NHOF 13

163 4 0
                                    

Farrah woke up with a huge smile plastered on her face. Paano ba naman nagkausap sila ni Zeke kagabi. Well, wala naman talaga silang special na pinag usapan pero still, duh! Ikaw ba naman kausapin ng crush mo.

"Good morning world" masaya niyang sabi bago inayos ang kanyang kama.

After that ay agad siyang pumunta sa cr para maligo at magbihis na rin. Pagkatapos noon ay agad siyang pumunta sa kusina. And there she saw her Nanay Fe. Simula nung umalis ang mama ni Farrah to work abroad eh sila nalang nung Nanay Fe niya ang natira sa bahay nila. Broken family sila. 12 years old siya nung naghiwalay ang parents niya but they are friends naman. Tsaka ginagawa naman ng papa niya yung duties nito kay Farrah. He is still supporting Farrah tsaka kahit na hindi sila magkasama ay close parin silang mag ama.

"Good morning po Nay!" Bati nito.

"Good morning hija. Kumain ka na" sabi naman nito.

Umupo naman siya agad tsaka nag simulang kumain "Sabay na po kayo saakin"

Her Nanay Fe just smiled "Busog pa ako hija. Mauna ka na jan at baka ma late ka pa mamaya"

Pagkatapos naman niyang kumain ay agad siyang umalis para pumunta sa school. Nasanay na kasi si Farrah na maaga umaalis tsaka para iwas na rin sa late.

Agad siyang pumunta sa library nang makarating ito sa school nila. Wala pa naman kasi yung mga ka klase niya tsaka ayaw niyang mag stay sa classroom nila hangga't wala siyang kasama. Nakakatakot kasi.

After niyang magbasa ng mga notes na isinulat niya ay umalis na siya. It is already 8 in the morning and for sure may mga kaklase na siya na nasa classroom nila.

"Bes? Saan ka galing?" Tanong ni Nads sa kanya. Infairness naman at maaga yung bestfriend niya ngayon.

"Sa lib. Maaga akong dumating eh " sagot nito tsaka naupo na rin.

" Gala tayo mamaya bes? Maaga naman dismissal eh" sabi ni Nads sa kanya. Usually kasi pag maaga ang dismissal nila ay gumagala muna sila bago umuwi.

"May gagawin ako mamaya bes eh! Alam mo na" sabi nito at ngumiti ng tipid. As long as she wanted to spend time with her bestfriend eh hindi niya magagawa ngayon. May responsibility kasi siyang dapat niyang gawin. Besides, maiintindihan naman ng bestfriend niya.

Napa nguso nalang si Nads sa sagot nito "At dahil may Zeke ka na ngayon ganyan ka na saakin!"

Agad naman siyang napatingin sa katabi niya. Bungangera talaga nito!

Pinanlakihan niya ito ng mata "Nads! Ano ba yan, ang ingay!" Suway nito sa kaibigan. Buti nalang at busy yung mga kaklase nila sa pag uusap at hindi nila narinig yung sinabi ni Nads. Jusko! Madami pa namang nagkakagusto kay Zeke na mga kaklase nila.

"Eh bakit? Totoo naman eh. Mas mahal mo na siya kesa sa bestfriend mo" pag iinarte nito.

She sighed "Nads naman eh! Babawi ako promise!" Sabi nito sabay taas ng right hand niya.

Napangiti naman si Nads "Uy, joke lang naman yun. I understand you hahaha" napa irap nalang siya sa sinabi nito.

Maya maya pa ay dumatingbyung prof nila for their first subject. Of course nag lesson sila and nag check up tests after.

"By the way, next week will already be your exam week so better ready and settle your accounts bago pa mag cut off, for sure hindi makakakuha ng exams yung hindi makakapag settle ng accounts niya" paalala ng prof nila. Shocks! Napa aga yata yung exam week nila.

"Hala! Ang aga naman yata ng exams natin!" Reklamo ni Nads.

"Oo nga eh, dahil siguro sa college week natin next month" sagot ni Farrah sa kanya.

"Bes! Samahan mo nalang akong mag settle ng account ko. Binigyan naman tayo ni Miss ng time ngayon eh" sabi ni Nads sa kanya.

"Tara!" Sagot nito.

Medyo malayo ang cashier nila. Kailangan pa nila pumunta sa kabilang building para makapag bayad.

"Marami kayang tao?" Tanong ni Nads sa kanya.

She shrugged "Baka wala, may class pa naman yung iba eh"

Nang makarating sila ng kabilang building ay nag vibrate naman ang phone ni Farrah.

She checked it. And bigla nanamang kumabog ang puso niya. Of course, sino pa nga ba?

It was him.

From: Zeke

Saw you pass by :)) Where are you going?





Votes and comment are highly appreciated 💚 thanks loooves!

IETMH III: Not His Ordinary FangirlWhere stories live. Discover now