NHOF 15

138 4 1
                                    

"Why won't you bring her to our guest room anak" narinig ni Farrah na may babaeng nagsalita.

Nakatulog na pala siya. Shocks! Nakakahiya, agad naman siyang umayos ng upo.

"Ang gaga mo talaga Farrah" sabi nito sa sarili.

Nang tumingin siya sa likuran niya nakita niya si Zeke na may kausap na babae. She definitely knew kung sino ang kausap nito. None other that his mom.  Nakakahiya nakita niyang nakatulog si Farrah sa sala nila.

"Ahm h-hi po" nahihiyang bati nito. Hindi niya alam kung ano ang hitsura niya. Kung magulo ba yung buhok niya, may laway ba siya sa mukha niya. Shocks! Kung sakali man, bad shot na siya sa pamilya ng bb niya.

Zeke's mom smiled at her warmly "Hi pretty girl, I'm Llyanna mommy ni Zeke" sabi nito sa kanya sabay lahad ng kamay niya.

Nahihiya man ay lumapit si Farrah sakanya at nakipag shake hands "Nice to meet you po Mrs. Espanto, I'm Farrah po schoolmates po kami ni Zeke" pakilala niya.

Grabe! Ang ganda talaga ng mommy nito. Hindi halata na may dalawang anak siya dahil sa hitsura nito.

"Sorry nakatulog ako! Hindi mo man lang ako ginising" bulong ni Farrah kay Zeke. Tinawanan lang siya ni Zeke.

"It's okay, don't worry" sabi nito pabalik sa kanya.

"Farrah, you know what? Join us for dinner na lang. Since gabi na naman" sabi ng mommy ni Zeke sa kanya. Damn! Inalok siyang kumain ng dinner with the Espanto's. How lucky she is? Di niya lubos inakala na mangyayari ito sa kanya.

Nanlaki naman ang mga mata niya tsaka tumingin sa labas. Sht! Gabi na pala, baka hinahanap na siya sa bahay nila.

"Ah, okay lang po. Tsaka baka hinahanap na rin ako sa amin" nahihiyang sabi nito.

"Sige na Farrah, I won't take no for an answer" pagpupumilit ng mommy ni Zeke sa kanya.

Bumaling naman siya kay Zeke na nasa tabi niya "Sige na Shea, pagbigyan mo na si mommy"

She sighed "Sige na nga po" natatawang sabi nito.

Pumalakpak naman ang mommy ni Zeke "Great! Punta na kayo sa dinning at tatawagin ko lang yung dalawa"

"Hala, nakakahiya naman to" reklamo niya habang nakasunod siya kay Zeke habang papunta sila sa dinning room.

Hinarap naman siya ni Zeke "Wag ka nang mahiya, after all you've done a big help to me. Dapat nga ako mahiya sayo kasi na iistorbo kita eh"

Duh! Never naman naging istorbo si Zeke sa kanya eh, in fact she's beyond happy na nangyari to sa kanya.

" Duh, never ka namang naging istorbo saakin eh" agad niyang sabi. Dahilan para mapangiti si Zeke.

Pinaghila naman siya ni Zeke ng upuan bago ito pumwesto sa tabi nito. Sa totoo lang sobrang kinikilig siya ngayon, para lang kasing ipapakilala siya ni Zeke sa family nito bilang girlfriend niya. Pero siyempre joke lang yun! Asa naman si Farrah na magugustuhan siya ni Zeke, eh ang layo layo niya sa mga tipong babae nito.

She sighed.

"Okay ka lang?" Narinig ata ni Zeke yung pag buntong hininga niya.

"Oo naman" sabi niya tsaka ito nginiti an ng tipid.

Maya maya pa ay dumating na ang mga magulang ni Zeke kasama ang kapatid nito. Oo sobrang awkward para kay Farrah na makasama kumain yung mga Espanto. Pero gladly nakayanan niya ito. Nagkwentuhan lang sila na para bang normal lang.

"So, anak paano kayo nagkakilala ni Farrah?" Tanong ng daddy niya.

"Ah, siya po yung sinabihan ni Miss na tumulong saakin gumawa ng thesis ko para di ako mahirapan" paliwanag nito. Ngumiti lang siya ng tipid.

"You know what ate, you should go back here more often. Para makapag usap naman tayo ate" sabi naman ng kapatid nito.

"Ah eh hehehe" nahihiyang sagot nito.

My God Farrah para kang tanga!

After they had dinner eh umuwi na rin siya. Of course hinatid pa rin siya ni Zeke sa bahay nila. Kahit na anong gawin niyang pagtanggi ay hindi siya nag wagi kaya wala siyang nagawa kundi sumakay sa sasakyan at nagpahatid sa bahay nila.

"Nakakainis ka! Nag abala ka pa tuloy sa paghatid saakin" sabi nito kay Zeke ng makarating sila sa tapat ng bahay nila Farrah.

Hinarap naman siya ni Zeke tsaka tinawanan ng bahagya "No biggie, pa thank you na yun sa lahat ng ginawa mong tulong"

She roll her eyes "Di pa nga natapos yung thesis mo nag thank you ka na agad. Saka ka nalang magpasalamat kapag nakakuha ka na ng mataas na grade uy!" Biro nito.

"Hahaha di nga, buti nalang talaga at ikaw yung pinili ni Miss na tumulong saakin. Hindi ako nahirapan gawin yun kahit na mahirap naman talaga" paliwanag nito dahilan para kiligin si Farrah. Sht naman.

"Hays! Ewan ko sayo. Sige na baba na ako. Salamat sa dinner at sa pag hatid ah" sabi nito.

Tumango naman si Zeke  "No problem Shea!"

Natawa naman si Farrah "Tsk, Good night Krystian" sabi nito tsaka binuksan yung pinto ng sasakyan.

"Tsk, good night Shea!" Pang gagaya nito.

"Ewan ko sayo, sige na umuwi ka na ingat sa pag drive " nahihiyang sabi nito tsaka hinintay na makaalis si Zeke.

Zeke gave her a warm smile bago umalis. Kagat labi siyang pumasok sa loob ng bahay nila.

Damn it Krystian Ezekiele!

IETMH III: Not His Ordinary FangirlWhere stories live. Discover now