~kabanata 2~
Pagkagising ko ay nagulat ako dahil hapon na pala, grabeng puyat ko pala buti nalang at mamaya pa ang party.
'Mag-iingat ka bukas.'
Weird. Bigla ko nalang naalala 'yon.
Pagkatapos kong naligo at nagbihis ay dumeretso ako kaagad sa kitchen for breakfast.
Pag karating ko ay nandoon na si Dad at Sarah.
Napairap ako't napaka balik sa kwarto.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin tanggap na pinag palit ni Daddy si Mommy.
Life is cruel, you can't get out. Life sucks. There are more challenges.
Napabuntong hininga ako.
Tinext ko nalang si Alexa para sa party na pupuntahan ko mamaya. Ganito kasi ako, mahilig sa parties, hang outs, or walwal. Typical na ginagawa ng mga kabataan.
Nag hanap ako sa closet ko ng maisusuot, wala akong gana mag suot ng kung ano, sa bahay naman nila Alexa ang pool party, sigurado mababasa rin ako. Nag suot nalang ako ng short at oversized shirt, na may nakasulat na 'lowkey' and i wore the Balenciaga shoes. It's nice to be simple. Nasa loob ng damit ko ang two piece ko, irereveal ko nalang mamaya sa party.
Lalabas na sana ako sa kwarto ko ng maalala kong nakalimutan ko ang towel ko kaya bumalik ako. Kinuha ko ito at lumabas na ulit sa kwato.
Kinuha ko ang kotse ko sa garage at inilabas ito. Napangiti ako ng malamang ayos na ito, hindi rin pala ako matitiis. Well, thanks anyway Dad. Bago pa ako harangan ng guard namin ay tuluyan ng nakalabas ang kotse ko. Inihagis ko sa likod ang towel at nagpa-music. Pinlay ko ang mga kanta ni Post Malone.
At dahil nga maloko ako ay pabiro 'kong ino-overtake. Meron pa nga akong nakitang ibinaba niya ang window at ang daming sinasabi pero hindi ko marinig ang sinasabi dahil sa ingay ng music ko. I just laughed, nag dirty finger pa siya kaya ginantihan ko rin siya ng dirty finger at nagpatuloy sa pagmamaneho at pag indak indak sa music. Wokey! Nyahahahaha.
Biglang natigil ang pagsasaya ko ng kumalam ang tiyan ko. Hindi pa nga pala ako nakakain masyado. Kaya napagdesisyunan kong bumaba saglit sa 7/11 para bumili. Ipinark ko ang kotse saka pumasok sa loob. Bigla namang nangunot ang noo ko ng mapansin kong nakatingin sakin ang grupo ng mga teenagers na babae at ang lagkit ng tingin sakin ng mga kasama nilang lalake. Tsk! 'Sorry, I'm more than pretty compare of you guys!' Hindi ko nalang sila pinansin at bumili ng makakain. Kumuha ako ng sandwich at vitamilk. Nang Nagbayad ako sa counter ay mas lalo namang nangunot ang aking noo dahil mukha siyang balisa at natatarantang inaasikaso ako.
Habang tinitignan niya ang mga pinamili ko ay kinausap niya ako. "B-bakit k-ka lumabas-s?" Nauutal siya sa pagkakasabi.
Nangunot ang aking noo tila binabasa kung ano ang nasa isip niya kung bakit niya iyon natanong. "what?" ani ko.
Umiling iling naman siya. "N-no I'm just concern... p-pwede humingi ng pabor?" Aniya.
"Sure?" Sabi ko pa rin kahit naguguluhan na.
"Will you please... give me your p-phone? T-then l-leave. Please?" Aniya.
Huh?
Bigla akong naweirduhan. "What the heck! Are you out of your mind? If you badly wanted a phone bumili ka!" i said it with irritated expression.
YOU ARE READING
When you were gone
Spiritual"I want u baby, but u is silent" "Bastusan?" -Raiven Date started: December 31, 2017 ENJOY READING 😘