~Kabanata 5~The next days and weeks, finally nakapag adjust nako sa bagong environment na ito unlike my past lives na madali akong mairita.
Nagpunta ako sa kwarto ni Joktan ngunit wala siya duon. Siguro ay maagang pumasok sa trabaho.
Nagtungo akong banyo ng guess room para maligo. Lol of course I'm human again. Sigurado akong meron si Eunice ngayon dito sa bahay dahil wala siyang pasok.
Pagkatapos ko maligo at magbihis ay nagtungo ako sa kitchen. Pagdating ko duon ay nadatnan kong nagluluto si Eunice, she's wearing an apron at yung buhok niya nakatali ng messy ban. "You know how to cook pala?" Tanong ko.
"Yup, kapag bored." Aniya.
Lumapit ako sakaniya para matignan kung ano ang niluluto niya. "Anong luto?"
"Lechon paksiw." Naglagay siya ng sibuyas at bawang sa kawali na para niyang piniprito ng slight.
Napakamot ako sa sintido ko dahil duon. "Ahm-m... Ah..."
Si Eunice ay nagtatakang lumingon sa'kin. "Why?" Tanong niya.
"Ano y-yung... y-yung... Lechon paksiw?" Nahihiya kong saad. "Don't get me wrong, I know Lechon pero yung paksiw? Hindi eh..." tila namula pa ang pisngi ko sa hiya.
Natawa naman siya ng bahagya. "You born with a golden spoon huh." Aniya.
"Kinda...?" Nahihiya akong sabihin na oo dahil pinanganak sila ni Joktan na may Gold Mining Company.
"Filipino food siya, support local! Basta tikman mo nalang mamaya." Hay nako, pati sa cooking skills wala nga akong alam.
Ngumiti ako sakaniya. "I think masarap 'to pagluto na." Ani ko.
Ngumiti siya ng bahagya. "of course!" Aniya.
"Duon na muna ako sa sala, I'm the one should eat that paksiw first ha." Excited kong sabi.
Tumango siya. "Sure.." ngumiti ako at nagtungo sa sala. Nadatnan kong nakabukas ang TV. Tingin ko ay titanic ang palabas.
Dali dali akong sumalampak sa sofa at itinuon ang pansin sa TV.
Hindi ko inilipat sa ibang movie kahit napanood kona iyon ng ilang beses.
Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.
Grabe naman kasi eh! Nakakaantig!
Napabaling ako ulit sa panood ng tumalon ang dalawa sa pinaka dulo ng barko kung saan sila unang nagkakilala. Si rose ay naka-life jacket pero si Jack ay walang life jacket. Mabuti nalang ay marunong lumangoy si Jack dahilan para hindi siya malunod. Dinala ni Jack si Rose sa isang lumulutang na bagay at duon siya ipinatong, hawak kamay silang hinaharap ang lahat. Halos manghina na sila dahil sa sobrang lamig, ang iba ay nagyelo na, ang buhok nilang dalawa ay nagyeyelo na rin dahil sa lamig. sa huling pagkakataon ay may mga sinabi pa sila sa isa't isa bago naghalikan. Hanggang sa namatay sa lamig si Jack. Hawak kamay pa rin sila. Ilang ulit na binabanggit ni rose ang pangalan ni jack ngunit hindi na ito sumasagot. At binitawan na niya ito, duon talaga ako naiyak ng grabe. Shems! Then nag play nanaman ang part na nakakaiyak na kanta ni Celindeon.
sinasabayan ko ang kanta. Hindi mapigilang maluha dahil doon. Kahit alam kong luma na ito ay naaantig pa rin ako, halos mabasa kona ang unan dahil sa mga luha ko, nang matapos ikwento ng matandang Rose ang lahat ng iyon ay nagpunta siya sa pinakadulo ng barko, ang akala ko ay magpapakamatay siya ngunit itinapon niya lang pala ang kwintas. Kwintas na may color blue na dyamante sa gitna. At doon na natapos.
Super crush ko talaga si Leonardo De Carpio. Huhuhuhuhu! "Bakit siya namatay!" Ani ko habang umiiyak.
"Hays... titanic? Yeah, nakakaiyak talaga 'yan." Ani Eunice at inilapag ang niluto niya sa mesa. Hindi ko napansin na nandito na pala siya, paano kasi, nakatutok talaga ako sa pinapanood ko.
YOU ARE READING
When you were gone
Espiritual"I want u baby, but u is silent" "Bastusan?" -Raiven Date started: December 31, 2017 ENJOY READING 😘