Ngiting ngiti si Farrah habang pabalik siya ng classroom nila. She never thought na ganito pala ang kinalalabasan ng pagka bored niya kanina. Buti nalang talaga at naisipan niyang lumabas sa classroom nila. Ang swerte niya talaga!
"Oh Bessy? Ngiting ngiti ka jan?" Tanong ni Nads sa kanya nang maka upo siya sa designated seat niya, which is sa tabi ni Nads na best friend niya.
Hinarap siya nito " You know what bessy! I didn't expect na magkakausap ulit kami!" Masaya niyang sabi sa best friend niya.
Agad namang na gets ni Nads iyong ibig niyang sabihin kaya napatili siya. Buti nalang at naka alis na ang prof nila bago pa man siya makabalik sa classroom nila.
"OMG! Sinuswerte ka na talaga bes" masayang sabi ni Nads sa kanya.
Kinwento nito sa kaibigan niya yung buong detalye nung nangyari kanina sa canteen nila.
"Before I forgot, may training sila mamaya! So, syempre manonood tayo!" Masayang sabi niya.
"Ano pa nga ba bes?Hahaha" sagot naman sa kanya ni Nads. Good thing, may kaibigan siyang gaya ni Nads. Understanding, supportive sa kanya at parang kapatid na siya.What more could she ask for?
After a long tiring day of lectures and quizes finally ang pinakahihintay ni Farrah. Ang uwi an pero syempre may excites siya na manood ng training ng bb niya.
"Oh ano na bes? Lets go!" Pag aaya ni Nads sa kanya.
Nakarating sila sa court at marami na ang nanonood lalo na yung mga fans ng varsity. Si Nads naman ang humanap ng pwesto nila. Nasa pinakaunahan sila umupo.
"Ano ba naman yan Nads! Ang lapit naman dito" sabi ni Farrah sa kanya.
"Mas maganda ang malapit. Madaling mapansin!" Nakangiting tugon nito sa kaibigan niya. Baliw talaga.
Their training went well. It is already 7pm pero di pa sila tapos.
"Bes? Di pa ba tayo uuwi? Late na oh" sabi ni Farrah sa katabi niya na nakatutok ngayon sa practice.
" Chill lang bessy, feeling ko kasi may magandang mangyayari eh" sabi niya tsaka nginiti an nito si Farrah.
"Aray!" May biglang sumigaw habang busy sila sa paglalaro. Napatayo si Farrh nang makita niyang si Zeke yung sumigaw.
"Shit! Bes anong nangyari?" Nag aalalang tanong ni Farrah sa kaibigan niya.
"Bes, chill lang. Na cramps lang naman siya" sabi ni Nads sa kanya. Wala na masyadong nanunuod sa training nila dahil gabi na rin.
Naisip niya, nakakahiya ang ginawa niya. Para siyang ewan at napatayo pa talaga siya. Kinabahan siya dun!
Pinaupo nalang muna nila si Zeke para makapag pahinga. Sakto naman na nasa side nila si Zeke pinaupo. Nagtama naman ang mga mata nilang dalawa.
Awtomatiko namang napangiti si Farrah at ganon din si Zeke.
"Naks! Naman bessy" siniko naman siya Nads nang makita niya yung titigan ng dalawa.
"Umupo ka na nga, pinapahalata mo naman na masyado kang nag alala" sabi pa nito at ngayon lang niya na realize na hanggang ngayon ay nakatayo pa pala siya.
Nakita naman niya ang pang aasar ng mga team mates ni Zeke sa kaniya nang makaupo ito sa bleachers.
Heto nanaman ang kabog ng puso niya na tanging si Zeke lang ang nakakagawa.
YOU ARE READING
IETMH III: Not His Ordinary Fangirl
FanficIETMH BOOK 3 Krystian Ezekiele Espanto's story