Kabanata 3

27 3 0
                                        




~kabanata 3~


Dalawang araw na akong inis na inis dahil dito sa librong ito. Ang kapal kapal nitong libro huhuhuhu. Paano ko mahahanap kung saan dito ang Ten commandments of God? Aaiissh! Hays, sana pala nakinig ako sa teacher ko sa religion, Hindi kasi ako nakikinig sa professor ko nun, At panay ang nasa utak ko lang ay bar, party, shopping at tour. Dalawang araw na rin akong nagi-stay dito sa bakanteng kwarto sa bahay ni joktan. Tingin ko sa magulang niya ito, base sa mga pictures at gamit na nakikita ko. Pero hindi alam ni Joktan na nagi-stay ako dito, wala siyang kaalam alam. "Saan na ba?" Mahinang sabi ko dahil baka marinig ako ni Joktan at palayasin niya pa ako. Pinilit kong hindi maging maingay sa paghahanap upang walang makarinig. Magkatabi lang kasi ang kwarto ko at ang kwarto ng kapatid ni Joktan. Wow kwarto ko? Hahahahaha. Baka mapadaan sya sa harap ng kwartong to tapos maririnig ako.

Hays... desidido talaga akong maturuan ako ni Guider kung paano mag teleport.

"Ano? Suko na?" Biglang sumulpot sa harapan ko si Guider. Himalang hindi siya mukhang anghel ngayon, mukha siyang ordenaryong tao sa outfit niya. As in ordenaryo talaga. Naka pang uniform siya ng katulong na kulay puti at may hawak na vacuum cleaner.

Natawa naman ako sa suot niya. Ano bang pumasok sa utak niya at ganyan ang outfit niya? "Bakit ganyan ang suot mo?"

Sinamaan niya naman ako ng tingin. "Namasukan akong katulong dito, tuleg." Aniya. "Ikaw? Bakit mukha kang haggard?" Aniya.

Aba't tarantado to ah! "Sino ba naman ang hindi mahahaggard sa paghahanap ng ten commandments?" Sabi ko.

Napabuntong hininga siya. "Kung marunong kang magbasa ng bible, edi wala pang isang oras nahanap mona, diba?" Aniya.

"Malay ko bang mangyayari 'to?" Nababagot kong sabi.

"Mangyayari talaga 'to kasi makasalanan ka!" Bulyaw niya. Ngumuso nalang ako at hindi na umimik, kailangan ko siyang respetuhin dahil siya ang Guider ko, baka kasi mas lalo niya pa akong parusahan. Baka hindi na niya ako pabalikin sa sarili kong katawan. "Siya, siya, tama na yan. Kulitin mona si Joktan, nandoon na siya sa kitchen kumakain. At pupunta ako mamaya sa office niya para maglinis."

Gulat akong napatingin sakaniya. "Diba dito kalang nag-apply ng trabaho? Bakit pati sa trabaho niya?" Tanong ko.

"Tuleg, ganon talaga. Pinayagan niya ako na mag trabaho sa bahay niya at maging janitor sa building niya, at para naman mas lalo ko kayong mabantayan." Explain niya. At naglaho. Ano ba 'yan! Teleport ng teleport!

Iniwan kona muna ang bible at nagtungo sa kitchen. "Hi!" Plastik kong bati kay Joktan. Syempre kailangan kong maging mabait sakaniya para makumbinsi siyang tulungan ako. Hindi kasi ako makakapag-umpisa sa pag lutas kung sino ang gumawa sakin nun kung hindi siya kasama. Napansin kong nakaformal attire siya, parang pupunta siya ng opisina. Naka pang americana kasi siya.

"Wala akong maitutulong sayo, lumayas kana." Malamig niyang sambit. Wow, ito agad ang bungad niya? Nakaka-hurt ka Joktan!

"Alam mo, kahit anong gawin mo hindi kita titigilan. Kaya tulungan mona ako." Pagkukumbinsi ko sakaniya.

"Shut up. You're not worth it to help for." Aniya at sumimsim ng wine sa baso.

Kunwaring napahawak pa ako sa aking puso "ouch ha! Masakit na..." Kumuha rin ako ng baso at pinuno iyon ng wine. Echoes lang yan, di naman ako makakainom ng wine. "Sige ka... mas mapapatagal ang pangungulit ko sayo." Pananakot ko pa.

"Do i look like i care?" Aniya.

"Yes you care."

"As if." Mariin niya pa ring sabi.

When you were goneWhere stories live. Discover now