Ayan na wala na namang papasin sa story ko. Huhuhuh.
Mag fan naman po kayo at vote at comment narin pampagana! :3
Chapter 8: Nagtatampong Palaka
Hindi ko makontak si Swan, takting baka napahamak na bespreen ko!
Nagutom tuloy Ako kakatawag kay Swan. Pupunta na ako sa kainan.
Asan na kaya si Aj?
Ayun naglalakad, sinalubong ko siya.
"Hoy palaka!" tumingin lang sha sakin. Hindi man lang nya ako nginitian? May sayad. Ano yun? Deadma?
Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad. Gutom na po ako.
Nkarating na ako sa kainan. Maraming tao, ngayun nga pala dadating yung mga kapatid nina Jeff, Aj, at pinsan ni Moy. Ang ganda puro kandila ang ilaw namin ang rami ng mga makakain.
Nakita ko ang isang magandang babae mga late 20s na. Nginitian nya ako. Ang ganda nya. Nagsmile rin ako sa kanya. May kulot siya na blonde hair. Ang puti nya. Ang ganda talaga.
"Max! Tabi tayo" tawag ni Jeff. Close na kasi at napansin ko rin na kami lang ang magka age.
"Hindi pa ba yun kakain si Aj? Asan rin si Moy. Okay kana?" tanong ko kay Jeff.
"Okay na ako Max, nakakabadtrip ang rami kong nainum. Si Moi pinadalhan nalang nga foods sa room kasi masakit daw ulo nya tapos si Aj wala dawng gana." sagot ni Jeff.
"Ahem. Ahem" may lalaking nagsalita sa tabi nung magandang babae.
"Ay Max by the way Kuya ko. Si Jerry"
Hindi ako makapaniwalang Kuya 'yun ni Jeff parang ang daldal kasi, tapos kung makatitig wagas. Chickboy ata to. Kaiba!
"Hi po." sabi ko.
"Kung maka-Po kanaman parang ang tanda ko na, ikaw naman Jeff kung maka Kuya ka parang ang bait mo!!" tama madaldal nga ibang iba kay Jeff.
"Hoy Jerry tigilan mo 'yang kapitid ni Zooey ha? Bata pa 'yang loko ka talaga!" napalingon ako kasi may nagsalita sa likuran ko. Dumating na pala sila Ate at Joe. Nagkamayan silang lahat. Parang ang tagal na hindi nagkita kasi kung maka hug 'tong si Jerry WAGAS.
Tumabi si Ate sa akin. "Kanina ka pa ba? Oh asan sina Moi at Aj?" tanong 'nya sa akin.
"Wala dawng gana si Palaka, tapos si Moi nagpahinga nalasing kasi eh" sagot ko.
"Naman kayo ang aga kasing nag inuman!" sabi ni Ate
"Uhhmmm, Ate pwede bang magpahatid nalang ako ng pagkain sa kwarto ko?"
"Bakit? Masama ba ang pakiramdam mo?" alalang tanong ni Ate
"Yan ba si Max?"tanong nung magandang babae na blondy yung hair, she knows me? Panu?
"Yes, Max meet Aila" familiar yung pangalan ah.
"Hi po." bati ko.
"Hello."
"Ate punta na ako sa kwarto ah? At kukumustahin ko na rin si Moi at Aj." sabi ko sa Ate ko.
"Okay go, tawagan mo nalang ako kung anung gusto mo okay?"
"Cge ate, excuse me po" tumingin ako kay Ate Aila. "Jeff, puntahan ko lang si Aj ha? Punta ka narin 'dun pagkatapos mong kumain."
BINABASA MO ANG
I Will Never Give Up On Us
RomanceIsang babae na hindi maka move on sa ex nya at isang lalaki na gustong takasan ang responsibilidad nya sa kanilang family business. Sa isang bakasyon nagkatagpo, nagkakilala, at nagkagustohan. Pero paano kung matapos ang bakasyon nila? Tapos na rin...