"Good morning anak!" Bati ng mommy niya sa kanya as he went in their dining room.
"Good morning din po mom!" Zeke greeted back his mom and planted a kiss on her forehead.
"Nasaan po si Dad and Xia?" Tanong nito nang mapansing silang dalawa lang ng mommy niya yung nasa dining room nila.
"Pinuntahan lang ng dad mo si Xia para tawagin na mag breakfast na!" Sabi ng mommy nito.
Maya maya pa ay magkasunod na lumabas ang daddy niya at ang kapatid niya na halatang inaantok pa.
"Good morning dad!" Bati niya sa kanyang ama at nag manly hug dito.
Kasunod naman niyang binati ang kapatid niya "Good morning little princess!" Malambing na bati nito tsaka hinalikan sa noo ang kapatid niya.
Napasimangot naman ito "Kuya! How many times did I already told you I'm not little anymore!"
Natawa naman ang mga magulang nila sa sinabi ng kapatid "Tsk! Baby ka parin naman namin eh!" Sagot ni Zeke sa kapatid niya.
"Whatever kuya!" Napangiti nalang si Zeke sa inasta ng kapatid niya.
Habang kumakain sila ay napag usapan nila ang laro nila Zeke mamaya "What time nga ulit yung game niyo anak? Para makapanood kami" tanong ng mommy nito.
Napangiti naman si Zeke sa sinabi ng nanay niya "Talaga mom? Manonood kayo ni Dad?"
"Kelan ba kami umabsent sa game niyo anak?" Natatawang tanong ng kanyang ina. Despite of their parents work ay always na present ang kanilang mga magulang sa kahit na ano mang activities nila Zeke sa school. Napaka swerte talaga nila sa kanilang mga magulang.
"Mamaya pong 3pm" sagot nito.
"Yey! I can watch kuya mamaya!" Masayang sagot naman ni Xia.
"You can't! May pasok ka until 4" agad na sagot ni Zeke sa kanya dahilan para sumimangot siya.
"Nakakainis ka naman kuya eh!Minsan nga lang ako manood eh" maktol nito. Wala talaga siyang laban sa kuya niya.
"Next time okay? Marami pa namang susunod na game eh!" Sabi ng kuya niya.
"Nga pala? Hindi ka ba nahihirapan sa school mo? Lalo na at pa iba iba ka ng schedule?" Tanong ng ama nito.
Umiling naman siya "Hindi po dad. Mababait naman kasi yung mga prof ko. Binibigyan lang nila ako ng activities tsaka hand outs at binigyan din po ako ni Ms. Ramos ng tutulong saakin to do my thesis paper" paliwanag nito.
Tumango naman ang daddy niya "That's good!"
Maya maya pa ay umalis na rin siya sa bahay nila. May final na practice pa kasi sila ngayong umaga bago yung mismong game mamayang hapon.
Kinuha naman niya ang phone niya para tawagan si Farrah. Kailangan nilang mag double time sa pagawa ng thesis niya dahil palapit ng palapit ang deadline nito.
Matapos ang ilang ring ay sinagaot naman ito ni Farrah.
"Hello?" Bati nito nang masagot ang tawag niya.
Natawa pa siya ng bahagya ng hindi sumagot si Farrah mula sa kabilang linya.
"Farrah? It's me Zeke" sabi pa nito.
"Ah! O-oo, ano Zeke? Bakit napatawag ka?" Nauutal na tanong nito sakanya.
Nakagat niya ang kanyang labi nang marinig ang sabi ni Farrah mula sa kabilang linya. Nauutal siya.
"Ah, mamaya sana kung pwede ulit tayo magkita para sa thesis" sabi nito.
Kaagad naman sumagot ang kausap niya "Oo naman. Sige!"
Napangiti siya "Great! So, kita nalang tayo mamaya after the game?" Tanong pa niya.
"Sige Zeke. Text mo nalang ako mamaya" sabi nito.
"Okay sure! Salamat" sabi niya. Buti nalang at parating okay kay Farrah na tulungan siya.
"Nga pala Zeke!A-ano.."
Napangiti ulit siya. Naisip niya na nahihiyang makipag usap sa kanya si Farrah dahil sa hindi siya makapagsalita ng diresto. Ang cute naman! Sabi niya sa isip niya.
"Ano Farrah?" Pagbalik tanong niya.
"Ahm, good luck sa game niyo! Aja!" Sabi nito bago ibinaba ang tawag. Napailing nalang si Zeke tsaka ibinulsa ang phone niya bago pumunta sa training nila.
Vote and comment please 💚
YOU ARE READING
IETMH III: Not His Ordinary Fangirl
FanficIETMH BOOK 3 Krystian Ezekiele Espanto's story