Chapter 9

73 2 0
                                    

Chapter 9

Larah Praise

"Good morning, baby!" Si Daddy talaga. Baby parin ang tawag sakin kahit sixteen years old na ako.

"Good morning, Dad," Bati ko rin at bumangon na.

"Maligo ka na, mamaya susunduin ka ni Luke. Lalayas daw kayo at gusto kang maka-date ng bestfriend mo," Ang aga-aga pa eh. Naku, sigurado ako si Daddy ang nag-convince kay Jam na lumabas kami. Ayun pa, e gustong-gusto nga niyang si Jam ang makatuluyan ko e.

"Dad, kayo ni Mom ang gusto kong maka-date, hindi si Jam. Ilang taon ko ng kasama yun e, nakakasawa yung pagmumukha niya."

Natawa lang si Daddy sa sinabi ko at biglang sumulpot si Mommy sa may pinto, "Pagbigyan mo na, anak. Besides, nagpaalam na siya sa amin ng pormal para ligawan ka niya. Tutal, sixteen ka naman na."

"Ano?! Mom naman eehhh! Ayoko pa ng boyfriend!" Hay. Eto na naman.

"I just said pwede ka niyang ligawan, pero nasa iyo parin ang desisyon. Get up and take a bath. Mamaya nandito na yun."

Tumayo na ako at nag-punta sa may banyo para maligo. Natutuwa ako at walang iyakang nangyari samin nung bumalik sila. Nahihirapan akong makisama sa mga magulang ko. Ilang taon rin kasi e. Nung nakita ko sila kagabi, nawala lahat ng lungkot at galit ko. It seems that I suddenly found the missing piece of the jigsaw puzzle I'm trying to fix. Parang nakumpleto ang mala-puzzle kong buhay. Na-solve ang lahat ng problema.

Hindi ko rin maiwasan isipin na paano kung umalis ulit sila? Wala silang sinasabi tungkol sa mga nangyari. Parang ayaw nga nilang ungkatin ang nakaraan e. Ano ito, act like normal nalang kami? But why? Anak nila ako, karapatan kong malaman ang lahat. Hay. Ano ba itong mga iniisip ko. Ang importante naman nandito na ulit sila. Iyon ang mahalaga.

Paglabas ko ng banyo, nakita ko si Jam sa may sala. Anong ginagawa niyan dito?! Ang aga pa ah! Hala! Nakatapis lang ako ng tuwalya! Tumakbo ako papuntang kwarto kaya lang e muntikan pa akong madulas. Ano ba yan! Kasi itong resort na 'to e! Bakit ginawa nilang magkatapat ang sala at banyo! Ugh! Nakakahiya kay Jam!

"Bakit pulang-pula ka?" Tanong ni Jam nang puntahan ko siya sa may sofa. Wow. Parehas kami ng suot. Naka-couple shirt kami na hindi pang-couple. Syempre, mag-kaibigan kami e. Alam niyo yung binili namin dati na t-shirt? Yung pareho kami? Ayun, suot namin parehas.

"H-ha? Make-up lang iyan," Sagot ko naman.

"Hindi ka nagm-make up. So bakit?" Tanong niya ulit habang inaayos ang buhok niya. Simple lang naman ang ayos niya ngayon. Naka-pantalon lang ng blue, yung skinny. Tapos sneakers. His usual outfit tsaka naka-headset.

Eeeehhhh! Kasi naman e! Kailangan ba talagang tanungin yun!

"Naiinitan ako." Pagma-maang-maangan ko ulit.

"Aircon dito sa loob."

"Kinurot ni Kashina yung pisngi ko."

"Kasama ko si Kashina kanina. Wala siya dito."

"Tama na nga. Tara na! Marami ka pang sasabihin sa akin."

Saan kaya niya ako dadalhin? Pwede bang habang nagd-drive siya kwentuhan na niya ako? Hindi na ako makapag-hintay e. Inip na inip na ako.

"Hindi ka ba magsasalita?" Tanong ko habang kinukuha sa back seat ang isang pack ng Sky Flakes Crackers. Gutom na ako e. Ang aga niya akong sinundo kaya hindi na ako naka-kain. Hindi ko tuloy natikman yung nilutong Sweet and Sour Chicken ni Mommy.

"Matulog ka nalang. Malayo pa ang pupuntahan natin." Nice talking huh? Makakain muna bago ako matulog.

"Walangya ka talagang kausap. Saan ba tayo pupunta sa North pole?" Pilosopong tanong ko sa kanya at saka sumandal.

DandelionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon