Part two po to ng naunang chapter! Wahahah. Okay okay okay! Love youuuu <3
Chapter 16: Ate Max to the rescue 2 *-*
"IKAWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWW?!!"
Sa karami rami ba namang taong magiging guardian nung Ms. Dy na yun siya pa talaga?!!
"Akala ko si Zooey ang pupunta dito. Tamang tamang ikaw pala talaga Maxxxyy"
Yayakap sana siya sa
*Pok
"Araayy naman Maxxy!"
"Wag na wag kang hahawak sakin Palaka ka! Hindi ka na nga nagparamdam tapos kung makalapit ka akala mo okay tayo?!!!!!!!!!!!
Galit na talaga ako sa kanya. Eh pranag wala lang sa kanya yung ilang araw na hindi siya nag text o tumawag sakin. At naka smile pa siya ngayun!
Kainis talaga. Nagwagwapohan na naman ako sa kanya kahit white V-neck t-shirt at saka shorts lang ang suot nya ang gwapo nya parin. Namiss ko siya pero hinding hindi ko ipaparamdam yun sa kanya baka akalain nyang easy to get ako no! Psshhhh!
"Maxxxy! Hindi ako nakatawag o nakapag text dahil busy ako. Kinuha ko ang pinsan kong si Vanessa sa Canada, pumunta ako sa Canada dahil tinawagan ako ng Tita ko na kambal ng Mommy ko. Pinapunta ako para ako na daw ang mag-alaga sa pinsan ko dahil hindi na nila kaya ang katigasan ng ulo ng batang yun. Kakarating nga lang namin kaninang umaga at heto na ako nandito sa Police Station. Psshh, ang sakit na ng ulo ko!"
Bakit siya nag eexplain sakin? Weeeee? I don't care! Bahala na siya sa buhay niya
"I DON'T CARE!!!! Alisss shupiiii!"
"Uhmmm, Young Lady, Mr. Samson nandito pa ho ako." sabi ng police.
"Pwede na ba kaming umalis?! Kausapin nyo nalang ang isa sa mga body guards ni Flow at ipadala sa amin lahat ng mga babayaran namin. Wala na ba tayong dapat pag-usapan?"
"Wala na po Young Lady, sigi po kami na po ang bahala dito." sabi ng police.
Naglakad na ako, ayaw kong kumausap kay Aj, kainis talaga.
Lumabas na ako ng office ng pulis ng marinig ko ang sigawan sa labas.
"Pagsisihan mo ang pagtalo mo sa kin Vanessa Dy! Hindi mo pa ako kilala ako ang Young Master ng mga Montes ang nag-iisa. Gagawin kong meserable ang buhay mo!!"
Teka si Flow ba yun?! Ganun talaga katapang tong kapatid ko?! Ganyan siya makipag-usap sa mga babae?! Gagong Flow to ahh!!
"Gawin mo na yun Young Master hindi ako natatakot, naging meserable na agad ang buhay ko dito nang nakita kita. Hindi ka talaga nakakatanggap ng pagkatalo no?!! O baka natatakot kang umamin na mas magaling pa talaga ako sayo?!" sabi nung Vanessa Dy na yun.
I like her, ganyan talaga dapat ang mga babae hindi nagpapatalo.
"Alam mo bang katulad mo siya? napakatigas ng ulo, walang ibang ginawa kundi ang gawin ang gusto niya." may nagsalita sa likuran ko.
Si Aj, pshh! Putress kung makasalita to parang kilalang kilala na talaga ako! Ewaan!!
"Ayaw kitang kausapin!"
Lumabas na ako nakita ko si Flow, Renz at Vanessa na nakaupo sa upuan malapit sa pintoan. Parang may galit na namumuo sa dalawa. Hmmm. gusto ko tong Vanessa na to ha? Nakita nila ako tiningnan ko ng masama si Flow. Yumoko lang siya. Tiningnan ko naman si Vanessa Dy, at parang naiilang siyang tumingin sakin kaya nginitian ko siya. Parang nagulat siya at ngumiti rin sa akin.
"Hi, I'm Sophia Max Montes. Vanessa Dy right?" lumapit ako sa kanya at tumabi.
"P-ppoo? Yess p-ppoo. Hindi ko kayo galit sa akin Young Lady?!" tanong nya sa akin. Ang cute netong batang to. Ang sarap i-hug. Gusto ko talagang magkaroon ng nakababatang kapatid na babae. Pero kahit lalaki tong si Flow mahal na mahal ko parin to.
BINABASA MO ANG
I Will Never Give Up On Us
RomanceIsang babae na hindi maka move on sa ex nya at isang lalaki na gustong takasan ang responsibilidad nya sa kanilang family business. Sa isang bakasyon nagkatagpo, nagkakilala, at nagkagustohan. Pero paano kung matapos ang bakasyon nila? Tapos na rin...