NHOF 16

134 4 0
                                    

"Bes? May susuotin ka na ba para sa farewell party?" Bungad ni Nads sa kanya.

She just received the invitation letter para sa farewell party nila for next month. Lagi namang advance mag bigay ng mga invitation yung school nila para daw makapag prepare sila.

And their so called farewell party ay para sa mga gagraduate for this year at parang last na get together bago mag simula ang summer.

She just shrugged "Matagal pa naman yun eh, next time ko nalang poproblemahin yun" sabi ni Farrah sa kaibigan niya.

"Sige, sabay na lang tayo maghanap bes ah" sabi ni Nads sa kanya.

"Oo naman" simpleng sagot niya tsaka itinuon ulit ang pansin sa libro na binabasa niya. Farrah loves to read books lalo na't kung wala naman siyang gagawin. Of course mahilig din naman siya gumamit ng social media's pero that's for a reason para malaman niya ang mga ganap sa buhay ng bb niya lalo na't sikat at kilala ito. Well, not that sikat to the point na para na siyang artista na palagi mong makikita sa tv pero sikat siya sa school nila at na rerecognize din naman siya lalo na't nasa varsity team siya ng basketball.

He followed Zeke sa lahat ng accounts nito. Sino ba namang fangirl ang hindi gagawin to diba?

She was busy reading nang nag vibrate yung phone niya. It was a message from Zeke. Kumabog nanaman ang puso niya.

From: Zeke

Are you busy? Punta ka dito sa canteen.

Nag taka naman siya, ano nanaman kaya ang problema noon? Buti nalang wala pa yung prof nila. Agad naman siyang tumayo para puntahan si Zeke.

"Ops, saan ka pupunta?" Pigil sa kanya ni Nads.

Hinarap niya ito "Sa canteen lang"

Kumunot naman ang noo ng kaibigan niya "Hindi pa po break time, gutom ka ba? Di ka nanaman nag breakfast ano?" Sunod sunod nitong tanong.

Umiling naman si Farrah "Hindi, may pupuntahan lang ako. Di naman ako tatagal promise"

Tiningnan siya ng kaibigan niya na para bang inaasar siya nito "Sama ako ha" nakangiting sabi ni Nads sa kanya.

"So ano nanaman ang kailangan ng bb mo sayo?" Tanong ni Nads sa kanya.

Kibit balikat lang ang naging sagot ni Farrah. Di naman kasi sinabi sa kanya kung ano ang problema o kung ano man.

"Naks, bes one call away lang ang peg natin ah" sabi pa nito.

Inirapan lang siya ni Farrah "Wag ka nga! Tumahimik ka nalang kasi jan"

Nang makapasok sila sa canteen ay agad naman niyang nakita si Zeke na naka upo kasama ang mga barkada niya. Nag hesitate pa siya kung lalapit siya o hindi. Nahihiya kasi siya lalo pa't marami itong kasama.

"Go ka na bes, bibili lang ako ng tubig" tulak sa kanya ng kaibigan niya.

Tatalikod na sana siya para sumama nalang kay Nads na bumili nang makita siya ni Zeke na nakatayo sa di kalayuan.

Tinaasan niya lang ito ng kilay na tila ba ay nagtatanong kung bakit siya pinapunta ni Zeke. Napatigil naman sa pag kukwentuhan ang mga kasama nito at napatingin sa gawi niya.

"Sheaaaaa" masayang sabi nito ng makalapit sa kanya.

"What's up?" Tanong ni Farrah sa kanya.

He waved something infront of Farrah "Ano yan?"

Nakangiti naman niya itong ibinigay. It was his thesis paper na ipinacheck niya kay Ms Ramos. Partial pa lang naman since kalahati palang ang nagagawa nito.

" She told me na okay na yan, yung last part nalang ang kulang at matatapos ko na yung paper ko" masayang sabi nito. Napangiti naman si Farrah sa narinig niya.

" Ay wow congrats!" Masayang bati nito sa kanya. Syempre masaya siya para kay Zeke at dahil na rin sa nakatulong siya dito.

"Thank you talaga!" Masayang sabi nito kay Farrah at niyakap siya. Nanlaki naman ang nga mata ni Farrah sa ginawa ni Zeke. Hindi niya akalain na yayakapin siya ni Zeke. Sht lang! Masyado na siyang pinagpala at naranasan niya ang ganito at kay Zeke pa. She was so overwhelmed.

Kahit na wala sa sarili at napayakap rin siya pabalik. Maya maya pa ay humiwalay na siya sa yakap jusko, di niya naisip na maraming tao ang possibleng nakakita sa kanila. Patay talaga siya pag may nakakitang fan ni Zeke habang nasa ganon silang posisyon kanina.

"A-ah, ano I need to g-go back sa room. Baka nandoon na yung prof namin" sabi niya.

Zeke nodded "Pwede mo ba akong samahan mamaya para simulan yung last part ng paper?" Tanong ni Zeke sa kanya. Parang wala lang kay Zeke ang nangyari kanina. Habang si Farrah naman ay labis ang oagka ilang sa kanya.

"Ah o-oo, mamaya after ng klase" nakayuko nitong sabi. Narinig naman niya na natawa si Zeke kaya napaangat siya ng tingin.

"Sige, text kita mamaya. See you later Shea" nakangiting sabi nito. Tumango lang si Farrah at nag paalam na sakanya. Parang sasabog na yung puso niya sa sari saring emosyon na nararamdaman niya sa ngayon.

IETMH III: Not His Ordinary FangirlWhere stories live. Discover now