Chapter 1: Nakakasama yan sa kagandahan mo!

95 0 0
                                    

** Short lang po tooo! Hope you like it.*

CHAPTER 1 : Nakakasama yan sa kagandahan mo! :3

"Bilisan mo nga jan bata ka! Maiiwan tayo ng Van na sasakyan natin." sabi ni Ate Zooey habang inililipat ko ang mga gamit ko sa sasakyan nya.

"Bakit naman kasi kailangan nating sumama sa van ng boyfriend mo eh. Ayan ohh may sasakyan ka naman. Meron rin ako." sabi ko sa Ate ko.

Ako si Max Sophia Montes, isa ako sa apat na anak ni Mr. Birdin Montes at ni Cita Montes. 20 years old, walang planong magtrabaho. Tapos na akong mag aral ng Business administration. Sabi ni Mommy wala daw akong ibang ginawa kundi pasakitin ang ulo nya :3

I dont have a boyfriend. Ay wala kasi akong hilig dun, uhmmmm I had a boyfriend before at siya rin ang dahilan kaya ayaw ko nang magka boyfriend nag break kami 1 year ago dahil sa kagaguhan nya.

Kaya ito ako wala pang tulog at pinapasama na ng Ate Zooey ko sa out of town nila ng boyfriend nya at mga kaibigan nito. Ayaw ko sanang sumama pero pinilit ako ni Daddy. Kahit wala pa akong tulog dahil sa gimik ko kagabi dumeritso nalang ako dito sa condo ng Ate ko, sigorado akong magagalit sakin ang Daddy ko dahil hindi muna ako umuwi para mag Goodnye sa kanya. Nagkainuman kasi kami kaya eto inabot ng madaling araw. Wala masyado akong dala na mga gamit kasi ang mga damit ko lang sa bahay ng Ate ko ang dinala ko. 3 days lang naman kami dun eehh.

"Pwede bang tumahimik ka muna Max? At sa tingin mo papayagan tayo ni Daddy na mag drive ng ganun kalayo? Gamitin mo utak mo!"

Masungit tala tong Ate ko. Lalo na pagdating sa akin, gusto nya kasi perfect lahat.

Sumakay na ako sa sasakyan ni Ate papunta sa bahay ng boyfriend nya dun kasi daw ang meeting place.

Si Ate ang nag drive iiwan lang daw namin tong sasakyan nya sa bahay ng boyfriend nya.

"Max, mag ayos ayos ka nga, ano bayang itsura mo, nakainum kaba?!"

Hindi ako sumagot sa Ate ko. Hindi kasi nya alam na hindi ako umuwi sa bahay pagnalaman nya siguradong patay ako. Nanalamin nalang ako sa side mirror ng sasakyan nya. Oo nga't ang gulo ng buhok ko. Inayos ko ito para hindi na ako pagalitan ni Ate. Pero kahit ganito Ate ko mahal na mahal ako nito. Echos! :3

Nakarating na kami sa bahay ng boyfriend ni Ate na si Joe kung saan nakapark yung van na sasakyan namin. Marami pala kami, anim daw kami. Si Ate lang at si Joe ang kakilala ko. Pheewww.

Ang early naman namin.

Lumabas muna ako sa gate kasi hihintayin pa daw namin ang mga kasama nila.

Kami kasi yung unang nakarating maaga pa kasi kaya pumunta ako sa may playground sa subdivision kung saan nakatira si Joe. Malapit lang naman sa kanila yung playground eh. Mga tatlong bahay lang ang layo.

5 palang ng umaga kaya maginaw ginaw pa.

Nag sindi ako ng sigarilyo.

Habang naninigarilyo ako may napansin akong lalaki na nakatingin sa akin.

Gwapo.

Maputi.

Matangos ang ilong.

Mataas.

Lalaking lalaki ang katawan.

May kausap ito sa cellphone.

Tumitingin lang siya sa akin, nakakainis ayaw ko talagang may tumititig sa akin.

Binaba nya ang cellphone nya at nag smile sa akin.

HA? HINDI AKO NA-AMAZE SA KAGWAPOHAN MO OY!

"Why are you staring at me? First time mo bang nakakita ng babaeng naninigarilyo?" inis na sabi ko.

Sinungitan ko agad sha.

Tumawa lang sha at sumigaw.

"Nakakasama yan sa kagandahan mo!!"

I Will Never Give Up On UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon