Chapter 16: Ate Max to the rescue *-*

42 0 0
                                    

Chapter 16: Ate Max to the rescue *-*

Happy na ako, kaya mag uupdate na ako. Sana marami ang maka basa pa neto! :)

-'~Swan's POV~'-

"Hoy tulungan mo nga ako dito! Nakaupo ka lang talaga dyan no?" sabi ko kay Maxx, nakaupo lang kasi siya ang rami pa namang pinabili. Ang takaw takaw, ako ang pina order ng lahat ehh siya nakaupo lang naglalaro ng Temple Run.

"Ahhhhhhhhhhhhhh!! Tingnan mo tuloy!!! Kainis ang ingay mo kasi!!" sigaw nya. Pssshh >3< kung nasa isang sosyal na restaurant siguro kami mahihiya siguro ako pero nasa Jollibee kami, maraming bata dito na maingay katulad ni Taba kaya bahala na siya kong mag sisigaw siya!

"Kumain ka na nga jan akin na yang cellphone mo. Ohhh ito yung tatlong extra rice mo! Ang takaw talaga! Woooo!" kinuha ko na yung cellphone nya hindi rin naman ako gutom ehh so ako nalang ang maglalaro.

"Payatot alam mo bang naawa ako kay Noah kanina?" seryosong sabi ni Taba. Ganyan talaga siya pag ako ang kausap nya. Sa pagkaka alam ko wala yang tinatago sakin. Ewan ko lang sa nangyari dun sa bakasyon nya. Ayaw ko na rin siyang tanungin.

"Anong awa? Bakit ka naawa sa kanya? Wala na ngang ibang ginawa yun kundi paiyakin ka ehh" sabi ko. Tiningnan ko si Maxx.

"Alam mo bang parang nasaktan ako ng nakita ko siya, iba ehh parang naawa ako sa kanya dahil sa mga pinag gagawa niya? Ehhh ewan ko. Kakain nalang ako."

"Mabuti pa nga kung ano ano yang iniisip mo about dun sa ex mong manloloko."

*Pak!!!

"Arrayy!! Ano bang ginawa ko sayo't nambabatok ka na naman?!!"

Ehh batukan ba naman ako. Ang rami kayang nag titinginan sa amin. Sa gwapo kung ito. Binabatukan lang ako ng babae? Napaka minus nito sa pogi points ko!

"GIRLFRIEND MO BA YANG SI MEME?!!" tanong niya.

>___________< bakit napunta sakin ang usapan na to?!

"Anoo?!! Hindi noo!! Siya lang kaya ang may gusto sakin!!"

"Ehh bakit siya nandito?!"

O___________________O

Ano daw!?! Nandito si Meme?!!

Tinuro ni Max ang likuran ko.

Lumingon ako. Pshhhhhhhhh! Si Meme nga!

Tumingin ako uli kay Max, eh walang pakialam to at kumain lang ehh. Hindi na nga nag aksaya ng panahon na tumingin sakin uli ehh!

"Kaya pala hindi ka na tumatawag sa akin!! Nandito na pala yang babaeng yan!! Anoo?!! Wala na ba tayo kasi nandito na yang bestfriend mo!! Lahat na lang ba ng gusto ko sa kanya nag kaka gusto?!! Ano ba ang nasa babaeng yan at--"

Hinila ko na siya palabas! Hiyang hiya na nga ako sa pagbatok ni Max sa akin at eto dadagdag pa siya. Wala siyang karapatang magsalita ng ganyan dahil kahit sinong babae pa yan. Pipiliin ko pa rin si Max. Wala akong pakialam sa kanila.

~'Max's POV'~

Anong problema nung dalawa na yun? Bakit sinisigawan ni Meme si Payatot?

Siya na ang malandi, una ang ex ko ngayon bestfriend ko. Sino ang susunud? Si Aj? WAAAAA, Aj nasan ka na ba?! Naiiyak na talaga ako sa kaka isip na hindi mo na ako tatawagan! :( O.a lang te?

Palabas na ako ng Jollibee walang hiyang Swan yun iniwan ako dito. Wala pa naman akong dalang sasakyan?

Naglakad lakad nalang ako, mamaya nalang ako pupunta sa parking lot alam kong nandun sila Meme at Swan para mag-usap hindi nga ako nakinig kanina sa usapan nila eh. Wala akong hilig dun sa chismisan! Hate ko yang chismisan! :)

I Will Never Give Up On UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon