Chaper 12: He makes me happy.
---Aj's POV----
"Aj I need to talk to you"
Ano na naman kaya ang gusto nitong Ate kong may tuyo sa utak? Alam ko na. Mamimilit na naman to about kay Papa.
"About?" masungit na sabi ko. Nakainis naman talaga siya eh.
"In private" sabay tingin kay Maxxy. Tinakot pa si Maxxy. Si Ate talaga kainis.
"Uhm Aj sa room lang ako ha?" liningon ko si Max, para shang naiilang. Panira talaga tong si Kulot! Kainis.
"Ok Maxxy puntahan kita mamaya." nag smile ako sa kanya. Pinagmasdan ko lang siya habang naglalakad patungo sa room nya.
"Oops, anong tingin yan AjBoy? Nakakatunaw ah." pang iinis ni Ate kapag kaming dalawa lang iniis nya ako palagi.
"Ano bang kailangan mo Kulot?!"
Tinalikuran nya ako at naglakad patungo sa room nya. Sinundan ko lang.
Nasabi ko na ba sa inyo na kami ang may ari ng resort nato? Heehe, secret pala namin to ng barkada ko. Kami lang nina Joe, Jeff, at Moi ang nakakaalam.
Nakarating na kami sa room ni Ate Aila.
"Ate?! Bilisan mo nga!"
"Huy AjBoy wag mo akong sigawan mas matanda ako sayo ng 8 years ahh!"
"Asows, ano nga?"
"Like mo ba si Max?"
"Kulot tigilan mo nga ako, yan lang ba sasabihin mo? May pa private private kapa! Kainis!"
"Oy Ajboy Ate mo ko ah! Cge na nga hindi na kita kukulitin. Ano about Pops."
Hay about na naman sa Ama kong mabait.
"Ano na naman ba ang gusto nya?"
"Tinawagan nya ako, hindi ka daw ma contact. Ajboy matanda na si Papa, bakit ba hindi mo siya mapatawad? Aksidenti yung nangyari 13 years ago!"
"Ate dahil sa kanya wala tayong Mommy kung hindi lang nila linoko ni Karen si Mommy buhay pa sana siya." tumalikod na ako. Babalik na ako sa kwarto ayaw ko nang makipag usap pa sa Ate ko. Walang patutunguhan ang pag uusap na'to!
"Ikakasal na sila ni Karen"
Huminto ako sa paglalakad, ano?! Hindi ako papayag! Hinding hindi.
"HINDI MANGYAYARI YAN! GAGAWIN KO ANG LAHAT!"
"Ajboy! Please naman oh, matanda na sila. 13 years silang naghintay sa kapatawaran mo. Pero ayaw mo kaya pinilit ko na sila, sinabi ko sa kanilang kauusapin kita at pipilitin. Aj boy?" yinakap ako ni Ate.
"Ate, iba ka! Wala akong masabi. Hindi mo ba maalala ang ginawa nila sa Mommy ko? Sa Mommy natin?!!!!!!"
Bumitaw siya pagkakayakap sakin "Marunong akong magpatawad Ajboy. Tatay natin yun. Alam nating walang may gustong mamatay si Mommy"
"Ate, hindi ko sila mapapatawad."
Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Max. I need her.
:::::Max's POV::::::
Nakapasok na ako sa kwarto ko, nakatayo ako sa likod ng pintoan habang hawak hawak ko ang lips ko. Nagkahalikan kami ni Aj? What?!
Ahyy hindi naman ito ang first kiss ko ah, bakit ba kinikilig ako? Ay ano batong iniisip ko?
Umupo nalang ako sa kama maliligo muna ako, ang lagkit kaya.
Tapos kong maligo, tumingin ako sa time sa cellphone ko. Ay 5:30 na ng hapun asan na kaya yung Aj na yun.
Pahiga na sana ako sa bed ko ng may kumatok.
*Katok
"Maxxy?"
Eew ng Maxxy ah? Girl na girl.
Binuksan ko ang pinto.
"Aj! Bakit?" ang lungkot ng mukha nya.
"Pwedi pa hug?"
Ano daw? Hug? Na pano ba to?
"Aan-" hindi na ako nakapagsalita yinakap nya na ako.
"Anong problema Aj?"
"Si Papa"
Bumitaw siya sapagkayap sa akin at umupo sa kama ko.
"Wag ka ngang ma drama jan, sabihin mo na kasi. Makikinig ako promise" hinawakan ko kamay niya.
"Magpapakasal na sila ng secretary nya." umiyak siya.
Nasaktan ako ng nakita kong umiyak ang taong nagpapasaya sakin.
Yinakap ko siya ayaw ko munang magsalita. Ayaw kong dagdagan ang sakit na
pinagdadaanan niya. Hindi nya kailangan ng advice ang kailangan nya ang taong makikinig sa kanya.
"Wag ka nang umiyak" hinalikan ko siya sa lips smack lang alam ko ang bilis ng pangyayari. Pero gusto kong mawala ang sakit na nararamdaman nya.
"Salamat Maxx" yinakap nya ako.
"Cge na, kain na tayo! Tapos ligo tayo."
"Cge cge, bihis muna ako. Okay? Sabay tayo pumunta sa kainan"
Tumayo na siya at hinalikan ako sa noo.
Hindi pa siguro ako handang magmahal pero alam kong kaya kong pasiyahin si Aj tulad ng ginagawa nya sakin.
.....
Nang patungo kami sa kainan nag kukulitan lang kami, gusto nya kasing kunin ang iphone ko pero ayaw ko. Hindi ko talaga pinapahiram tong iphone ko kahit kanino. Eh para sa akin ito ay private na gamit.
"Ang arti arti, pahiram na sunget!" sabi ni Aj habang pinipilit na makuha ang iphone. Linalayo ko kasi sa kanya.
"Wag na nga! Ang tigas ng ulo!"
Nandun na kami malapit sa kainan namin, mabuti naman at nawala kahit papano ang lungkot sa mukha ni Aj.
Nakita ko ang Ate ko na naghahanda sa mesa, "Ate ooh! Si Aj ang kulit! Kukunin nya iphone ko." tumakbo ako sa likuran ni Ate.
"Naku Aj hindi talaga yan nagpapahiram sa cellphone 'nya."
"Bakit ba ang damot mo? Kainis!"
"Bakit naman kita pahihiramin? Boyfriend ba kita? Oy wag kangan feeling jan! Palaka ka!"
Umupo na siya. Tumabi na ako sa kanya. Tumingin sha sakin, nagsmile ako. Toink, inirapan ba naman ako.
Dumating na ang lahat except sa Ate ni Aj. May ginagawa daw. Hindi ako pinansin ni Aj habang kumakain. Nagtampo ba?
"Oy palaka." sabi ko pagkatapos kong kumain. Sinundan ko siyang naglakad patungo sa beach. Hindi man lang ako liningon. Tampo agad? Pbb teens?!! Hmmph! Ang dilim naman. Giba ata ang ilaw sa poste patungong dagat.
*Plack!
"AAAAAAARRRRRAAAAAYYYY" sigaw ko.
BINABASA MO ANG
I Will Never Give Up On Us
RomanceIsang babae na hindi maka move on sa ex nya at isang lalaki na gustong takasan ang responsibilidad nya sa kanilang family business. Sa isang bakasyon nagkatagpo, nagkakilala, at nagkagustohan. Pero paano kung matapos ang bakasyon nila? Tapos na rin...