Hospital, parang sira eh. Nakatayo lang ako sa harap niya habang naka-higa parin siya. Wala lang. Pinapanuod ko lang siya nang bigla niya akong hilahin pahiga sa tabi niya. Takte! Naka-bestida ako, nakita kaya niya? Sa pag-iwas ko na baka makita niya ang underwear ko, napatid ako sa sarili kong paa at biglang napahiga. Nauntog ang ulo ko sa noo niya.

“Ouch!” Ugh! Luke Jamiiiiiiiil!

“Larah… wag ka nang sumimangot…”

“At bakit hindi? Sakalin na kaya kita ng ma-dedo ka na? Psh.”

Ang ganda ng langit. Hindi mainit at hindi rin masyadong makulimlim. Masarap siguro humiga dito sa gabi tapos marami sigurong bituin? I wish I could experience that.

“Larah, bukas na yung camp natin sa TNW.” Biglang nagsalita si Jam ng naka-ngiti at kitang-kita sa mga mata niya ang excitement.

“Ano?”

“Hawak ko na ang invite.”

Kyaaaah! Tumayo ako at tumakbo papuntang mailbox para tignan ang loob nito. Di bale na maski makita niya ang undies ko, bestfriend ko naman siya eh. Mwehehe!

Ah. So ito pala yung nag-door bell kanina, idinaan pala ng kartero yung invitation para sa camp namin. Kinuha ko ang green na sobre na kapareho nung kay Jam at binuksan. Ang dami namang laman nito… parang jigsaw puzzle ang laman niya. Binuo ko agad ito dahil kokonti lang naman. It formed into a weird tree leaf and inside the green envelope, there was a pink flower petal. Binasa ko ang naka-sulat:

#283 Redbricks Village

Sta. Maria, Philippines

August 12, 2013

To: Miss Larah Praise Gaiman

Greetings!

Welcome to “The Nature Wishes…” family!

This year, the nature wishes to breathe. We will have a 3-day nature encampment and tree planting activity at Mount Sembrano located between Rizal and Laguna of the CALABARZON region. We will fetch you at exactly 8 o’clock in the morning on the 13th day of August. Please wear the color coding for this year, green.

Note: If you want to get the whole flower and not just a petal, your appearance and coordination will be enough.

See  you there

DandelionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon