"Bessy asan ka na ba? Malapit na kaming matapos dito sa booth, malapit na rin magstart yung program!" Sabi ni Nads sa kanya over the phone. It's already 9 am yet hindi pa nakakarating si Farrah sa school nila. Sa bahay kasi nila gumawa ng cookies at cupcakes na ibebenta nila para sa araw na ito.
"Naku bessy, sorry ah. Pero on the way na kami jan" pag papaumanhin nito kay Nads. Nagkaroon kasi ng problema kani nung nag bake sila kaya na late sila ngayon.
It was their Valentine's Day Celebration today.
After a while nakarating na rin sila sa school nila.
"FS! Pano ba yan? Babalikan nalang kita, ihahatid ko na muna ito sa loob" sabi ng isa sa mga ka group mates nila. Dalawa lang kasi sila yung nagdala ng mga cookies at cupcakes kasi yung iba nandito sa school nila nag tayo ng booth tsaka yung iba nag design naman.
Marami silang dala at hindi makakapasok ang sasakyan sa loob mismo ng gym nila kaya no choice pero maglalakad nalang sila papunta sa gym.
Medyo matagal na mula nung iniwan siya ng kasama niya ay hanggang ngayon di pa rin siya nababalikan nito kaya nag decide siya na dadalhin nalang niya lahat papunta sa gym.
"Paano ko to mabibitbit lahat eh andami pa nito? " bulong niya sa sarili niya. She's trying to figure out kung paano niya madadala lahat ito ng mag isa lang. Asaan na ba kasi yung walanghiya niyang kasama at hindi man lang siya binalikan nito.
"Hays! Bahala na nga si Batman! " sabi pa niya tsaka kinuha yung mga boxes na may lamang cupcakes tsaka cookies. Good luck nalang talaga sa kanya, sana hindi ma sira yung cupcakes.
"You need help?" Biglang may sumulpot sa tabi niya. Literal na napatalon siya ng bahagya nang ma realize niya kung sino yung nagsalita sa tabi niya.
"Heto nanaman tayo Farrah eh!" Suway niya sa sarili niya.
"Ahm, okay lang ba?" No choice. Uunahin niya pa ba yung hiya niya kesa sa booth nila.
"Oo naman" sabi nito sa kanya at tinulungan siyang buhatin lahat ng boxes. 4 pa na boxes yung hindi nadadala sa loob. Tamang tama tig dadalawa sila ng dala.
Napa isip siya " Ang swerte ko naman ngayong araw at nagkita ulit kami ng bb ko! Hindi lang yun, magkasama pa kaming naglalakad" napangiti siya sa naisip niya. Napaka swerte niya talaga!
"Ah, para ba to sa booth niyo sa loob?" Tanong ng kasama niya.
Agad naman siyang napaharap dito. Naka t-shirt at jersey shorts siya. Mukhang may training sila ngayon.
"Oo eh, late na nga kami. May booth din ba kayo sa loob?" Tanong nito.
"Wala eh, focus muna kami sa training ngayon! Alam mo na, malapit na yung game" paliwanag nito. Himala, parang normal lang silang nag uusap. Sobrang kinakabahan siya ngayon pero nakakapagsalita siya ng maayos unlike dati.
"Ah oo nga pala. Good luck sa training niyo" sabi pa nito na agad namang nginiti an ng lalaki bilang sagot.
Sht! Ang gwapo talaga niya!
Maya maya pa ay nakapasok na sila sa loob ng gym at ngayon ay natatanaw na niya yung mga kasama niya pati na rin yung booth nila.
Nahiya siya nang natuon ang pansin sa kanilang dalawa ni Zeke na magkasabay sa paglalakad ngayon. Pati mga kasama niya sa booth ay nakatingin na rin sa kanila.
"Uy, buti nandito ka na! Hi Zeke!" Bati ni Nads sa kanila ng makarating sila sa booth.
"Hello!" Sagot ni Zeke sa kanila bago ilapag ang box na may lamang cupcakes tsaka cookies.
"Thank you sa pag tulong ah" nahihiya niyang sabi. Naabala niya pa tuloy si Zeke, eh sa wala na siyang choice dahil kinalimutan siya ng kasama niya kanina.
"Sige, no problem. Una na ako ah" paalam niya.
"Bessy! Anong nangyari? Kwento naman" sabi ni Nads sa kanya.
"Teka lang bes!" Sabi niya at agad na kumuha ng cupcake tsaka cookies. Hinabol niya si Zeke na palabas na ng gym ngayon.
"Zeke!" Pasigaw na tawag niya rito. Medyo malayo na kasi si Zeke sa kanya.
Lumingon naman ito sa kanya " Bakit?"
Lumapit siya habang humihingal. Medyo malayo rin ang natakbo niya.
"Para sayo. Pa thank you na rin sa pagtulong" nakangiti niyang sabi habang inaabot ang cupcakes tsaka cookies.
"Thank you ah!" Nakangiting sagot sa kanya ni Zeke. Jusko, yung ngiti niya talaga eh.
"Thank you din! Happy Valentine's" sabi niya pa. SHT! Nagawa niya pang lumandi ng slight. Iba na talaga siya.
"Sige, balik na ko sa loob" paalam niya tsaka agad na tumalikod. Sobrang lapad ng ngiti niya tsaka di na niya mapigilan ang kilig na nararamdaman niya.
"Happy Valentine's Farrah" rinig niyang sabi ni Zeke. Nanlaki naman yung mga mata niya.
"Sht! Kilala niya ako! OMG!" Mahina niyang tili habang patuloy na naglalakad pabalik sa gym.
Thank you so much for reading guys :)) it means a lot to me. And don't forget to vote and comment down. Thank youuu
YOU ARE READING
IETMH III: Not His Ordinary Fangirl
FanfictionIETMH BOOK 3 Krystian Ezekiele Espanto's story