~kabanata 6~
"Saan nga?" tanong uli ni Gab.
"Sa bahay nila Eunice hehehe" -Ako
Nakuha ni Eunice ang point ko, hindi kasi ako pwedeng makita ng ibang taong nakakakilala sa akin kaya nag iingat ako.
"Balik na tayo sa bahay..." at nilisan na nga namin ang village na ito.
Napayuko ako at nalungkot... Nakakamiss pala maging normal na tao...
"Rave? Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Eunice.
Tumango ako. "I'm tired?" Natataranta kong sabi.
Pumayag naman siya sa gusto ko. "Okay... you look pale na kasi." Ani ni Gabriel.
Hays! Nakakainis! Bakit pa kasi hindi ako marunong mag teleport! Ayan tuloy! Ayaw pa kasi akong turuan ni guider eh!
30 minutes later...
Pagkalipas ng trenta minutos ay nakarating na rin kami sa wakas sa bahay ng mga Clien. Agad nagpasalamat si Eunice at patakbo naming tinuran ang loob. Mabuti at pagkarating namin sa loob ay duon na ako tuluyan naging ghost.
Hinila ko si Eunice at pinunta di kalayuan, napansin ko kasing nag iiba na ang kulay ko at nagiging transparent na ako. "Hay nako! Ghost ka nanaman?" Bagot niyang sabi.
Akmang tutugon ako sa sinasabi niya ng mapatingin ako sa likuran. Nanigas ako sa aking nakita, Hindi ko inaasahan na makikita ko nanaman siya ulit. Sino ba siya? Isang nakakakilabot na ngisi ang kumurba sa kaniyang labi. Bigla akong nakaramdam ng pangangatog ng binti ng makita ko ang kaniyang ngisi. Kung hindi ako nagkakamali sya yung... lalaking nakita ko noon sa mall. "Pst. Rave are you listening? Nagtatanong ako kung bakit ang bilis mong naging ghost? Akala ko bukas pa?" Aniya.
Muntikan nang wala pa akong maisagot sakaniya dahil nakatuon pa rin ang pansin ko duon sa lalaking pulos itim ang suot. "A-Ah... k-kwan.. yung..." kandautal kong sabi.
Nangunot ang noo niya ng dahil duon. "Huh? Anong meron?" Ng mapansin niyang nakatingin ako sa likuran niya ay napatingin rin siya. Agad nawala yung lalakeng nakaitim ng lumingon si Eunice. "Weird" Mahinang bulong niya, ngunit hindi iyon nakaligtas sa pandinig ko. oo tama ang weird talaga... "Buti pa magpahinga kana. una na ako sayo, I'm so haggard na, bye!" At dumeretso na siya sa kaniyang kwarto dahil mag jajaming pa raw sila ni Gab.
Nang mawala na si Eunice sa paningin ko ay agad akong naalarma. Pumasok ako sa geuss room at tinawag si Guider. Maka-ilang saglit lang ay lumitaw na rin si Guider sa harapan ko. "Anong problema?" Poker face niyang sabi.
"G-Guider... bakit-t po... ganito? Akala ko... b-bukas pa?" Nauutal utal paring sagot ko.
Nang marinig niya yon ay napalitan ang poker face niyang mukha into nag-aalala na. "You already saw him..." nag-aalala niyang sambit.
Nang dahil duon ay mas lalo akong naramdam ng kaba. "Yung lalaki bang nakaitim?" Ani ko. "Kung ganon... anong kinalaman niya sa pagiging multo ko ulit?"
"Pinipigilan niya ang kapangyarihan ko." Seryoso niyang saad. Napahawak pa siya sa magkabila kong balikat. "Raiven, kaylangan mona talagang umpisahan ang misyon mo. Ang alam siguro niya ay wala kang pakealam sa misyon mo. Wala kapa kasing ginagawang hakbang nitong mga nagdaang araw. Kaya ang nasa isip niya siguro ay madali kalang niyang makukuha." Mahabang litanya niya.
Nang malaman ko iyon ay agad akong dumeretso sa kwarto ni Joktan. Alam ko kasing nandoon siya ngayon dahil day off niya tulad ng sabi niya kaninang umaga. Walang katok katok na binuksan ko ang pintuan ng kwarto niya. "Joktan!" Napalingon siya sakin at nangunot ang noo. Nakapatong ang laptop sa kaniyang harapan, Hanggang dito ba naman nagtatrabaho siya? "Joktan please! Maawa ka! Tulungan mona ako sa misyon please? Please? Mag dadalawang linggo na ako dito pero wala pa ring improvement sayo! Please naman oh... gagawin ko ang lahat! Tulungan mo lang ako sa misyon, please?" Pangungulit ko sakaniya.
YOU ARE READING
When you were gone
Spiritual"I want u baby, but u is silent" "Bastusan?" -Raiven Date started: December 31, 2017 ENJOY READING 😘