Kabanata 13

10 0 0
                                    

~Kabanata 13~

Kaya to. Wag susuko!

Ilang beses na rin ako nag iba ng posisyon ko. Talagang napaka-hirap... Ilang oras na rin ako rito, siguro mga dalawang oras na ako. At napansin ko rin na multo nako.

"Trying harder."

Umangat ang ulo ko ng marinig ko ang boses na iyon. "para... Hindi na ako abala-a dito sa b-bahay mo-o..." totoo naman eh. Naaabala sila rito.

Bumuntong hininga siya. "if you say so... Well then, that's the fact." inamin rin.

Napayuko at itinuon ang mata sa hawak ko. "temporary disturbance lang naman-n, aalis rin a-ako..."

"Good to hear." saka siya nag tungo sa kusina para mag almusal.

Okay, tanggap ko naman na nakikisiksik lang ako sa bahay na 'to. Gaya nga ng sabi ko kanina just an temporary disturbance lang naman. Hindi naman na ako mag paparamdam sakanila pagkatapos nito. Atsaka kung sakali man na makabalik na ako sa sarili kong katawan, hindi na nila ako maaalala. Ang weird nga eh... Dapat ako ang walang maalala pag gising pero yun ang ibinigay ni Guider kapalit ng natapos kong misyon.

Hindi ko rin naman matagalan ang ugali ni Joktan, tanging si Eunice lang ang mabait sa akin dito sa bahay considerately Guider.

Teka nga... Asan siya?

"Nandito."

Napaatras ako ng bahagya sa pagka-gulat. "bakit bigla bigla kang sumusulpot!" napahawak pa ako sa aking dibdib.

"Aba parang dika pa nasanay ah."

Napaisip ako kung bakit hindi ako tinutulungan ni Guider sa misyon. "Guider bakit hindi mo----"

Hindi niya ako pinatapos sa aking sasabihin. "Correction. Gabay mo lang ako, hindi taga tulong sa misyon mo, atsaka simula umpisa pa lamang alam kona kung sino ang nagtangka sa buhay mo para patayin ka." aniya na parang wala lang sakanya iyon.

Nanlaki ang mata ko. "What the!? Bakit hindi mo sinabi?! Edi sana nakabalik na ako sa katawan ko!" inis kong bulyaw.

Nag sign siya na wag maingay. "baka marinig ka!" bulong niya. "hindi ko pwedeng sabihin kung sino, yan ang utos ng nasa itaas... May purpose ang nasa itaas kung bakit hindi ko pwedeng sabihin. It's for you to know and it's for me to keep."

Napakamot ako sa aking sentido. "ang pabebe ng mundo!" padabog kong ibinaba ang papel na hawak ko.

"Wag mong idamay ang mundo, ikaw lang talaga ang pabebe." tinignan niya ang sinosolve kong papel saka ngumisi. "Napaka dali, pinag aralan niyo ito... Dika lang nakinig tsk! Tsk! Tsk!"

Tila nainis ako sa presence ni Guider. "Duhh! Excuse me? Ako lang ba ang hindi nakakaalam? Sila Joktan at Inspector may alam ba sa ganito?"

Umiling iling siya. "alam nila iyan.. Makikita mo mamaya." saka siya nawala.

Grabe! Mapang asar! Kaya lang pala nag pakita sakin para mag yabang! May anghel bang mayabang?

"Sinong mayabang?"

"Put----"

Dinuro niya ako. "Sige mag mura ka! Nang maparusahan ka ng nasa itaas!" mariin nitong sabi.

"Nakakagulat ka! Aatakihin ako sayo!" mariin ko ring bulong.

"Maka-alis na nga..." at nag laho nanaman siya.

Napaismid ako dahil doon. "Sus. Matututo rin ako mag teleport! Kala mo ikaw lang?" ani ko kahit wala na siya.

"Insane." napabaling ako sa boses na iyon sa aking likuran. nakita kong nag lalakad na siya pabalik sa kaniyang kwarto.

When you were goneWhere stories live. Discover now