NHOF 4

190 6 2
                                    

"Since it is month of hearts, and yung subject natin is Business Management. Me and your other teachers have decided na gumawa ng booth para sa Valentine's Day Celebration ng school. It means that, your class will be divided into several groups and then you will be selling the product of your choice. Dito niyo na rin ma aaply yung mga natutunan niyo sa subject natin this past few months" Mahabang lintana ng prof nila.

"Bessy, magkasama tayo sa group ah!" Agad namang sabi ni Nads.

"Oo naman bes, ano namang klaseng booth yung itatayo natin?" Tanong naman ni Farrah sa kaniya.

"Uy! Nads, FS! Sama kami sa group niyo ah" singit naman ng kaklase nila.

Bago pa man maging maingay yung room nila. Ay nag announce ulit yung prof nila "By the way, since 30 lang naman kayo, group yourselves into 5 memebers each, so it means may 6 kayong booth. Dapat hindi magkakapareho. Be creative okay? Ang may pinakamaraming sales of course will get the highest grade for this semester"

Maya maya pa ay nakumpleto na sila sa group nila " So guys? Anong plan natin?"

" Maganda siguro yung photo booth nalang saatin! For sure maraming pupunta sa booth natin" pag susuggest ng isa nilang ka grupo.

"Nakuha na daw nung kabilang group yung photo booth eh, kung cupcakes at cookies nalang kaya yung atin?" Sabi naman ng isa pa nilang kasama.

"Sige yun nalang yung atin? Ano guys, agree ba kayong lahat?" Tanong nito sa iba nilang kasama. Everyone agreed naman kaya naging madali lang yung pag paplano nila.

It was their morning break nang nagpunta sila sa canteen para bumili ng snacks nila.

"Bessy, you think may booth din yung varsity?" Tanong ni Farrah sa best friend niya.

Her best friend,Nads shrugged " Ewan ko bes, kung meron silang subject like us. Pero baka meron"

"Diba may blind dating na booth? For sure marami na namang makikipag blind date sa mga varsity ano?" Sabi niya pa.

Hinarap siya ni Nads " gusto mo i-join kita?"

Agad naman siyang umiling. Unlike other fans ng varsity na walang hiya hiya pagdating sa ganyan, she's a total opposite. Si Farrah tahimik lang siya kapag marami silang kasama na mga co-fangirls niya. Kumbaga chill lang, pero pag si Nads, yung best friend niya yung kasama niya ayun! Malalaman mo kung gaano siya ka patay kay Zeke.

"Ay speaking of your bb, he's there oh sa line!" Sabi ni Nads sa kanya.

"Ano kaya yung favorite food niya no?" Napatanong siya sa kaiibigan. Hini niya kasi alam tsaka hindi naman kasi nabanggit ni Zeke.

Hinatak siya ni Nads papunta sa may line "Edi let's ask him!"

Bigla namang kinabahan si Farrah sa sinabi ng best friend niya. Knowing Nads na 'makapal ang mukha' at 'medyo walang hiya' alam niya na kaya talaga yung gawin ng kaibigan niya.

"Bessy! Stop it, kabaliwan mo nanaman!" Suway nito kay Nads.

Hinarap naman siya nito "Bessy chill! Chill" pag aasure nito kay Farrah.

"Ah! Excuse me Zeke?" Pagtawag nito. Nakatago lang sa likuran ni Nads si Farrah. Nahihiya talaga siya sa mga pinang gagagawa ng kaibigan niya.

"Yes po?" Rinig naman niyang sagot mula kay Zeke. Hindi talaga siya snob!

"Ah, pwede excuse muna? May kukunin kasi itong bessy ko eh" sabi nito tsaka hinatak si Farrah papunta sa harapan niya.

Hinarap si ni Farrah, ano nanamang kalokohan yung naisip ng kaibigan niya. Pinanlakihan lang siya ng mata ni Nads.

Tumingin siya kay Zeks na nakatingin sa kanila--kaniya pala!

Eto nanaman yung feeling niya na di niya ma explain " A-ahh excuse ha!" Nauutal niyang sabi kay Zeke tsaka kumuha ng sandwich na nakalagaw sa gilid ni Zeke.

"Salamat" sabi niya at agad na naglakad papunta sa cashier. Hindi na niya nahintay pa si Nads dahil nahihiya nanaman siya kay Zeke.

"Alam mo bessy, di kayo uunlad kung ganyan ka!" Narinig niyang sabi ni Nads mula sa likuran niya.

She faced Nads "What do you mean?"

"Bessy, kung gusto mong makilala ka ni Zeke! Kailangan mo ng konting landi!" Natatawang sabi nito.

Napa irap nalang siya sa sinabi ng best friend niya. Marami ding alam "Andami mong alam! Ewan ko sayo!" Sabi niya tsaka naunang umalis sa canteen. Iniisip niya parin, nakakahiya talaga ang ginawa ni Nads kanina. Hay ewan!

IETMH III: Not His Ordinary FangirlWhere stories live. Discover now