NHOF 6

192 5 0
                                    

"Seryoso nga bro? Sino ba yung babae na nakasama mo noong Valentine's Day at naging usap usapan dito sa school?" Pagkukulit sa kanya ng team mates niya.

Sa totoo lang, naiinis na siya dahil ilang weeks na rin mula nang nangyari yon ay hanggang ngayon di parin matapos tapos ang usap usapan tungkol sa kanila ni Farrah.

"Tinulungan ko nga lang yun kasi marami siyang bitbit para sa booth nila" sabi nito.

Tinabihan naman siya ni Ceejay "Eh paano mo nalaman name niya?"

Isa pa tong makulit eh "Naalala ko lang noong ipinakilala siya ng bestfriend niya nung nag training tayo minsan"

"Sa dami ba naman ng nagpakilala siya ay naalala mo pa siya? Tsk! Iba na yan bro!" Sabi nito. Mas lalo lang siyang naasar. Bakit ba ginagawa nilang big deal iyon? Tumulong lang naman siya eh. Tsaka hindi nga sila close nung babaeng yun.

"Tsk! Bahala na nga kayo jan!" Sabi niya at lumabas ng classroom nila para magpahangin. Free time nila kaya pwede siyang lumabas muna. Nasasakal na kasi siya sa mga tanong sa kanya ng barkada niya.

Nakaramdam siya ng gutom kaya dumiretso na siya sa canteen. Mabuti naman at walang masyadong tao dahil hindi pa naman breaktime.

Nang makapasok siya ay nakita niya ang babaeng pinag uusapan nila kanina.

" Ate! Isa nga pong burger at orange juice" sabi niya sa nagtitinda sa canteen nila. Si Farrah na nasa harap niya ay di naman siya pinansin. Malamang dahil sa naka earphones siya.

"Ay Zeke!" Sabi niya nang humarap siya sa likuran niya.

"Uy!" Sagot naman ni Zeke sakanya.

"Ah, excuse ah!" Sabi niya para maka daan siya. Maliiit kas ang space nung pilahan nila sa counter. Pang one way lang.

"Pwede sumama sayo kumain?" Tanong ni Zeke na nasa likuran niya.

"Ah s-sige pwede naman" nahihiya niyang sabi dahilan para mapangiti si Zeke.

"Malungkot kasi kumain kapag mag isa ka lang!" Sabi ni Zeke nang makaupo siya sa harapan nito.

Tinitingnan niya si Farrah at nakita niyang namumula ito. He finds it cute. Mahiyain kasi siya.

"Haha! Oo nga" sagot nito at nagsimula na ring kumain.

"Bakit nandito ka? Vacant niyo?" Tanong ni Zeke sa kanya.

Agad naman siyang umiling "Hindi, sinabi ko lang na mag c-cr, ang boring ng klase namin sa Accounting eh" sabi nito.

Somewhat, Zeke felt comfortable talking to her. Hindi siya kagaya ng iba na OA kung mag kwento at puro nonsense ang sinasabi. Kahit pa na hindi niya pa ito masyadong kilala ay nag eenjoy siya sa pakikipag usap kay Farrah.

" Accounting? Nakaka antok talaga yan!" Pag sasang-ayon naman nito.

Hinarap siya ni Farrah " Eh ikaw? Bakit nandito ka? Vacant niyo?"

Tumango siya bilang sagot " Tsaka nagsasawa na ako sa hitsura ng katabi ko doon sa classroom" natatawa niyang sabi.

Kumunot naman ang noo ni Farrah "Si Ceejay ba?"

Natawa naman si Zeke, paano niya nalaman na magkatabi sila nito?

"Ah oo, paano mo nalaman?" Nagtatakang tanong nito.

She shrugged "Best friends kayo eh, diba ang mag bestfriends parating magkasama"

Nagkibit balikat naman si Zeke "Hahaha! Just a wild guess lang tsaka nakapunta ako minsan sa room niyo eh. May subject kasi kami na si Ms. Ramos yung teacher namin" pahabol pang sabi nito.

Maya maya pa ay napatingin si Farrah sa relo niya " I need to go na Zeke! Baka mapagalitan ako. Salamat sa pagsama!" Sabi nito sakanya tsaka tumayo niya.

"Salamat din sa pagshare ng table" sagot naman ni Zeke sakanya habang inuubos na rin ang pagkain niya.

"Hindi ko naman pag aari kaya share share lang!" Natatawang sagot sa kanya ni Farrah.

"Paano ba yan! Una na ako ha! Eat well" huling sabi nito tsaka lumabas na sa canteen.

Napailing nalang si Zeke habang inuubos ang pagkain niya.

IETMH III: Not His Ordinary FangirlWhere stories live. Discover now