~kabanata 7~Pagsapit ng gabi ay hindi ako makatulog, i dunno why... Baka atakihin ako ng insomnia. Ay charot! Pano ako aatakihin ng insomnia eh multo ako? Hahahaha laptrip to ah. Nagpagulong gulong na rin ako sa kama ngunit wala pa ring epek. Diko alam kung bakit hindi ako makatulog. Argh! Naman eh! Kung kaylan naman na ang ganda ganda na ng pinagtutulugan ko ngayon pa ako hindi makatulog ng maayos. Ang pabebe talaga ng mundo.
Ano kayang ginagawa ni Joktan ngayon? Natulog na ba siya? O baka naman may ginagawa pa. Napaka workaholic naman kasi eh. Bakit di nalang niya gayahin ang ibang kabataan diyan? Nagpapakasaya, lagi sa bar, laging masaya ang buhay. Ang seryoso naman kasi niya eh. Napapaisip rin ako kung kelan niya ako tutulungan sa mission ko. Siguro may time rin na makukumbinsi ko siya. Darating din ang panahon. Mag-iisang linggo pa lang naman kasi ako dito pero medyo nasasanay na ako sa routine ng bahay na 'to--
Diko namalayan na nakatulog na pala ako kagabi at tanghali nako nagising!
Omygosh hanunaaa! "Waaaaa! Baka iniwan na ako ni Jok-----"
"O.a ka, gigisingin naman kita pag paalis na siya." Pagputol ni Guider sa sasabihin ko.
"Tanghali na diba?" Tanong ko.
Tumango tango naman siya. "Hindi siya pumasok sa trabaho."
I got my curiously look when i heard that. "Huh? Bakit?"
Hinimas niya ang aking balikat at ngumiti. "Kaylangan mo siyang alagaan." Iyon lang ang kaniyang sinabi at bigla na siyang naglaho.
Mabilis akong nag-ayos at nagpunta ako sa kwarto ni Joktan. "Joktan bakit hindi ka daw pumasok sa-----omogosh! What happened to you?!" Dagli akong lumapit kay Joktan ng bumungad sakin ang balot na balot ng kumot at halatang namumutla, halatang nanginginig ang katawan niya. Hinawakan ko ang noo para icheck kung okay lang siya pero pagkahawak ko palang nito ay para akong napaso dahil sa sobrang init. May lagnat siya! Pano 'to? Ang pabebe talaga ng mundo...
"Heto oh."
"Ay kabayo!" Nagulat ako ng magsalita si Guider sa aking likuran, may dala dala siyang maligamgam tubig sa may planggana at may kasamang bimpo. May dala rin siyang gamot at isang basong tubig. "Guider naman eh, nanggugulat ka!"
Nag 'sshhhh' sign siya sa harapan ko. "Baka marinig ka." Mahinang litanya niya. Inabot niya sakin ang mga dala dala niya. "Aalis nako, marami pa akong gagawin."
Akmang magteteleport pa lang siya ng kausapin ko siya. "Ahm... Guider, bakit itong magkapatid na clien na 'to kahit multo nako nahahawakan pa rin nila ako?" Curios kong tanong.
"Tanging mga tao lang na nakakakita ng multo ang makakahawak sayo... Atsaka hindi mo ba napapansin? Katawang tao kana ulit.." Pagkasabi niya nun ay bigla siyang naglaho. Hays... naman.
Nako... Maliligo muna ako.
Dumeretso ako sa banyo ng guess room upang maligo, pagkatapos no'n ay nag bihis ako at dumeretso na sa kwarto ni Joktan.
Nag-umpisa na akong magpunas sa kaniyang katawan. Nang mapunta ito sa kaniyang abs ay napapikit ako. Para akong ewan habang nagpupunas sa parteng iyon. Tumayo ako at nagtungo sa cabinet niya. Inislide ko iyon at bumungad ang napakarami niyang damit. Bumunot ako ng pajama at t-shirt duon.
"kung bakit ba naman ako pa ang nag alaga, saan ba si Eunice?" pag kakausap ko sa sarili ko.
Nang bihisan ko siya ay hirap na hirap ako. Pano ba naman kasi, nakapikit akong binibihisan siya tapos ang bigat bigat niya pa. Umaangal pa nga siya minsan kung masagi mo.
YOU ARE READING
When you were gone
Spiritual"I want u baby, but u is silent" "Bastusan?" -Raiven Date started: December 31, 2017 ENJOY READING 😘