Kabanata 12

11 0 0
                                    

~Kabanata 12~

TAKOT....

Iyon ang nararamdaman ko sa oras na ito. Hindi ako makagalaw... Tila natuod ako, pang demonyo ang kanyang ngiti na papalapit sa akin.

Hanggang sa nasa harapan ko na siya. "Raiven Ophir Buenaventura..." marahan niyang binabanggit ang aking pangalan.

"M-Magnus-s...." tingin ko ay naiiyak na ako sobrang takot.

"Ako'y iyong nakikilala..." hindi pa rin nawawala ang mala demonyo niyang ngiti.

"Lumayo-o k-ka––"

"Sa pangalan ni Hesus lubayan mo siya!" gumaan ang pakiramdam ko ng marinig ko ang boses na iyon.

Ngumiti ng nakakaloko si Magnus. "Paalam muna binibini..." at bigla siyang nag laho.

Napayakap ako kay Guider atsaka napahagulgol. "G-Guider-r.... Natatakot ako-o..."

Marahan niyang hinaplos ang aking likod. "tahan na... Wala na siya, kaylangan mo lang pag handaan ang pag babalik niya..."

Mas lalo ako yumakap kay Guider. "ayoko-o... Wag mona siyang pabalikin-n..."

Sinara niya ang kurtina ng veranda at pinabalik niya ako sa pag tulog. "Hindi na siya babalik... Sa ngayon. Matulog kana, babantayan kita."

Kinumutan niya ako saka ako naka tulog.

Pag gising ko ay wala na si Guider sa aking tabi. Nararamdaman kong hindi pa ako multo.

Naaalala ko nanaman ang nangyari. Napaparanoid na tuloy ako baka nandiyan lang siya sa tabi.

Napag desisyunan kong mag dasal upang maibsan ang takot na nararamdaman ko.

Kaya pala may mga taong nag dadasal upang gabayan sila ng Diyos... Noon ay kahit mag dasal tuwing may problema ay diko magawa. Kaya siguro masyadong magulo ang pamilya namin dahil unti unti na naming limot ang Diyos.

Naligo ako nang matapos akong mag dasal. Napapakanta pa ako sa banyo dahil sa ganda ng echo. At nung matapos ako sa pag ligo ay lumabas ako sa kwarto na naka balot ng tuwalya.

Pakanta kanta pa akong nag lalagay ng lotion sa katawan, napatigil ako sa ginagawa ng marinig kong bumukas ang pinto at may pumasok. "lumabas ka!"

Nangunot ang noo niya ng makita ang itsura ko. Gosh! Buti hindi ako naka hubad! "Okay. Bilisan mo aalis na tayo..." saka siya lumisan.

Eh?

Hindi naman sa nag papaakit ako pero... hindi man lang siya nagulat sa itsura ko? Syempre halos makita na ang tinatago ko kung hindi lang ako nakatakip ng tuwalya. Kasi mostly pag nakikita ng mga lalake na naka ganito ang ayos ng mga babae each either aandar ang pagka manyak, ang iba naman magugulat at hihingi ng paumanhin saka aalis.

Pero siya? Parang wala lang. Pangit ba ang katawan ko?! How dare you Joktan! O di kaya.... Bading siya? WHAHAHAHAHAHA! baka nga! Bading naman pala ang kupal!

Tinapos ko ang pag bibihis at nag tungo na sa ibaba. Nakita kong kasalukuyan na siyang kumakain, bago ako lumapit sakaniya ay sinuri ko muna siya ng tingin...

Masungit -tsek!

Maarte -tsek!

Ayaw makakita ng hot -tsek!

Naiinis pag niyayakap -tsek!

Wala pang nagiging girlfriend -tsek!

Aminado... Bading nga siya.

Lumapit na ako sakaniya upang daluhan siyang kumain. "Good morning!" masigla kong bati. "nasaan si Eunice?" tanong ko na may halong pag ngisi.

"School." maikli niyang sabi, nangunot ang noo niya ng makita ang ekspresyon ng aking mukha. Ngingisi ngisi kasi ako. "what was that?"

When you were goneWhere stories live. Discover now